STACEY
"C!" tinawag niya ko. Shemay, wag kang lilingon C, wag kang lilingon.
"Stacey Yap!" Wag. Wag.
"Tinkerbell! Bespren!" I froze. Damn, miss ko na siya. Miss ko na si Peterpan ko... Na hindi naman ako ang Wendy. Haays.
"Gotcha!" Muntik na kong mapatalon sa gulat nang biglang sumulpot sa harapan ko si Brent. His arms are both on the sides, na para bang hinaharangan ang daan ko. Magpa-patentero ba kami?
Sinubukan kong humanap ng daan para makaalis pero hinaharangan niya padin ako.
"Padaanin mo ako please." paki-usap ko. "Uh-uh." tugon niya habang umiiling.
Sinubukan kong guluhin siya. "Teka, ano yun?" turo ko sa may likuran niya at nagpakita sa kaniya ng amaze na amaze na expression. At viola! Lumingon siya kaya naman nakatakas ako.
"Teka!" binilisan ko ang lakad ko.
"C! I love you!" and for the second time, I froze. Naramdaman ko ang mga yabag sa likuran ko, at ilang segundo lang, nasa harapan ko na ulit siya. Nakangiting malapad.
"I've said I love you." di ako makapaniwala kaya naman napanganga nalang ako at kinurap kurap ang mga mata ko.
"Y-you love me?" di ko makapaniwalang tanong. Tumango naman siya.
"P-pano si M---" di ko na natapos ang sasabihin ko dahil inilapat niya ang hintuturo niya sa labi ko.
"Sshh." at unti-unti niyang nilapit ang mukha niya sa mukha ko. Papalapit ng papalapit. Teka, hahalikan niya ba ako? Napapikit nalang ako.
At maya-maya pa ay may naramdaman akong wumiwisik wisik sa mukha ko at walang labing lumapat sa labi ko kaya naman napamulat ako.
"Aaaaaah! Brent! Bakit mo ako dinuduraan? Waaaah!" shemay anong nangyayari kay Brent? Humahalak habang dinuduraan ang mukha ko.
"Aaaaah! Stop it!" Shemay!
-
"Ano ba Yana! Hindi sabi ganiyan ang tamang paggising eh!"
"Eh pano ba naman kasi! Para kang bading manggising, eh kita mong tulog mantika oh!" minulat ko unti-unti ang mga mata ko at natanaw ko si Yana at Allen na nagtatalo habang nag-aagawan sa bote ng tubig?
"Akin na nga kasi!"
"Wag nga kasi gigisingin ko pa 'to! Ano ba bro, Allen naman eh!" kinagat ni Yana ang kamay ni Allen kaya naman naagaw niya ulit ang bote. Bakit ba nila pinag-aagawan yun?
Biglang humarap sakin si Yana na malapad na nakangiti at handa niya na sana akong... Wisikan?!
Teka... P-panaginip lang yun?! Waaaah!
"Oh gising ka na pala beybs! Kala ko di uubra pangwiwisik ko sa'yo eh!" sabi niya saka tumawa.
Argh! 'Tong babaeng 'to!
"Sorry C, ang kulit kasi nitong si Yana e. Sabi ko pwede ka namang gisingin ng maayos pero bigla kang winisikan ng winisikan ng tubig.
Aaah! Dahil sa ginawa niya, ang kadiri ng panaginip ko. Waaaaah!
"Uy, C... Okay ka lang?" tanong ni Yana. Napanguso naman ako at saka inagaw ng mabilis ang bote sa kaniya.
"Uh-oh!" mabilis kong binuksan yun at winisikan siya.
"Waaaaaaah! Yana! I hate you! Waaaaah!" sigaw ko habang patuloy parin ang pagwisik ko ng tubig sa kaniya.
"Stop it C, waaah!" pero hindi parin ako tumitigil. Nakakainis! Yung panaginip ko kasi!
"Tigilan niyo na nga yan!" bigla namang inagaw sakin ni Allen ang bote. "Mag-ayos na nga kayo. Nandun na silang lahat sa loob. Tayo nalang naiwan dito." nasa van parin kami. Pero kaming tatlo lang.
Nakarating na ba kami? Dali-dali akong sumilip sa tinted na bintana ng van. Nandito na pala kami.
"Bilisan niyo, sumunod na kayong dalawa sa loob. Para kayong mga bata. Tsk. Tsk." sabi ni Allen at saka bumaba ng van at iniwanan kami ni Yana.
"Aray!" napahawak ako sa ulo ko nang biglang sapakin ni Yana.
"Problema mo? Bat parang inis na inis ka habang nagwiwisik sakin?" sabi niya habang naka-krus ang mga braso niya.
"Shemay kasi!" yung panaginip ko!" sabi ko saka sinipa sipa ang sahig ng van.
"Anong panaginip mo?" at ikwenento ko naman sa kaniya.
"Hahahahahahaha! Talaga? Ganun ang nangyari? Hahahahaha!" I pouted hard. Sabi na nga ba't mali ang ikwento kay Yana ang napanaginipan ko. Waaah!
"Beybs naman eh! Wag mo kong pagtawanan!" nahihiyang sabi ko.
"Sorry. Sorry. Hahahaha!" hindi parin siya tumitigil sa pagtawa.
"Nakakatawa kasi! Hahahaha!" akmang papaluin ko na sana siya nang biglang bumukas ang pintuan ng van sa likuran. Remember, nasa front seat ako.at nasa likuran si Yana.
"C, Yana... Hinahanap na kayo sa loob." napatigil ako.
"Oh Brent! Sige papasok na kami." nginitian niya naman ng tipid si Yana habang bumababa ito ng Van. Binuksan ko narin ang pintuan sa kinauupan ko at saka bumaba.
I frowned. Lokaret na Yana 'to! Iwanan daw ba ako.. At tsaka,nandito pa si Brent! Aba! Nanadya!
Akmang maglalakad na sana ako nang hindi siya nililingon pero bigla niyang hinawakan ang wrist ko.
"C..." I bit my lower lip. Shemay. Pilit kong inaagaw pabalik ang kamay ko pero ang higpit ng hawak niya.
"Brent... Kamay ko please." sabi ko habang di parin siya nililingon. Nagulat ako ng bigla niyang hilahin ang wrist ko kaya naman napaharap ako sa kaniya.
"C.. Are you avoiding me?" tanong niya habang nakatitig sa mga mata ko. Ayoko ng tingin niya nakakatunaw. At tsaka yang linyang "Are you avoiding me?" na yan, nakatadha ba talaga para itanong sakin yan?
"Ha? B-bakit naman kita iiwasan?" unti-unti niya akong binitawan. Sa mga segundong yun, parang gusto kong sabibin na, "Wag, hawakan mo lang ang kamay ko, wag mong bibitawan please." pero hindi ko naman masabi.
Yumuko siya sandali at hinarap ulit ako ng nakangiti.
"You have no idea on what's happening on me." napakunot naman ang mga kilay ko.
"I must keep it by myself." and there, he left. He left me dumbfounded.
Anong ibig sabihin niya? Iniwanan niya ko dito na parang tangang binibigyan ng kahulugan ang sinabi niya?
No, Brent Buenavista, you aare the one who has no idea what's happening on me! Ugh!
-
A/N: Comment your thoughts po. Kamsa :)

BINABASA MO ANG
I'm His Wendy
RomanceHe's my Peterpan. But Me? For him? I am not his Wendy. I love him. But, I'm willing to be his Tinkerbell just to find his happiness, His Wendy. But I wish, I really wish that I'm His Wendy. [Slow update]