Tayeon's POV
"Taeng, gising na." sabay yugyog sa akin ni Fany. Eh ayoko pang gumising eh!
"Taeyeonna!"
"Ano?! Anong oras na ba?" inis na tanong ko sa kanya. Istorbo eh!
"Ngayon ka susunduin ni ate Mitch mo diba? Ngayon ka na magsisimula sa pagiging yaya. Kaya ayusin mo na yang sarili mo. Bilis na!" sabay tulak niya sakin papuntang banyo.
Nakalimutan ko, ngayon na pala ako pupunta doon sa bahay ng magiging amo ko daw. Ano kayang itsura niya?
Pagkatapos kong maligo, nag almusal na ako. Dahil naayos ko na rin naman yung mga gamit na dadalhin ko sa bago kong titirhan.
---
Nandito na kami ngayon ni Fany sa harap ng boarding house, hinihintay namin si ate Mitch."Hoy Taeyeon! Huwag kang magpapagutom dun ah." sabi niya sakin saka ako niyakap. Ang dramaaa ni babaita.
"Syempre nu, ako magpapagutom? Hahaha. Neknek nilang lahat. Tsaka ikaw din mag-ingat ka huh?" sabi ko sa kanya at humiwalay na kami sa pagkakayakap.
"Bes, mamimiss kita." sabi niya na parang iiyak na, maluha luha na yung mata eh.
"Buang ka talaga Tiffany, magkikita naman tayo palagi eh. Dalawang kilometro lang yung layo ng school ko sa school mo nuh. Ang o.a nito." sabi ko rin sa kanya. Tumahan naman siya.
*beep beep*
Napatingin kaming dalawa ni Fany sa kotse na tumigil sa harap namin. Siguro si ate Mitch na to.
"Andito na pala yung sundo mo Taeng." sabi ni Fany na nakatingin pa rin doon sa kotse, sa tingin ko Porsche yun eh. Ang gandaaaa *-*
Nagulat naman ako dahil imbes na si ate Mitch yung bumaba isang lalaking nakangiti ang tumambad sa harapan namin.
"Hey miss, can I get your number?" sabi niya at kumindat kindat pa. Aba, walangya to ah. Pero gwapo. Kaya itong katabi ko kulang na lang magtitili sa kilig.
"Sino--
"Hoy Chanyeol! Wag mo ngang pagtripan si Taeyeon." sabi nung isang babae na kabababa lang sa kotse. Ang ganda naman niyaaa. Pero pano niya nalaman yung pangalan ko? Stalker ko?
"Good morning. Ikaw si Kim Taeyeon, diba? By the way, I am Luhan. Kami pala yung pinasundo sayo ni ate Mitch, may pupuntahan daw siya eh." sabi nung si Luhan.
"Ako nga. Pero ba't parang panglalaki yung pangalan mo?" tanong ko sa kanya. Humalakhak naman yung si Chanyeol, ang laki ng tenga tapos lagi pang nagdederp smile.
Creepy.
"Hahahaha. Luhan, babae ka daw oh! Hahaha." tawa ni Chanyeol.
"Manly ako! Kaya manahimik ka diyan tenga!" sabi niya at nanahimik naman si Chanyeol.
So, lalaki pala si Luhan. Parang babae eh. Hahaha
"Nga pala, si Tiffany siya ang bestfriend ko." pagpapakilala ko kay Fany. Agad naman nagbow si Panyang (Tiffany)
"Hello po. Tiffany Hwang, but you can call me Fany po." sabi ni Fany
"Hi. *derp smile* Park Chanyeol. You can call me Yeol. *derp smile*" sabi ni Chanyeol. Konti nalang maghahandusay na si Panyang. -__-
"So, Fany alis na kami ni Taeyeon ha." pagpapaalam ni Luhan sabay bitbit ng mga gamit ko.
"Sige. Bye Taeng. Mamimiss kita." sabi sakin ni Fany saka niyakap ako.
"Mamimiss rin kita Panyang. Alis na ako ha." at humiwalay na kami sa pagkakayakap.
Pagkasakay namin sa kotse, agad itong pinaandar ni Luhan at umalis na kami.
Excited na kong makita yung aalagaan ko.
--
A/N: Sorry po natagalan mag UD. Votes and Comments po. Tenchuuu :)
BINABASA MO ANG
His Personal Maid [SeYeon ff]
FanficWala ng description! Basahin niyo nalang para malaman niyo. Mwahahahaha!