Chapter 17: Avoid

102 4 0
                                    

STACEY

Isang linggo na ang nakalipas nang mag-EK kami. Haaay, simula nun lagi ko nang iniiwasan si Brent. Nagtataka na nga siguro yun.

Anyway, two days nalang at bakasyon na namin. One week lang naman ang napag-usapan naming magkakabarkada na pagbabakasyon sa vacation house nila Drake sa Subic. At lahat kasama. Pati siya... Gusto ko siyang pansinin kaso ewan ko ba, kailangan ko siyang kalimutan eh.

Wala naring masyadong lesson kaya ito kamin nakatambay lang kaming tatlo nila Yana at Cha dito sa corridor. At kung mahal ka nga naman ng tadhana, may nahagilap ang mata ko.

Si Naomi at Miracle kasama ang dean ng University at base sa observation ko, tino-tour sila sa campus. Don't tell me dito sila mag-aaral? Di rin imposible.

Nakita kong napatingin ng diretso sa akin si Miracle pagkatapos, inirapan ako. Psh, ano bang problema niya sakin ha?

"You know her?" Napatingin ako kay Yana nang magtanong siya.

"Her? Who?" Tanong ko.

Tinuro niya naman si Miracle na ngayon ay nakatalikod, medyo malayo din naman sila sa amin. At kanina, pagkatapos akong irapan ni Miracle ay tumalikod na agad siya.

"That girl. Nakita ko kasing inirapan ka ng impaktitang yun." Yana rolled her eyes.

"Yeah. She's---" hindi ko na natapos ang sasabihin ko kasi inunahan na ako ni Yana.

"Miracle. Right?"

"Whoaa! Kilala mo siya Yana? Pero in fairness ha, ang taray." Sabi ni Cha.

"Teka nga, pano mo siya nakilala?" Nagtatakang tanong sa akin ni Yana.

"Paanong hindi, eh siya ang childhood friend ni... Brent." Naku, nabanggit ko na naman ang pangalan niya.

"Seriously? Yang demonyitang yan? Ang babaeng nanloko sa kambal ko?! Ang kababata ni Brent?" Nagulat naman si Cha.

"Nanloko sa kambal mo Yana?" Ako nalang ang tumango para kay Yana.

"Alam mo C?"

"Sinabi ni Allen sakin." Tugon ko kay Yana.

"Saglit. Na-oOP ako! Sayang naman ang kagandahan ko kung wala akong maintidihan sa mga pinag-uusapan niyo no!" Jusko. =_=

"Cha. Iwasan mo ang kakaisip kay Alex ha? Nahahawa ka na sa kahanginan niya." Pang-aasar ko kay Cha.

"Anong kakaisip? Tss. Magtigil ka nga. As if! By the way, balik tayo sa topic, paanong naging ex ni Allen yun?" Ang hilig mag-iba ng topic ng babae 'to.

"Long story Cha. Andami mong tanong. I don't know na siya pala ang kababatang kinekwento ni Brent. Well C, kailan mo pa nalaman? Langya naman 'tong si Yana. Wala nang ginawa kundi magtanong.

"Last week pa. Nung nagpunta ako sa anak ng business partner ng parents ko, which is that girl." Tinuro ko si Naomi.

"That girl is Miracle's friend."

"Whoa! Totoo pala yung 'what a small world' no? Isipin mo, nagtagpo-tagpo kayo?" Kung si Yana puro tanong, ito namang Cha puro react. Seriously?!

"I think, they're transferring here on next sem. Tsk. Wait up Miracle Aragon. It's payback time..." Ngumisi  si Yana.

"Actually, her full name is Stacey Miracle Aragon." Pagkasabi ko nun ay napatingin sakin si Yana at Cha na kanina pang nakatingin sa tinoutour na sila Miracle at Naomi.

"Parehas kayong Stacey?" Tumango-tango ako.

"Hmm. Kaya nga napagkamalan ako ni Brent diba?" Strike two, I said it again. -_-

"Psh. Whatever, kahit siya pa ang kababata ni Brent. I will not going to be nice on her kasi di parin mababago ang tingin ko sa kaniya bilang manloloko." Napa-kuyom naman ng kamao si Yana. Naku.

