Maliit. Masikip. Mabaho. Maingay. Mainit. Yan ang nakagisnan kong buhay. Hindi taliwas sa akin ang marangyang pamumuhay, dahil hindi ako isang prinsesa. Isa akong muchacha.
"Alice! Alice!" Katok ng nag-iisa kong kaibigan na si Inday. Lumabas ako at nakita ko ang malaking ngiti sa kanyang mukha. Napaka-aliwalas ng pagmumukha nitong isang to ah. Parang may good news.
"Oh ano, day?" Tanong ko at ipinusod ang magulo kong buhok. Isang malaking baggy shorts at malaking dirty white t-shirt ang suot ko ngayon. Tado, wala pa akong ligo nyan nyahahaha. Haba ng pila para sa tubig eh, makikiligo nalang ako kanila Inday.
"Magbihis ka ng maayos mamaya ah? May pupuntahan tayo!" Nakangiti niyang sabi. Kumunot ang noo ko. Magbihis ng maayos? Eh wala nga akong matinong damit diyan eh.
"Tamo to, alam mo namang wala akong matinong damit diyan. Maski tsinelas nga eh, tingnan mo nga tsinelas ko Inday, may malaking butas." sabi ko ng naka-simangot.
"Ay oo nga pala, sumama ka nalang nga sa akin. At nang maayusan naman kita at magmukha kang tao sa pupuntahan natin." natatawang sabi niya. Binatukan ko siya, langya, nang-asar pa.
"Ikaw Inday ah, namumuro ka na sa akin. Kung ako, magiging mayaman, ipaparanas ko sa iyo iyong mga pinaranas mo sa akin. Pero mas so-sosyalin ko pa. Kung sa iyo sa fast food chain, sa isang tunay na restaurant kita dadalhin." Inis kong sabi sa kanya. Tinawanan naman niya ako at ikinawit niya sa akin ang kanyang kamay.
"To naman, nagbibiro lang eh. Halika na nga, malapit na mag-alas dose. Tas, yuck! Ang baho mo day!" At itinakip niya ang kanyang kamay sa kanyang ilong. Ipinagduldulan ko sa kanya ang kili-kili ko. At ang nakuha ko ay isang tili.
"Hahahahhaha! Inday! Ang epic nang pagmumukha mo! Hahahahahaha!" Hagalpak kong tawa sa pagmumukha niyang epic na epic. Sinamaan niya ako ng tingin.
"Oy! Pikon!" Sabi ko. Tinawanan ko ulit siya. "Hmp! Che! Halika na nga!" At lumakad na siya. Natatawa kong sinusundan si Inday.
Hindi kagaya ko na nakatira sa squater's area si Inday. Nakatira siya sa isang subdivision. Hindi naman siya gaanong kayaman, pero nabibili nila lahat ng kailangan nilang pamilya.
Hindi katulad ko. Lumaking mag-isa. Walang kinilalang ina at ama. Ewan ko, baka ayaw nila sa akin, baka pabigat din ako kaya nila ako iniwan.
Wala naman akong masyadong natatandaan sa nakaraan ko. I don't have memories of my childhood. Parang noong 9 years old lang ako ang natatandaan ko.
"Woy! Andito na tayo gaga! Pasok ka na bilis!" Pagpukaw ni Inday sa akin sa malalim na pag-iisip.
"Ah, o sige." sabi ko naman at pumasok na sa may gate nila. "Mama!" Sigaw ni Inday.
"Maria Andrea Yna Ibarra! Saan ka galing?" Galit na pagmumukha ang bumungad sa amin ng ina ni Inday.
"Ay, andito ka pala Alice. Halika pasok kayo." nahihiyang sabi naman niya nang makitang andito ako sa pamamahay nila.
"Mano po, Tiyang." Sabi ko. Nagmano naman ako at agad na pumasok sa bahay nila. Mga ilang buwan din pala akong hindi nakakabisita rito. Pero wala namang nagbago.
"Ma! Paakyatin mo nga rito si Alice!" Sigaw ni Inday na nandoon sa kwarto niya. Umiling nalang ang kanyang ina.
"Tong batang talaga to. O siya, umakyat kana roon Alice. Alam mo naman kung saan ang kwarto ni Inday." Sabi niya at umalis na papunta sa kusina. Tumayo na ako at naglakad papunta sa may hagdan nila. Nang mahagip ng mga mata ko ang picture ko noong bata pa ako sa isang newspaper.
Agad kong kinuha iyon at binasa ang headline. The Gomez's Heiress: Still Lost
Yan ang headline. T-teka, ako to ah? Ba't ako andito sa newspaper? Ba't ako ang nasa cover page?!

BINABASA MO ANG
COMPILATION of ONE SHOT STORIES
RandomBored ka ba sa pag-aantay ng updates ko? Aba eh, why won't you try to read one-shot stories? In this way, you'll not be bored (somewhat) in waiting for my updates.