A/N: Sa mga silent readers diyan, nagtatampo na ako
Taeyeon's POV
"Taeng, nakakuha ka na ng mga notebook?" tanong sakin ni Luhan.
"Oo. Ikaw?" sagot ko sa kanya.
Nandito kami ngayon sa Nat'l Bookstore, kaming dalawa lang ni Luhan ang nandito dahil yung iba mamaya nalang daw bibili. Kakain pa daw sila -_-
Pano kasi kanina pinalabas kami ng manager ng Chowking dahil nag-away away na silang lahat.
Tama nga yung hinala kong magpapatayan na talaga sila.
Hindi ko nga akalaing isip bata pala sila. Tsk!
Kumuha na ako ng iba pang school supplies at kinuha na sakin ni Luhan yung basket ko at dumiretso na siya sa mat counter.
Sabi niya siya na daw yung magbabayad. Yieee!
Buti pa siya nililibre ako, eh yung amo kong peste ni hindi manlang ako pinapansin! Hmp!
Pagkatapos namin mamili ng school supplies nagpasama sakin si Luhan sa Bubble Tea Shop, ililibre niya daw ako nun. Yehey!!
Hindi pa kasi ako nakakatikim nun eh, kinekwento lang sakin ni Tiffany kung anong lasa nun.
Hindi niya naman ako nililibre. Hmp!
Kaya super excited ako.
Agad kaming pumunta doon at naghana na ako ng table para samin at dumiretso na rin siya sa may counter para umorder.
Kaunti pang yung tao dito sa shop. pansin ko lang huh, parang Korean yung may ari nito. May mga hangul kasing nakalagay sa bawat dingding.
Kay Tiffany ko na nga lang natutunan yung mga hangul hangul na yan eh!
Half korean kasi siya. Actually, mayaman sila.
Naging working student lang siya dahil sabi ng mom niya na dapat daw maging independent na siya.
Kaya ayun! Pansamantala siyang nakatira dun sa boarding house na bulok.
Classmate kami noong elementary, sa public school din kasi siya in-enroll ng parents niya. At doon nagstart ang pagiging magbestfriends namin.
Ang nakakainis lang diyan sa bestfriend ko eh masyado siyang obsessed sa pink!
Lahat kaya ng gamit niya pink! Nakakabadtrip na nga eh.
Kung bibigyan siya ng parents niya ng allowance, inuubos niya para lang bumili ng pink na gamit.
Naiinggit nga ako sa kanya eh, buti pa siya may sumusuporta sa kanyang magulang. Eh ako, wala. Hayyy
"Pst! Taeng. Tulala ka." nagulat ako nung may kumalabit sakin. Si Luhan lang pala.
Grabe yung mga imagination ko, di ko na napansin ang pagdating niya.
"Ayy. Sorry naman." sagot ko.
"May problema ka ba?" tanong niya sakin.
"Wala ah. Hahaha. Bakit?"
"Wala lang. Saan ka pala magco-college?" masayang tanong niya sakin.
"Sa Oh- Kim University. Ikaw?"
"Talaga? Yes! Doon din kami." masayng tugon niya.
"Hahaha. Buti naman, para may friends agad ako. Anong kukunin mong course?" pang-uusisa ko sa kanya.
Accountancy kasi yung akin.
Magaling kaya akong magbilang! Lalong lalo na pag pera. Mwahahahaha! De, joke lang.
"Actually, may special section kaming EXO, syempre puro Business Ad yung kukunin namin, lahat kasi kami mga tagapagmana ng company. Nagrequest din kami ng special section para magkaroon kaming magbabarkada ng privacy. Tsaka para chillin' lang kami."
Grabeee, ganun ba talaga sila kayaman para magrequest ng special section?! Ang astig naman.
"Astig! Bakit nga pala Oh- Kim yung pangalan nung school?" tanong ko ulit. Ang kulit ko no? Lol
"Nagmerge kasi yung company nila Sehun at yung company ni Mr. Kim, di ko alam kung bakit." sagot niya
"Ah. Kina Sehun pala yung school? Grabe, ang yaman niyo." pagpupuri ko sa kanya.
"Haha. Hindi naman. Teka Taeng, diba Kim yung apelyido mo? Kaano ano mo si Mr. Kim? Siya kasi yung CEO ng Kim Enterprises. Isa siya sa pinakamayamang negosyante dito sa bansa eh." dire-diretsong sabi niya.
Pero oo nga no? Pero si Suho nga eh, Kim din yung apelyido niya at di ko naman siya pinsan o kapatid.
At ako? Mayaman? Ha!
Itsura ko lang yata yung pangmayaman eh! Badtrip!
"Hindi ko siya kaano-ano no! Nagpapatawa ka ba? Hahaha" natatawang saad ko.
"Malay mo, magtatay pala kayo!" rason niya.
"Hindi ah! By the way, ilang bese sniyo ng binabanggit yung EXO na yan sakin. Ano ba yan? Fraternity ba yan?" tanong ko.
"Hindi no! Grupo namin yun, since High School. Barkada namin yun eh. Tsaka hindi naman sa ipinagmamayabang ko ah, pero sikat kasi kami sa buong university. Doon din kasi kami naghigh school, dahil kaibigan namin si Sehun pinilit namin si Mr. Oh na sa special section nalang kaming buong EXO." mahabang salaysay niya.
So ngayon naiintindihan ko na. Plano ko pa naman sang isumbong si Sehun kay Mr. Oh na kasali siya sa isang fraternity.
Buti tinanong ko kay Luhan kung ano yun. Edi sana nagmukha akong tanga sa harap ni Mr. Oh. Tsk!
![](https://img.wattpad.com/cover/39379041-288-k938322.jpg)
BINABASA MO ANG
His Personal Maid [SeYeon ff]
FanfictionWala ng description! Basahin niyo nalang para malaman niyo. Mwahahahaha!