===

STACEY

Great! Pati ba naman sa paglipat ng school kailangan kasama pa ko ni Miracle.

Tinou-tour kami ngayon dito sa college department, at kanina pa ko ihing-ihi. Nasaan na ba ang cr dito?

"Aaaw!" Katangahan alert. Nadulas ba naman ako. Ouch my butt hurts.

"Miss? Are you okay?" Napatingala naman ako nang may magsalita.

Nagtanong siya kung okay lang ako pero walang tononh concern siya or what. Wala ding expression ang mukha niya. One word to describe him. Yeah, him. He's cold.

"Miss?"

"A-ah. Yeah, I'm okay. Napalakas lang talaga ang pagkabagsak ko kaya hindi ako makatayo." Nagulat ako nang he extended his hand and helped me to stand up.

"Ah. T-thanks..." I smiled at him. But still, no reaction, expression or what.

After giving me a stare, he walked away.

"Wait Kuya!" Hahabulin ko sana siya nang bigla akong may naapakan na bracelet. Pinulot ko naman ito at tiningnan. May naka-engrave sa bracelet na pangalan.

Drake.

I think it belongs to him.

"Kuya saglit lang!" Sigaw ko pero hindi siya lumilingon. Aish.

"Drake!" Pagkasigaw ko nun ay tumigil siya sa paglalakad. Ha! Drake pala ang pangalan niya ha.

Tumakbo ako papalapit sa kaniya, at asusual, tinitigan niya lang ako.

"Is this yours?" Itinaas ko ang bracelet na nakita ko. Inagaw niya naman yun sa kamay ko. Aish, so rude. -_-

"Wala man lang 'thank you' diyan?" I asked smiling pero tiningnan niya lang ako at nilagpasan ako. Ay! Bastusing bata talaga.

Sinundan ko naman siya.

"Uy, nag-thank you naman ako kanina nung tinulungan mo ako ah. Dapat mag-thank you ka din kasi binalik ko yang bracelet mo." I pouted.

Pero nilagpasan na naman niya ako. Haaay!

"Oo, you're welcome! Salamat at binalik ko ang bracelet mo ha! Salamat!" Inis at sarkastiko kong sigaw. Tsk. Gwapo sana, masungit lang.

---

"Hey Naomi, where have you been? Antagal mo naman ata?" Bungad sakin ni Miracle.

"Malayo ang cr eh." Simpleng sagot ko. Nagkibit balikat naman siya at nagpatiunang maglakad. Ang rude talaga. Tsk.

"So this is the Architecture Department.." Ani Dean. Habang naglalakad kami ay napansin kong may tiningnan si Miracle at saka matalim na umirap. Kaya naman tumingin din ako sa direksyon kung saan siya nakatingin kanina at nakita ko si C. Yung babaeng nagpunta sa bahay namin. Yung babaeng gusto ni Brent...

"Bakit ba ang init ng dugo mo sa kaniya?" Tanong ko kay Miracle.

"Argh! I just don't like her. She's close with Brent." Aniya saka umirap ulit.

"Hindi naman sa'yo si Brent, wag mong ipagdamot." Sabi ko at tinaasan niya naman ako ng kilay.

"If you have a brain, then think. Brent is courting me. Therefore, he's mine. He's just mine and only mine. Understand?" Napa-irap nalang ako ng wala sa oras. Bakit siya lang ba ang may karapatang mag-maldita? Nagbago ang ugali niya. She's so obsessed with my cousin.

"But Brent likes he---" Di ko napigilan ang inis ko at kusa nalang lumabas ang mga salita sa bibig ko kaya naman mabilis kong tinakpan iyon.

"What did you say?!"

"Nah n-nevermind. L-let's just follow the Dean." Buti nalang at halata sa mukha niya na hindi niya masyadong narinig ang sinabi ko kaya naman umuna na ako ng lakad.

Phew.. Glad she didn't bother to ask anymore.

I'm His WendyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon