The one I love to hate

14 0 0
                                    

"Happy birthday ulit Rage!" Bati sa akin ng mga kabarkada ko habang kumakaway.

"Salamat! Mag-ingat kayo!" Paalala ko sa kanila at kinawayan sila pabalik. Tinanaw ko muna kung wala na sila saka ako tumalikod para pumasok sa loob. Pero pagtalikod ko palang ay bumungad sa akin ang taong kinaiinisan at kinamumuhian ko.

"Anong ginagawa mo rito, Charm?" Tanong ko gamit ang malamig kong boses. Hinagod ko ng malamig na tingin ang kanyang kabuuan.

"I just want to say happy birthday. Masama ba iyon?" Nanglalambing niyang sinabi. Kinilabutan ako sa uri ng kanyang pagtitig sa akin.

"Sinabi mo na, maaari ka nang umalis dahil sinisira mo ang gabi ko. Masyadong espesyal ang araw na ito para sa akin at gusto kong hanggang sa pagtulog ko ay maganda. Ayaw kong sirain mo lang ang gabi ko." sabi ko at tinalikuran siya. Ngunit pagtalikod ko ay may naramdaman akong kirot. Kirot dito sa puso ko.

"Ganyan mo ba ako kinamumuhian, Clone?" Tanong niya sa akin. Hurt lace her voice, nakaramdam na naman ako ng kirot.

"Hindi pa ba obvious, Charm?" Tanong ko pabalik saka humarap sa kanya which I regret in doing. Her beautiful face is covered with tears.

"Courage Clone Monteverde," banggit niya sa buong pangalan ko na nagpatalon sa puso ko. "mahal na mahal kita." at iyon ang pinakamagandang regalo na natanggap ko sa tala ng buhay ko.

"Nagbibiro ka? Tatawa na ako?" I want to whack my head real hard. Ang engot ko! Sinasaktan ko na naman siya.

"Hindi ako nagbibiro, pero sige kung biro lang ang tingin mo sa pagmamahal ko sa iyo, isang malaking biro ka lang pala sa buhay ko. How could I love a man who always let me feel his hatred towards me? Ang tanga ko para mahalin ka." at umalis na siya. Kasabay ng kanyang pag-alis ay ang unti-unting paggunaw ng mundo ko na tanging siya lang ang laman.

Napaluhod ako at tinitigan lang ang lugar kung saan siya nakatayo kani-kanina lamang.

Pasado hatinggabi na, pero gising na gising pa rin ang diwa ko. Hindi pa rin nawawala ang imahe ni Charm sa isip ko, pati na rin iyong sinabi niya na sumaksak sa engot kong puso at isipan.

Charm Samantha Pelayo ay kaibigan ko dati pa lang. Sa lahat ng kabarkada ko, sa kanya ako pinakamalapit. Tinuring ko siyang sarili kong kapatid, kahit na alam kong higit pa sa kapatid o kaibigan ang pagtingin ko sa kanya, pero dahil lang sa isang kasinungalingang ikinalat ng kanyang nobyo ay nagbago ang lahat sa aming dalawa.

Hindi na niya ako kinakausap ni tapunan nga lang ng tingin. Kapag magkakasalubong kami, liliko siya o kaya naman ay magpapanggap na hindi niya ako nakita. Those were the darkest days in my life. Iniwan niya rin ang barkada namin at pinili na makihalubilo sa barkada ng kanyang traydor na nobyo, si Joseph. Joseph is a good friend of mine, pero ipinagkanulo niya lang ako.

I tried to explain to her the real thing. Pero hindi niya ako pinakinggan. And I got tired of running after her. Ayaw niyang makinig sa akin, wala na akong magagawa pa. Kahit lumuhod ako sa kanyang harapan, hindi rin naman niya tatanggapin ang sinasabi ko kaya minabuti ko nalang na tapusin at tanggapin na tapos na ang aming pagiging magkaibigan.

Pero nung naghiwalay sila ni Joseph ay siya naman ang humahabol sa akin. Naiirita ako at the same time ay nasasaktan. Bakit ngayon pa niya ako pinaniwalaan kung tinapon ko na rin ang aming pagiging magkaibigan? Siya ang unang tunalikod, kaya tinalikuran ko na rin siya. Kasabay ng pagtalikod ko ay ang pagbitaw ko sa mga alaalang meron ako sa kanya.

And I started to be mean to her. Iba ang pakikitungo ko sa kanya sa iba pang mga babae sa barkada ko. I hurt her with my choice of words. Pero hindi ko pala alam, mahal pala ako ng taong mahal ko. I know what I'm doing because this is the only way -I can say- para iparating sa kanya na galit ako sa kanya. I am hurting her intentionally, and keep on hurting myself whenever I hurt her.

COMPILATION of ONE SHOT STORIESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon