Chapter 6:Asdfghjkl

99 3 0
                                    

STACEY

Excited na akong pumasok! Makiki-chika ako kay Yana kung anong nangyari kahapon. Kanina ko pa siya tinetext kung andito na ba sya sa campus, hindi man lang nagreply. Ano kayang nangyari dun?

"Yana beybs!" sigaw ko nang makita ko sya. With matching kaway kaway pa. Tumingin lang siya saglit tapos umiwas din.

Hala? Galit ba sya? Baka nagalit sya kasi di ko sinabi sa kanya na si Francis ang nandun.

Nang papalapit ako sa kanya aakma na sana syang umalis pero nahawakan ko sya.

"Yana, galit ka ba?" tanong ko sa kanya pero di parin sya umiimik.

"Yana, kung galit ka kasi sinet-up ko kayo kahapon. I'm sorry. I just wanna help. Akala ko kasi matutuwa ka eh. Sorry." sabi ko. But still, di parin sya umiimik.

"Yana... Uy.. Bespren. Pansinin mo naman ako." wala parin. Inalis nya yung kamay ko na nakahawak sa kanya. Saka sya umalis. Ano bang nangyari? Nalaman nya ba?

Nag-vibrate na naman ang cellphone ko. Bakit ba ang sisipag magtext ng mga tao ngayon?

1 msg. recieved from: Cha

Uy, magiging absent ako ng 1wk. Isasama kasi ako ni mommy sa HK ee. Business trip. Ewan ko kung anong trip nun at pinapasama ako. Pakisabi nalang kina Yana at Sam. Lam na ng prof natin. Don't worry may pasalubong kayo pag-uwi ko :) . muaaps :*

Pano ko naman sasabihin kay Yana? Galit nga yata sakin yun. Teka, kay Sam muna.

To: Sam;

Uy! Samantha Raquel Lopez! Nasan ka?

Nagreply naman kaagad siya.

1 msg. recieved from: Sam

Unnie-yah . May lagnat ako. Di ako makakapasok.

Ano ba yan? Sabay sabay pa sila.

What to do? Di ako sanay na hindi ako iniimik ni Yana. Kausapin ko kaya ulit? Hayst.

Nakita ko bigla si Francis. Matanong nga sa kanya.

"Francis!" Lumingon sya. Kaya naman dali-dali akong lumapit.

"Pwede magtanong?"

"You're already asking." psh. pilosopo.

"Wag na lang pa---"

"Deh, joke lang. Ano yun?" Tama, ganito. Kausapin siya at pakisamahan na para bang walang nangyari.

"Tatanong ko lang sana kung---"

"Francis!" napalingon naman kaming parehas sa tumawag sa kanya.

Si Yana? Dali-dali syang lumapit saka hinila si Francis.

Teka, kelan pa sila naging close?

Sheez. Tumutulo na luha ko. Eh kasi naman eh! Wag na kong pansinin ng lahat wag lang yung taong importante sakin. Lalong-lalo na si Yana.

"BOO!!" Napatalon ako sa gulat.

"Ano ba Brent! Ang hilig mong manggulat!" saka naman ako dali-daling nagpunas ng luha.

"Umiiyak ka?" tanong nya.

"Tanga! Hindi ah! Namamawis yung mata ko! Tsk." palusot ko.

"Ako pa ginawa mong tanga. May mata bang namamawis? Lika nga..."


"Sabi nila kapag may problema o malungkot daw ang isang tao, give them a hug. Para daw kahit papaano macocomfort mo sila." sabi niya habang nakayakap sakin.

Well, medyo gumaan nga ang loob ko. Thanks to him.

Pero aware pa rin ako sa nangyayari kay Yana.

Maya maya pumwesto siya na parang may ibubulong...

"I need to tell you something." huh? Curious naman ako dun.

"Ano yun?"

Saka siya bumulong...

"I think............ Asdfghjkl." huh?! Ano daw?!

"Huh? Ano? Di ko narinig. Astig ka bumulong di ko naman narinig." sabi ko sabay hampas ng mahina sa braso niya..

"Di ko na kasalanan kung bingi ka. Sige, una na ko. Bye!" then he went off...

I wonder what was that...

I'm His WendyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon