"Rhianne, may alam ka bang number na +63905-------? Does it ring a bell?" Tanong ng kaklase kong si Rachel.
Tinignan ko ang contacts ng phone ko and shook my head. Wala akong contact niyan.
"I'm sorry chel. Wala eh. Bakit? Kinukulit ka ba niyan?" Tanong ko sa kanya and she looks so pissed.
"Oo eh. Last week lang ito nagsimula nang text sa akin. I already ask this annoying creature kung sino siya. Almost a hundred times na. Tapos ang reply lang, ako si batman or kung hindi naman si batman, siya raw si superman. Pinagloloko ako eh," inis niyang sabi. Naku nga naman, nakakainis nga pag ganun.
"Gusto mo bang malaman kung sino iyan? Ibigay mo nga sa akin ang number nang maimbyerna rin iyan sa akin. Huwag mo lang siyang reply-an. Ako nang bahala chel," I volunteered. Alam ko naman kung bakit siya lumapit sa akin eh. Magpapatulong lang iyan.
Nilingon niya ako at halata sa kanya ang kasiyahan. She immediately gave me the number at nagpasalamat tapos bumalik na sa kanyang upuan.
I immediately sent the number a message. At makalipas ang ilang minuto ay hindi naman ako nabigo dahil nagreply iyon.
The texter asked me who I was. And to piss him/her, I just told him/her that I am optimus prime.
Tawa ako nang tawa nang bahain niya ako ng mura. Alam kong sasabog na ang bulkan eh. Kaya ininis ko pa lalo.
Natigil ako nang itext niya sa akin kung sino siya.
Napatingin ako kay Rachel na nakikipagkwentuhan sa kanyang katabi.
Bigla naman akong nakaramdam ng inis dahil ang manhid masyado ni Rachel. Seriously?
"Rachel!" Sigaw ko, pwede pa naman dahil wala pa ang professor namin haha.
"Yes?" Sigaw niya pabalik. I motioned her to go to the vacant seat beside me.
"Ano ba iyon, rhi? Ang ganda na sana ng pinag-uusapan namin ni Michael eh >3<" naka-pout niyang sabi sa akin at inis nga siya dahil naputol ang kwentuhan nila ni Michael.
"Asar. Ang manhid mo talaga. Eh si Gian ang nagtext sa iyo ano ba. Yung long time crush mo gaga!" Sabi ko nang pabulong.
When I looked at her face to see her reaction, I was pissed dahil nagpipigil pa talaga siya nang tawa. I just glared at her. She stifle a light laugh and just wink at me then she left.
Nalito naman ako sa kanyang naging reaction. Diba dapat siyang matuwa dahil long time crush niya ang nagtext sa kanya? Bakit wala akong makitang kakilig-kilig sa mata at ikinikilos niya? I just don't get it.
And because I have started this mission, I didn't even told Gian my real name. Bahala siyang mangulit sa akin kasi alam ko namang makulit talaga iyang si captain.
Yep, he is the captain of the volleyball boys' team na pambato ng school. And he is also my best pal. Ano kaya ang nakain ni Gian at bigla nalang nagpalit ng number? Ni hindi niya nga ako binigyan. Psh. Nakakatampo.
Have I introduced myself?
By the way, I am Rhianne Carlos. Yan lang ang ibibigay ko sa inyo ha? I am the pre-aloof type of person kasi. Hindi ako masyadong maingay, pero nag-iingay ako minsan. I proclaimed na aloof ako kasi wala ni isa ang nakakaalam sa totoong ako. Yung parang may wall kahit na sabihin mong kaibigan ko ang mga kaklase ko.
Mukhang wala atang balak na pumasok si prof. Maglalakad nalang muna ako. Nakakainip dito eh. Ang daming nilalanggam, mga gossip girls, mahahanging boys at mga book lovers. Seriously? Wala man lang ni isa ang normal dito.

BINABASA MO ANG
COMPILATION of ONE SHOT STORIES
RandomBored ka ba sa pag-aantay ng updates ko? Aba eh, why won't you try to read one-shot stories? In this way, you'll not be bored (somewhat) in waiting for my updates.