Ng dahil sa Grasshopper

11 0 0
                                    

Caution: Ito ay isang Napaka-walang kwentang Update. De joke lang po, I wrote this almost two years ago. ngayon ko pa lang ipu-publish. Half true to life story, yung ending, hindi haha.

----

*kriiing*

"Ate, ate gising na! Late ka na!" Puksheyt! Nambubulabog ng tulog.

"Mamaya na! Wag mo kong isturbuhin! Antok pa'ko."

"Ayaw mo? 7:00 na late ka na!"

Napabangon ako nun. Pagtingin ko. Totoo nga 7:00 na. Aish! Palagi nalang akong late!

Ligo, bihis. Aah bahala na! Hindi na ako kakain. Kahit gutom na ako.

Waaah! 7:12 na late na talaga ako.

Wooooooh! 7:45 na! Andito na ako sa school ko hehe!

Habang nasa line ako, mayroong isang green insect sa uniform ko. Kinapa ko ito at umalis siya. Papatayin ko na sana kaso may pumigil.

"Wag mong patayin. Magkakalagnat ka niyan. At isa pa, dapat hindi mo paglalaruan ang may buhay." sabi nung lalaki.

Hmmm. Cute siya. Ano naman ang paki niya sa akin? Nagpatuloy ako sa pagpunta sa classroom.

"Oy! Ano nga yung tawag ng isang color green na insect? Na makapagpalagnat?" Tanong ko sa barkada.

"Huh? Molla," sabi ni Pearl. Ayan na naman po siya sa kaka-Korean.

"Ewan ko. Baka praying mantis." sabi ni Ann.

"Hindi rin siya praying mantis. It looks like a, ah I forgot." sabi ko.

"Mukha siyang grasshopper girl." sabi ni Jireh.

"Yeah!"

"Siguro grasshopper nga." sabi ni Sheena.

"Bakit mo naman natanong yun?" Tanong nina Marga, Rhusell and Dixie Tapos tumawa sila.

"Hahaha. Pareho lang pala ang nasa-isipan natin ano?" Sabi ni Marga.

"Pasok na!" Sabi ni Sir.

Pumasok na kami. Magkatabi kami ni Marga.

Habang nagdi-discuss si sir, yung nangyari kaninang umaga palaging nagfla-flashback. Kaya hindi ako maka-focus. Yung mukha nung lalaki ang palagi kong nakikita. It's really annoying.

"Pssst. Gly!" Kinalabit ako ni Marga.

"Oh bakit?"

"Makinig ka kay sir, sobrang importante ng sasabihin niya."

Tumango lang ako at tumingin kay sir. Kaso imbes na makinig ako, yung lalaking yun ang nakikita at yung sinasabi niya ang naririnig ko Pinukpok ko ang ulo ko sa desk ko. Kinalabit na naman ako ni Marga.

"Bakit ba?" Irita kong tanong. Isa pa to eh, nang-iistorbo.

"Bakit mo ba pinukpukpok ang ulo mo? Ang ingay kaya." tapos humarap na siya kay sir.

"Paki mo ba? Tss."

Pinilit kong magconcentrate kaso hindi talaga nag-work eh. Umuwi kami ni Rhusella, kinakausap niya ako, tango lang ako nang tango. Wala ako sa sarili ko eh :3

••• SLEEPING TIME •••

*yawn*

"Haay! Hanggang sa pagtulog ko siya parin?" Tanong ko sa reflection ko sa salamin. Kainis! Siya kasi ang napanaginipan ko. Tapos, basta ayaw kong banggitin.

"Oh, himala ata. Ang aga mo Gly." tapos naghand-shake kami ni Dixie.

"Eh kasi, yung lalaking yun ang napanaginipan ko. Sobrang weird ng dream ko. Ewan ko ba kung bakit siya ang napanaginipan ko."

"Siguro crush mo siya!" Tapos kinurot niya ako sa may tagiliran ko.

"Tss." at pumunta ako sa room.

Pumasok si Pearl. Lumaki ang mga mata niya.

"O Diyos ko! May malaking himala! Isa itong himala! Hahahahaha!" Tapos umupo siya at namatay. De joke lang po, heto po talaga. Namatay po talaga siya. Dinala sa clinic, sa hospital at sa huling hantungan niya. Joke lang po talaga! Heto na po!

Yun nga, sinabi niya yun. Tapos pumalakpak at nagtatatalon. Tapos pinagalitan ng kaklase namin.

"Pearl! Ang ingay mo! Alam mo ba yun?" Sabi ni (Censored lang po ang name. Hindi naman po kasali sa cast eh.)

"Tss. Ikaw ba pinapagalitan ko kapag nag-iingay ka? Kala mo kung sino! Pero Gly, isa talaga itong himala! Anong nakain mo at ang aga mong dumating?" Tapos umupo siya sa tabi ng bakanteng upuan ko.

"Wala. Hindi pagkain kundi tao."

Kwinento ko sa kanya lahat. She wants to know that guy. Tapos kung ano-ano na ang ini-imagine. Pasensya na po, medyo may pagka-half lang po talaga kami. Pero ang isang to, talaga ang may malalang kondisyon. -_-||

[Hindi naman talaga malala Glycel! Konti lang!]

Tss. Tsupi ka nga dyan Pearl! Ini-iba mo ang istorya eh. Balik na nga tayo sa main story!

[Amp. Ikaw na nga tong ginagawan ng istorya! Pfft. Hindi ko na itutuloy ito.]

Oh sige na sige na. Sorry na! Okay?

Oh tignan mo? Baliw talaga! Okay let's go back to the story.

Alam ko na ang name niya. Pero may codename ako sa kanya. "Yors."

Makapagfacebook nga muna. Oh, sino to?

Omo.

O.O

Nagfr siya sa akin?! Watda! Shemay where am I?

[Makiki-insert po muna. Fr means friend request. Glycel baliw!]

Amp. Accept na ito!

I spazz his account. Biglang may nagpop-out sa window. 'Hi.' Puksheyt! Nag-message siya!

'Hello.'

'Ikaw yung girl na may grasshopper sa uniform right?'

'Yeah! Bakit?'

'I finally found you'

'Ha?'

'Aah nvm.'

'Nvm?'

'Nevermind.'

[Oh, nagcha-chat pala kayo. Ni hindi mo man lang sinabi sa amin :'( ]

Sorry. Wag na galit please.

Maaga na naman akong nakapunta sa school. Kwinento ko sa kanilang lahat.

As days passed by, palagi kaming nagte-text ng yors ko. Minsan chat. Lahat ng convo namin, palaging nasa isip ko. Mahal ko na talaga siya.

"Gly! Gly! May naghahanap sa iyo." sabi nina Ann at Gwyn.

"Sino?" Tanong ko.

"Basta. Punta ka rito." tapos may inabot silang papel.

Pinuntahan ko ito. Si yors lang pala ang nagpapunta sa akin.

"Happy monthsary Glycel. Masaya ako at naka-abot tayo ng one month kahit ganun lang ang communication at ang mga schedule natin ay sobrang hectic. I love you!" Sabi ni Yors.

"Happy monthsary. Oo nga noh. I love you too." sabi ko at sumayaw lang kami.

Yan ang love story ko. Alam kong marami pa kaming pagdadaanan ng yors ko. Basta't alam ko na andyan lang kami para sa isa't isa, alam kong magiging maayos lang kami.

COMPILATION of ONE SHOT STORIESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon