"C! Dito!"
Aish, nandun lang pala ang mga bruha. Kanina pa ko naghahanap.
"Psh. nandito lang pala kayo."
sabi ko habang kinukuha ang upuan at saka umupo."Naku C, siguraduhin mo lang na gwapo yang imemeet mo ah, kung hindi, iiwanan ka talaga namin." nai-ikot ko ang mata ko ng wala sa oras. Naku naman. Napaka supportive na mga kaibigan. tsk. tsk. tsk. Kahit kelan talaga...
Nandito ako ngayon sa mall kasama ang tatlo ko pang friendship. May imemeet kasi ako na nakakatext ko. Nagpasama ako sa mga friendship ko para kapag Chaka, abay makatakas na agad. Bad me.
So yung imemeet ko sabi nya same school kami ng pinapasukan. Pero di ko sya kilala. Anlaki kasi ng University namin ee. Mula Elementary hanggang College . Tapos andami dami pang college sa School namin. Kaya siguro hindi ko kilala yung imemeet ko.
"Unnie, baka naman indianin ka ng kameet mo. 20 minutes na syang late ah."
Sabi Ni Sam. Samantha Raquel Lopez. Ang pinakabata saming apat, at dahil pinakabata... pinakamakulit sya. 4th year HS na pero napaka Childish padin.
"Excuse me, I am Stacey Yap! Bat naman ako iindianin nun?" pagmamalaki ko.
"Baka nakita kana, tapos sabi chaka daw ang fes mo. Bwahahaha."
Sya naman si Charlza Szunet Perez. Di naman mahilig sa letter Z yung parents nya no? .. Sya Ang pinaka mahilig mang asar sa amin. 1st year college din sya. Block mate ko.
"Wow ah, wag niyang masabi sabihan na chaka ang beautiful and skinny face ko no."react ko saka nag flip hair. Totoo naman eh, maganda kaya ako. Swear!
"Ano bang pangalan ng kameet mo ah? Diba taga school din sya? Baka kakilala namin."
Siya naman si Alliahna Park. Siya naman ang bestie ko. Simula HS, best buddies na kami nyan.
Para di po kayo maguluhan ... Ako po si C. nickname ko yan, Stacey, kaya C nalang para isang banggitan nalang. Si Sam ay si Samantha. Si Cha ay si Charlza. Si Yana ay si Alliahna.
"Francis daw eh, Francis Kim." sabi ko.
"Really?!" nagulat naman kaming tatlo sa reaction ni Yana.
"Bakit?" sabay sabay naming tanong.
"Oh? Kelangan sabay sabay? Mga tungerks! Yun yung new labidabs ko." Sabi ni Yana habang kinikilig.
"Boyfriend mo?" tanong ko.
"Aba unnie, may boyfriend kana na hindi namin nalalaman? At tsaka si Francis Kim pa?" dagdag naman ni Sam habang nakapout. Teka, kilala niya yun?
"Mukhang pato." react ni Cha sa pout ni Sam.
Hinampas ko lang si Cha.
"Mga bruha. Hindi ah. Crush ko at soon to be lover." sabi ni Yana habang nakadaop ang dalawang kamay nya tsaka parang nag de-daydream.
Binatukan naman siya ni Sam.
"Sige, mangarap mangarap."
BINABASA MO ANG
I'm His Wendy
RomanceHe's my Peterpan. But Me? For him? I am not his Wendy. I love him. But, I'm willing to be his Tinkerbell just to find his happiness, His Wendy. But I wish, I really wish that I'm His Wendy. [Slow update]