STACEY
3 days. 3days na akong di pinapansin ni Yana. Ano bang nagawa ko? Ayaw niya namang sabihin.
Nandito kaming lahat sa canteen. Bukod lang kay Cha. Na nasa HK pa hanggang ngayon.
"Yo! Alex! May hinahanap ka ata?" tanong ni Stephen.
"Lul. Asa tol! Wala ah!"
"Ang sabihin mo, hanap niya yung bungangerang kapares niya. Si milky. Hahaha." panunukso ni Allen.
"H-hindi ah! Bat ko naman hahanapin ang abusada na yun?! Asa tol! Asa! Ge, punta muna akong gymnassium. Mang chichix Lang!"
"Psssssh. Deniaaaaal!!" sabay sabay na panunukso ng nila. Haha tong mga lalaking to, parang mga bading eh.
"Francis, pabili naman ng inumin please?"
Nakakapagtaka talaga.
Close na si Yana at Francis??
Haaay. Kelan niya ba ako iimikin?
"Ako nalang bibili." presenta ko.
"Di na. Wag nalang."
Ouch! Bespren, what happen to you?
Bigla naman akong hinila ni Brent. Hanggang sa makalabas kami ng canteen.
"Uy teka! San tayo pupunta?!" tanong ko kasi tuloy padin siya sa paghila sakin.
Hindi siya sumagot. Hanggang sa makarating kami ng garden.
"Bat tayo nandito?"
"Gagawa tayong milagro." nakangising sabi niya.
Haaaaaaaa ???!
"Ho-hoy.. Anong p-pinag sasasabi mo dyan ha?" eeer.. Ano ba?!
Unti-unti siyang lumalapit sakin. My gosh! Nanay ko po! Anong nangyayari kay Brent? Jusko. Bata pa ko.
Atras naman ako ng atras hanggang sa na corner ako sa puno.
"Gotcha!"
"u-uy.." kinakabahan kong sambit..
Palapit na siya ng palapit nang...
"HAHAHA!! Ansarap mo talagang pagtripan! Hahaha!" tawa siya ng tawa habang nakahawak sa tiyan niya.
Langya.. Pangalawang beses niya na akong pinagtripan ha!
"Sige. Tawa pa. Maubusan ka sana ng hininga." sabi ko pero syempre joke lang yun.
"Hahahahaha!"
-_-"
"Bat ba kasi tayo nandito? Balik na tayo dun! Baka mamaya kung anong isipin nila eh!" sabi ko.
Bigla naman siyang sumeryoso.
"Di ka iniimik ng bestfriend mo?" tanong niya. Napayuko naman ako..
Shez, naiiyak na naman ako.
"Bakit?" tanong niya ulit.
"D-di ko alam eh." nagpipigil ako baka biglang tumulo ang luha ko.
"Ang ewan nyo talaga. Di ko kayo maintindihan. Diba ikaw yung nililigawan ni Francis? Bat si Yana ang naging girlfriend?" Ayt ano ba. Hindi naman ako nililigawan eh. Liligawan pa lang kaso di na natuloy.
Pero ano daw? Girlfriend ni Fancis si Yana ngayon?!
"Dito muna tayo." Sabi niya tsaka sya umupo sa damo at sumandal sa puno. Umupo narin ako sa tabi niya.
Nagulat naman ako nang bigla niyang inihilig ang ulo niya sa balikat ko.
"Uy. Matutulog ka?" Tanong ko.
"Hmmm ." Tumango tango sya na nakapikit. Hinayaan ko nalang.
"C?"
"Oh bakit?"
"Can I--- hold your hand?"
"Please?" Dagdag niya pa.
"Ah. S-sige" sheeeeemay. Kinikilig ako xD. Parang couple tuloy kami dito. Naku po! Bawal ang PDA dito. Jusko baka may makakita. Bayaan na nga! Si Brent naman yan eh!
Naku, lumalandi ka na naman Stacey Yap.
Maya-maya nakaramdam narin ako ng antok.
===
BRENT
Nagising ako nang maramdaman kong may mabigat sa balikat ko. Nakatulog din pala si C. Hay, ang cute niyang tingnan.
Actually, masaya ako kapag kasama ko sya. Sobrang gaan ng loob ko sa kanya.
Kaya naman nag-alala Ako nung makita ko siyang umiiyak at naisipan kong sabihin sa kanya ang gusto kong sabihin nung isang araw pa kaso laging bad timing. Naalala ko na naman...
-
Nakita ko sa may bench si C na may sinusundan ng tingin. Teka.. sino yun? Si Francis at Yana?
What was that? Hila hila ni Yana si Francis. Tapos si C, Nakatayo lang.
Nilapitan ko naman si C at ginulat. Napansin ko may tumutulong uhog este luha sa mukha niya. Okay? Anong kadramahan ang nagaganap? Tinanong ko sya kung umiiyak sya. Sabi nya namamawis daw mata niya.
Nagawa niya pang magloko.
Niyakap ko naman sya . Ewan ko kasi kung bakit sya umiiyak.
Baka,
Baka,
Baka,
Kalabaw , kambing. Joke.
Pero eto... seryoso, baka..
Baka nagseselos kay Yana at Francis? Eh? Imposible yun. Ayokong isipin yun.
Nakapag desisyon na ko sasabihin ko na sa kanya..
"I need to tell you something"
"Ano yun?" Tanong niya.
Huminga ako ng malalim saka bumulong ako sa kanya.
"I think... I've started liking you" sinadya kong hinaan yung 'i've stared liking you' part. Wala lang trip ko lang hinaan. Alam ko naman kasi na bibingi bingi sya eh. Pero mas maganda siguro kung narinig niya.
-
I have a question. Is it possible that Peterpan will fall onto Tinkerbell? I like C , but I have my Wendy whom I wish to be found sooner. And also, i love my Wendy.
Argh! Ang gulo!
Napatigil ako sa pag-iisip ng biglang tumunog ang cellphone ko. May tumatawag. Tiningnan ko naman kung sino...
"Unknown number calling..."

BINABASA MO ANG
I'm His Wendy
RomansaHe's my Peterpan. But Me? For him? I am not his Wendy. I love him. But, I'm willing to be his Tinkerbell just to find his happiness, His Wendy. But I wish, I really wish that I'm His Wendy. [Slow update]