Ang CCTV Camera

57 0 0
                                    

Ako po si Margarette, isa po akong secretary sa isang kompanya at bilang isang serkretaria, minsan ginagabihan na po ako nakaka-uwi dahil sa dami ng mga papeles o mga gawain na dapat ko pang tapusin.

Isang gabi, ako lang at ang gurad ang nandoon sa building, mga 10:38 na nang gabing iyon. Habang nagre-research ako ay may narinig ako na halughog sa office ng CEO namin. Agad kong pinuntahan ang guard at nagpasama ako sa office dahil baka may magnanakaw. Pero sabi ng guard ay wala naman daw tao dun, kaya ipinag-patuloy ko nalang ang pagre-research. Sa tabi ng cubicle ko, ay ang CCTV Camera. Pero ang nakakapagtaka ay naka-off ito, usually kasi, on lang dapat ang mga CCTV. So I called the guard again.

"Guard, naka-off po ang CCTV. Diba dapat on lang iyan lagi?" tanong ko sa kay Manong guard.

"Ayy! Sorry po Ma'am Maragarette. Baka na-off po ng watcher. Teka lang po, io-on ko lang po. Mukhang na-off nang watcher natin." at umalis na si Manong guard.

Umalis si Manong guard at tumungo na nga para sa CCTV Room. Ako lang mag-isa sa floor na yun. Biglang nahulog ang aking kape.

"Ahhh! Shit naman oh Starbucks pa naman sana." inis kong sabi.

Nakita ko naman si Manong guard na dali-daling pumunta sa harapan ng cubicle ko.

"Ma'am may nakita po ba kayong babae na naka-puti?" tanong niya na nagbubutil ang pawis sa noo.

"Wala naman, bakit?" tanong ko ngunit dahil sa kanyang pananalita ay kinabahan nalang ako bigla.

"Ma'am, eh. Siya po kasi ang nakahulog sa inyong kape. Tapos nung nagsalita kayo, bigla siyang pumunta sa harapan mo at tumingin sa iyo na parang nagagalit tapos nasira po ang CCTV." explain niya.

Dali-dali kong in-off ang computer at nagpaalam na uuwi na ako.

*

Kinaumagahan nang pagpasok ko sa trabaho, maraming tao  ang nagkukumpulan sa harap ng main entrance. Naki-usyoso ako at nakita kong nakahandusay na ang malamig na bangkay ni Manong guard. At ang masaklap pa ay wala na itong mata!

Hinala naman ng mga pulis na baka pagkatapos patayin ay kinuha ang mga mata nito at ibinenta.

Pero alam ko namang hindi tao ang gumawa nyan sa kanya. Kundi ang babae na nakita niya sa CCTV Camera...

COMPILATION of ONE SHOT STORIESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon