STACEY
Nagising ako dahil sa ingay na narinig ko. Nakatulog na naman ba ako? Ganun ba talaga nakakapagod ang mag-isip? Masyadong puno yung utak ko. Haays. Bumangon na ako sa higaan at lumabas ng kwarto. Sumilip ako sa baba.
Kaya naman pala maingay, naglalaro sila ng Charades. Nakita ako ni Yana kaya naman dali-dali siyang umakyat ng hagdan.
"C!" Nagtaka ako ng bigla niya akong yakapin at nakita ko ang iba na sumunod din sa kaniya.
"Teka Yana..." sabi ko at medyo kumawala sa yakap niya.
"Okay ka na ba?" Nag-aalalang tanong niya.
"Ha? B-bakit?" She waved her hand infront of my face. "Wala kang matandaan?" Umiling naman ako.
"Nahimatay ka kagabi. May sakit ka ba?" Nag-aalalang tanong niya. Ako? May sakit? "Stress lang siguro. Hayaan mo na. Nagising naman ako eh." Biro ko. "Ikaw talaga!" Pinandilatan ako ng mata ni Yana at saka mahinang kinurot ang tagiliran ko. Aba naman!
Nahimatay ako? Nawalan ako ng malay kagabi? Ay tanga lang C? Paulit ulit? Psh. "Okay ka na ba talaga?" Lumingon ako at di ako nagkakamali, si Brent nga ang may-ari ng boses na yun. I just smiled at him. Okay naman talaga ako eh. Okay na okay.
"May masakit ba sa'yo C?" Tanong naman ni Allen. Narinig ko namang naubo si Yana. Ngumiti lang ulit ako. "Ano ba kayo? Okay nga lang ako. Baka napagod lang ako sa byahe."
"Grab a breakfast then." Nagulat ako ng bigla akong hilahin ni Francis pababa at dinala sa kusina. Ano na naman to?!
"Francis... ano.. uhm..." di ko alam kung anong sasabihin ko. Busy din kasi siya sa paghahanda ng pagkain, para sakin? Tahimik lang siya at hindi ngumingiti. Tinanaw ko naman si Yana sa taas. Nakangiti siya. Pero pilit. Naku naman ano ba to? Inagaw ko nalang ang plato kay Francis at saka kinausap siya. "Ako na Francis. Kaya ko naman. Di ba nga okay lang ako?" Kung nakakatunaw lang ang pagtitig niya, tunaw na siguro ako ngayon. "Let me do this for you please. Just this once." Di na ako nakasagot pa nang kuhanin niya ulit sakin ang plato. Ang kulit naman ng lalaking to.
Nang matapos akong kumain, nagyaya sila na maglaro sa labas. Di ko naman alam ang tawag sa larong yun pero yun yung sasakay ka sa balikat ng kapares mo at dapat mapatumba mo ang opponent. Basta ganun. Sa tubig namin siya gagawin, dagat to be exact.
"Okay! I have here a list of us. Boys, pili kayo ng number then I'll announce kung sino ang makakapartner niyo." ani Cha. Nagsimula na silang pumili at napakunot ang noo ko kasi tawa ng tawa si Cha mag-isa. Baliw.
"Okay. Here it is... Sam, you're with Alex." Agad namang kumontra si Sam. "Ano?! Unnie naman eh!" Pagdadabog nito. "Uh uh. Bawal magreklamo. Yana, you're with Drake. I'm with Francis. Miracle..." nakangising nakatingin si Cha kay Miracle. "You're with... Stephen." Bigla naman napasimangot si Miracle. Nga pala I forgot to mention na since kulang ang babae dito, may dalawang lalaking magiging magkaparehas. Haha! Yung matitira syempre sila na yun.. "So.. C.. you're with.." isa isa niyang tiningnan sina Brent, Allen at Drake. Sino naman kaya sa tatlong to ang makakaparehas ko?
"You're with Brent." Automatic akong napanganga at napalingon kay Brent. He winked, "Let's do our best... partner."
Matutuwa? Ewan. Kinikilig ako at the same time kinakabahan sa titig ni Miracle. Ah bahala na nga!
BINABASA MO ANG
I'm His Wendy
RomanceHe's my Peterpan. But Me? For him? I am not his Wendy. I love him. But, I'm willing to be his Tinkerbell just to find his happiness, His Wendy. But I wish, I really wish that I'm His Wendy. [Slow update]
