Chapter 16: Jealousy

124 5 0
                                        

YANA

"San mo gustong sumakay?" Tanong sakin ni Francis.

"Hmmm. Ikaw? San mo ba gusto?"

"Wag nalang muna tayo mag-rides." Sabi niya. Siguro pagod narin siya.

Siguro pagod narin siya. Double meaning sakin. Hay naku, kung anu-anong naiisip ko. Dapat i-enjoy ko 'to.

===

STACEY

Naka-upo kami ni Allen dito sa bench. Mag-gagabi narin pala. Matapos naming makita sina Brent at Miracle kanina, di ko na nakitang ngumiti si Allen.

"Hindi ka man lang ba magtatanong?" Tanong niya sakin.

"Kung magtatanong ba ako, sasagutin mo?" Tumango naman siya. Hmm. Pano ko ba itatanong? Nakatingin lang ako kay Allen habang iniisip kung pano ko itatanong sa kaniya.

Bumuntong hinginga siya.

"She's my ex." Nanlaki ang mata ko. EX?!

"I didn't know na siya pala ang kababata ni Brent." Ngumisi siya.

"What a small world nga naman. Galit ako, galit ko sa kaniya. Bakit? Kasi pinagpustahan nila ako. Sa kabilang University sila nag-aaral. Nakilala ko lang siya dahil sa pinsan ko. Pero kahit papano, ang hirap niyang makalimutan. Minahal ko siya eh."

Demonyita talaga yung babaeng yun. Di ko alam na ganun pala ang ugali ng pinagmamalaki ni Brent. Tss. Niyakap ko si Allen. Kahit papaano ay naiintindihan ko naman siya.

"Don't worry. Sabay tayong mag-move on." Hindi na yata pangcocomfort ang yakap ko, parang ako na yung nagpapa-comfort.

"Mahal ko si Brent. But I know he can't love me back, at masakit man kailangan ko siyang kalimutan." Lalong napahigpit ang yakap ko at napa-ubob sa dibdib niya. Naiiyak na naman ako. Naku, wag dito.

Naramdaman ko na may humahagod sa likod ko. Ano ba 'to. Imbis na ako yung magcocomfort ako pa tuloy ang nacomfort.

"Let's just forget about them. Mag-enjoy nalang tayo." Tumango nalang ako. Andito kami para mag-enjoy. Hindi para umiyak.

===

BRENT

Nakakainis! Nakakainis! Naiinis ako na makita si C sa ibang lalaki. Aargh! Ano bang nangyayari sakin?! Bakit ba ako nagkaka-ganito?!

"Hey Brent?" Napalingon ako kay Wendy.

"Ha?"

"You're spacing out. Ano bang problema? Bakit biglang nag-iba ang mood mo?" Tama. Dapat kay Wendy lang ang atensyon ko. Sa kaniya lang.

"Pasensya ka na, may iniisip lang ako. Tara?" Yaya ko. Kaso kapag minamalas ka nga naman nakita ko si C na akap-akap si Allen.

I clinched my fist.

Nagseselos ba ako? Oo, gusto ko si C. Pero bakit naman ganito ka tindi ang reaksyon ko? Si Wendy... siya lang naman ang mahal ko.

"Brent? You're spacing out again. Wala naman ata ang isip mo sa date natin eh. Mas mabuti pang i-uwi mo na ko."

"Pasensya na Wendy, pero siguro nga kailangan na nating umuwi. Pagod narin ako eh." Napagod ako kakaisip.

-

Wala paring pinagbago ang bahay nila Wendy. Ganun parin kalaki, ganun parin ang itsura nung una ko siyang makita nung bata pa ako.

"Halika Brent, pasok ka." Alok ni Wendy pero tumanggi ako. Pagod na ako, gusto ko nading umuwi.

"Ah di na Wendy. Kailangan ko nading umuwi." Lumapit siya sakin at yumakap.

"Brent, kung may problema ka, pwede mo namang sabihin sakin. Makikinig ako." Umiling nalang ako.

"Wala 'to." Ngumiti ako sa kaniya.

She sighed.

"Alright."

"Pasok ka na. Malamig, baka magka-sipon ka." Hinalikan niya ako sa pisngi ko dahilan para mapangiti ako.

"Thanks for this day Brent."

"Good night."

"Good night." Saka siya pumasok.

Sigurado na ako. Mahal ko talaga si Stacey...

Stacey Miracle Aragon.

I'm His WendyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon