"Ba't ka ba nagkakaganyan? Nang dahil lang sa isang lalaki?! Hoy, magmove on ka na nga. Nang dahil diyan sa kakasunod mo eh mas sinasaktan mo ang sarili mo eh. Hindi ka ba naaawa sa sarili mo? Pwede ba, tumigil ka na Kat! Ako ang naaawa sa iyo. Please, limutin mo na siya." My tears started to fall when I saw him kisses his new girl.
"Kat, pakawalan mo na siya. Huwag mong ikulong ang sarili mo sa kanya. Kat, makinig ka naman sa akin oh?" Patuloy lang sa pagsasalita ang bestfriend kong si Keith. Patuloy pa rin sa pag-agos ang luha ko. I tried to wipe them away pero lumalabas pa rin sila.
"Tara na Keith." atsaka ko siya hinila nang papunta na sa direksyon namin ang past ko. Masaya siya, habang ako eto, parang isang stalker niya na hindi pa rin nakakapagmove on at tanggap na wala na talaga.
"Baby, where do you wanna eat?" Yan ang last sentence na narinig ko mula sa kanya. Tarsier, wala na ba talaga? Hanggang doon na lang ba talaga tayo?
Tinitigan ko lang ang glass sa 7eleven kung saan kami napadpad ni Keith. Walang naimik sa amin.
"Haay, Kat, marami pang ibang lalaki diyan oh? Ikaw nga tong nagsabi sa akin noon nung hiniwalayan rin ako ng ex ko na hindi lang iisa ang lalaki sa mundo. Asan na ba yung Kat na kilala ko? Asan na yung Katniss na matatag? Ganyan ka nalang? Tutunganga? Susundan siya kahit saan siya pupunta? Paano ka naman makakamove on nyan Kat? Katniss Bernabe, kalimutan mo na ang lalaking iyon. Tinu-time ka nun, tas you'll follow him around? Aba naman, ang masokista mo day." tinignan ko siya. At hindi ko maiwasan na mangilid ang mga luha ko. "Wag ka namang umiyak dyan. He's not worthy of your precious tears, Kat. He has no worthy of it." sabi niya at hinawakan ang kamay ko.
"Keith, naranasan mo rin naman ito eh. Alam mo naman kung gaano ko siya kamahal. Alam mo namang siya ang kauna-unahang lalaki na nagpatibok sa puso ko. Kung bakit ako masaya. Kung bakit ako nagkakaroon ng enerhiya. It's because of him. Masakit kasi eh, dahil walang naging kami. There was never an us. Walang kami, Keith. Wala. Pero heto ako, akala ko liligawan na niya ako, handa pa naman akong ibigay sa kanya ang oo ko. Pero mali pala, hindi pala niya ako liligawan. Hanggang doon lang pala kami. Mutual understanding lang pala." Pagak akong napatawa. Tama, walang kami. Kaya nga paano ako makakamove on kung wala namang kami? Kung walang naging kami? Ang sakit eh, hanggang doon lang naman pala eh. Akala ko aabot kami sa Boyfriend-girlfriend stage.
"Alam mo Kat, mas maswerte ka nga. Kasi walang naging kayo. Walang naging attachment talaga. Kesa naman ang sa akin? Three years kami, tapos nauwi lang sa hiwalayan. Ang masaklap pa, during our third anniversary siya nakipag break sa akin. Mas masakit ang sa akin. Kat, may iba pa naman eh. There are so much more. Marami pang lalaki diyan sa tabi-tabi. And we're still young. Marami pa tayong pagdaraanan. Marami pa tayong makikilala. Hindi siya ang kahuli-hulihang lalaki sa buong mundo." sermon niya sa akin. I shook my head. Hindi eh, mahal ko talaga siya. Siya at siya lang ang gusto ko. Ang tarsier ko lang. At ako naman ang kanyang tree. Kasi ako raw ang kinakapitan niya. Ako raw ang tirahan niya. Pero ano na? Nasaan na ang tarsier ko?
"Mahal na mahal na mahal ko siya Keith. Hindi ko na kayang magmahal pa ng iba bukod sa kanya. Keith alam mo namang siya ang buhay ko diba? He'll be the only man I'll love. The only man I want to spend my lifetime with. Siya lang, wala nang iba. Siya lang ang pinangarap ko. Hindi ko maatim na isipin na may ibang lalaki akong mamahalin." Sabi ko sa kanya. I suppressed the sob that might come out from my mouth kasi andito kami sa public place.
"Kat, mahal mo siya, oo. Ang tanong mahal ka ba niya o minahal ba? Isipin mo nalang ha, ba't ang bilis ka niyang ipagpalit sa iba? Ba't ka niya nagawang iwan kung mahal ka niya? Ba't ka ba niya nasaktan kung totoong mahal ka nung lalaking iyon? Diba parang mababaw lang ang nararamdaman niya. Hindi siya seryoso sa iyo, fling lang. At ikaw naman, kumagat sa pa-sweet niyang actions. Eh klaro namang playboy iyon eh. Matagal na kitang binalaan, pero hindi mo sinunod. Matagal na niyang nililigawan ang babaeng yun. At habang hindi pa siya sinasagot nun, eh nilapitan ka niya at nakipaglandian siya sa iyo para hindi siya mabore sa kakaantay sa babaeng iyon. Gets mo ba?" Tanong niya. Naikuyom ko ang kamao ko. Past time lang pala ako para hindi ma-zero ang lovelife niya. Alam ko naman iyon, noon palang. Pero ang sakit malaman sa mismong kaibigan mo pa.

BINABASA MO ANG
COMPILATION of ONE SHOT STORIES
RandomBored ka ba sa pag-aantay ng updates ko? Aba eh, why won't you try to read one-shot stories? In this way, you'll not be bored (somewhat) in waiting for my updates.