Fool In Love

11 0 0
                                    

"Shiela? Can I sit beside you?" I looked at the man who asked me, it was Andrei, office mate ko.

"Oh sure," ngiting sagot ko sa kanya. Ang awkward.

"Naiilang ka ba sa akin, Shiela? Dahil ba sa nangyari noon?" Tanong niya nang mapansin niya ang uneasiness ko.

Napatikom ako ng bibig ko. I don't want to hear anything from my past.

"Oh I see." at tahimik na tumawa siya. Napakunot naman ako ng noo. At talagang natutuwa pa siya ah?

"Anong nakakatuwa Andrei?" Taas kilay kong tanong sa kanya. Napatigil naman siya at umiling. Hindi ko rin gets ang isang to.

"Wala. Still affected by my presence eh?" Nanunuyang tanong niya. At dahil doon ay natikom ko ang aking bibig. Shit, masyado bang obvious na affected pa ako sa kanya?

"Tumahimik ka na nga lang Andrei." inis kong sabi sa kanya at itinuon ko nalang ang atensyon ko sa pagkain ko. Sayang naman kung hindi ko kakainin, paborito ko pa naman.

"Ah, Shiel. May tanong lang ako," napatigil ako at tinignan siya sandali. Tapos ay pinagpatuloy ang pagkain.

"May... May boyfriend ka na ba?" Tanong niya. Nasamid naman ako, agad niya akong binigyan ng c2. At walang alinlangan kong kinuha iyon.

"Ba't mo tinatanong yun? Manliligaw ka ba sa akin?" Pabiro kong sagot ng mahimasmasan ako. At nang mapagtanto ko ang sinabi ko ay bigla ako nakaramdam ng awkwardness. Shit, ba't ko ba sinabi yun? Bad joke yun eh.

"Oo, kung papayagan mo pa akong manligaw sa iyo," seryosong sabi niya. Napalunok naman ako, biro lang iyon, tinotoo naman niya.

"Ah, Andrei, biro lang iyon ano ba. Hehe," at peke akong ngumiti sa kanya. He looked at me then pinatong niya ang kanyang kamay sa kamay kong nakapatong sa lamesa.

"Hindi ako nagbibiro Shiela, pwede ba akong manligaw?" Napatawa ako ng pagak. Manliligaw siya sa akin? Ano to, biro?

"Andrei, kung ano man ang meron tayo noon, pwede bang kalimutan mo na? Nagmo-move on yung tao eh, ginugulo mo pa," at akmang tatayo ako nang pigilan niya ako.

"Shiela, seryoso ako. Kung noon, fling lang, ngayon gusto kong magkaroon ng seryosong relasyon, sa iyo. Because I still like you," and he stood up. I smiled bitterly. Like and Love is not the same. That word doesn't link with each other. "Iba kasi ang nararamdaman ko, Andrei. Hindi like, love." at umalis na ako. Putang inang pagmamahal yan, ba't pa kasi mahal ko yung gagong yun.

Nakasalubong ko pa ang nagmamagandang si Stacey. Inismiran niya lang ako.

And I don't hella care. Inggit lang iyon, hindi naman ako manhid para hindi maramdaman ang pakikipag-close sa akin ni Andrei.

Umupo ako sa chair ko. I sighed. Inuntog ko nang mahina ang ulo ko sa desk.

"Shiela, ito naman ang gusto mo diba? Ang balikan ka ni Andrei? Ba't ka tumanggi?" Inis kong tanong sa sarili ko.

I ran my fingers through my hair atsaka ginulo ang buhok ko. Argh! I hate this. Itong parang gusto mo pero may pumipigil naman.

"Shiela," napaangat ako ng tingin nang may nagbanggit sa pangalan ko. I rolled my eyes when I saw who is calling me.

"Stacey, bakit?" Labas sa ilong kong tanong. Ano na naman ba ang gusto nitong bruhildang ito? Away?

"Malandi ka talagang babae ka ano? Nilalandi mo na ngayon si Andrei! Tandaan mo bwisit ka, akin lang si Andrei! Akin lang!" At dinuro-duro niya pa ako. Sakto namang dumaan si Andrei sa harapan ng cubicle ko.

"Andrei! Nilalandi raw kita?" Tanong ko kay Andrei. Naagaw naman iyon nang mga pansin ng aming mga ka office mates. Lahat sila ay nakatingin sa amin, nagbu-bulungan.

COMPILATION of ONE SHOT STORIESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon