She was the girl who cried because of me.
She was the girl whom I am proud to have.
She was the girl whom I want to be with.
Pero nang dahil sa kababawan ko, iniwan ko siya at ipinagpalit sa ibang babae. Which only reminds me of her. Kaso nga lang, they differ in their personalities.
She is kind, while the other is not.
She is humble, while the other is conceited.
But both of them are pretty. Yun nga lang, may pagkakahawig din sila sa kanilang mukha. Ewan ko ba, I left her and replaced her with a girl that only reminds me of her.
And now, seeing her everyday, makes me fall for her even more. Pasimpleng tingin nga lang muna ang nagagawa ko.
"Cheska!" Tawag sa kanya ng kanyang kaibigang si Marie. Nginitian niya ito, that heart melting smile of hers.
"Bro, baka matunaw na ang past mo. Hindi na sila magkita niyan ng crush niya." natatawang pagsita sa akin ni Jonathan. Napabuga ako ng hangin, if I just waited for her and didn't look for her care, sana ngayon ay ako pa rin ang nasa tabi niya.
"Hindi iyan, Tan. Magiging akin rin siya ulit. Tiyempo lang muna, makukuntento muna ako sa pagiging magkaibigan namin. Diskarte na rin iyon para mahulog muli ang loob niya sa akin." sabi ko sa kanya bago ibinaling ang tingin sa ibang direksyon. Wala siya rito eh, umalis.
"Aba'y gago ka rin eh. Pinakawalan mo, babawiin mo? Paano kung ayaw kang bigyan ng pagkakataon ni Cheska? Paano narin naman pala si Yvette?" Tanong niya. Napatungo ako sa narinig kong pangalan ng nobya ko.
"Ewan ko. Basta cool off kami ngayon eh." Sabi ko sa kanya. Nag-away kasi kami ni Yvette. Okay rin naman kasi sa kanyang makipag-cool off sa akin. Pahuhupain ko muna ang galit ko. Ma-pride akong tao, si Yvette rin. Mabuti pa si Cheska, naiintindihan niya ako. Sayang nga lang, inabuso ko ang kanyang pagiging maintindihin.
"Kyle pinapatawag ka ni Cheska." kalabit naman ng mayor namin. Tumango ako at agad na pinuntahan siya. Andun lang naman pala siya sa labas ng room namin. May kasamang classmate rin namin, si Gabriel.
"Gabriel naman ihh! Hay naku, bahala ka nga diyan! Ayaw mo naman akong pansinin, edi huwag!" At padabog na umalis. Napaharap siya sa akin, nginitian ko siya. Ngumiti naman siya sa akin.
"Oy, Kyle. Oo nga pala, huwag mong kalimutan ang dadalhin mo bukas ah? Nakapag-exam ka na ba sa Physics? Iyong new topic natin?" Tanong niya. Napa-isip ako, exam? Ikaw hindi pa eh, hindi mo sinasagot ang tanong ko, ang daya mo ah!
"Naku, hindi pa eh. Ni hindi mo nga ipinaliwanag ang tungkol sa project natin sa akin. Tapos tatanungin mo pa ako tungkol sa exam? Naku Cheska ah, wag mo akong ni-stress ng sobra." natatawa ako ng sinimangutan niya ako at hinampas. Hahampasin niya sana ako ulit pero agad kong itinaas ang mga kamay ko at pinisil ang kanyang cheeks.
"Argh! Kyle naman eh! Masakit kaya!" Padabog niyang sinabi habang hinihimas ang mapulang pisngi niya. Natawa ako, noon hindi ko nahahawakan ang mga pisngi niya, ngayong magkaibigan na lamang kami ay nahahawakan ko na ito. Bakit sobrang unfair ata? Pwede bang ibalik muli ang oras at gagawin ko ang lahat para hindi siya makawala sa akin? At gagawin ko na rin ang mga pinag-gagawa ko ngayon na hindi ko nagawa noon.
"Cute mo talaga Cheska." puri ko sa kanya. Inirapan niya lang ako at pumasok na sa classroom. Ngumiti nalang ako, kahit na nasasaktan ako minsan dahil pinapamukha nilang may gusto siya kay Liam, ay ako mismo, tinutukso siya sa lalaking iyon.
Pumasok na rin ako sa classroom at nakita kong nag-uusap silang tatlo nina Dan at Marie. Pinuntahan ko kung nasaan sila, aba, magkalapit lang kami ng upuan. Bale si Cheska ang nasa harap ko at si Marie naman ang nasa tabi niya. Magkatabi rin kami ni Dan.
BINABASA MO ANG
COMPILATION of ONE SHOT STORIES
RandomBored ka ba sa pag-aantay ng updates ko? Aba eh, why won't you try to read one-shot stories? In this way, you'll not be bored (somewhat) in waiting for my updates.