BRENT'S POV.
Tatlong linggo nalang at bakasyon na. Haay salamat makakapagpahinga nadin kami ng mahigit isang buwan.
"Uy sa bakasyon, punta tayo sa beach house namin sa Subic." presenta ni Drake. Himala! Nagsalita 'tong taong dun. Maganda din pala na may mga kasamang madadaldal tulad ni Cha. Haha.
"Talaga? Sama nyo ko ah!" napalingon naman kami sa nagsalita.
Speaking of...
"Ch---"
"Milky!" Oow! Dapat sasabihin palang ni Yana at C ang pangalan ni Cha nang biglang si Alex ng tumawag.
"Tsk." Cha rolled her eyes. Naku, talaga tong dalawang to.
"By the way, missed me guys? I have something for you." Napanguso naman si Alex nang isnobbin siya ni Cha.
"You mean pasalubong? OMO! Unnie, where is it?" excited na tanong ni Sam. Saka nila hinalungkat ang dala ni Cha.
*riiiiing*
*riiiiing*
Nagtaka naman ako bigla nang nakatingin silang lahat sakin. Bakit?
"Pst. Cellphone mo tumutunog." bulong sakin ni C. Magkatabi kasi kami.
Ah, akin pala yun. Kinuha ko ang cellphone ko at tiningnan kung sino ang tumatawag.
Unknown Number Calling...
Sino naman kaya to?
Nag excuse na muna ako at lumayo saka sinagot ang tawag.
"Hello?" Wala namang nagsasalita sa kabilang linya. Pinagtritripan ba ako neto?
"Hello?" banggit ko ulit pero wala paring nagsasalita. I was about to end the call nang may magsalita na sa kabilang linya.
[Brent...] Hindi ko kilala pero kilala niya ko.
"Ahm, excuse me. Who's this?" tanong ko.
[You don't know me?] tanong niya. Tss. Magtatanong ba ko kung kilala ko siya?
"I'm sorry miss, I really don't know who you are. If you excuse me, I'll hanging up by---" She cuts me off.
[Brent Buenavista! This is me! Your Wendy!]
W-what? Saglit. Di maprocess sa utak ko.
"M-my what? W-wait... Stacey?"
[You've got it.] Teka, di ako makapaniwala.
"Stacey? Is that really you? Nasan ka ba? Ayaw mo bang magpakita sakin?"
[After dismissal. Sa bahay nila Naomi.] Ang tipid niya magsalita tsaka parang nagmamadaling i-end yung call.
"S-sige sige. Dederetso na ko sa kanila mamaya."
[Gotta hang up. Bye. I miss you.]
"I mi---"
*toot toot toot*
Makikita ko na siya. Makikita ko na si Stacey. I mean si Stacey na Wendy ko. Haaay, naguguluhan na ako. Dalawang Stacey ba naman. Excited na akong makita siya. Ano na kayang hitsura niya ngayon? Cute parin ba siya tulad nung mga bata pa kami?
Bumalik na ako sa tambayan namin sa cafeteria. Nandun parin sila.
"Something happened?" C approached me with a smile.
"Huh?" Tanong ko. Di ko gets eh, lutang pa ata ako.
"Naka-smile ka habang papunta dito. May good news ba?"
"Chikka mo naman." singit ni Cha.
Kaya napatingin silang lahat sakin.
"Tinkerbell..."
"Oh crap that Brent! You're so gay! Tinkerbell, tinkerbell. Ano kayo bata?" Ano ba naman tong si Yana. Masyadong panira ng trip. Di ko nalang siya pinansin. Masaya ako eh.
"I've already found her. My childhood friend. My first love." Abot-tenga kong ngiti habang nakatingin kay C. She was shocked, ewan ko kung bakit.
"Minsan etong si Brent napagdududahan kong bakla eh. Masyadong korni." Sabi ni Stephen na may halong biro.
"A-ah talaga? G-ganun ba? Great!" C smiled pero kakaibang ngiti. Hay, baka nag iilusyon lang ako.
-
Finally! Dismissal nadin! God, I can't wait to see her!
"Hoy Brent! San ka pupunta?!" Sigaw ni Alex. Tumatakbo kasi ako.
"May importante akong pupuntahan! Mauuna na ako!" I shouted back.
Dumiretso na ako sa bahay nila Naomi. Sh*t ! This is so gay. Kinakabahan ako. Aish! I pressed the doorbell at pinagbuksan naman ako ng gwardiya.
"Kayo po pala Sir Brent." Ngumiti nalang ako sa gwardiya at pumasok na. Dumiretso ako sa sala. Ba yun? Nasan yung mga tao dito?
"Ah manang, nasan po si Naomi?" tanong ko kay manang Dolor na isa sa mga katulong nila Naomi.
"Nasa garden po sir Brent kasama yung kaibigan niya." nagpasalamat naman ako at agad na tumungo sa garden.
I saw a girl besides Naomi, nakatalikod kasi sila eh. Siya na ba? Teka parang familiar ah.
Sa porma ng buhok. Sa porma ng likod. Kung titingnan mong maigi parang siya talaga.
Lumapit ako nang hindi gumagawa ng ingay para makompirma kung siya nga and to my surprise!
Sa sobrang saya ko niyakap ko siya patalikod. Ramdam kong nagulat siya pati narin si Naomi.
"Sabi ko na nga na eh. Ikaw yun. Ikaw nga..."

BINABASA MO ANG
I'm His Wendy
RomanceHe's my Peterpan. But Me? For him? I am not his Wendy. I love him. But, I'm willing to be his Tinkerbell just to find his happiness, His Wendy. But I wish, I really wish that I'm His Wendy. [Slow update]