STACEY
Niyaya ko si Yana na mag-mall at pumayag naman siya, para naman daw makapag unwind siya. Masyado na daw siyang naii-stress.
Kasalukuyan kaming nag-iikot sa Department Store dahil bibili ng mga damit. Nakikita ko kay Yana na okay naman siya, yun nga lang halatang pilit ang mga ngiti niya.
"C! Uy!" I turned my head on her and blinked my eyes twice. "Bakit?" tanong ko. Napasapo naman siya sa noo niya na siyang itinaas ng kilay ko.
"Jusko naman Stacey Yap! I was calling your attention for almost ten minutes pero nakatulala ka. May problema ka ba?" tanong niya na may halong pag-aalala. Umiling nalang ako. "W-wala..." sabi ko at saka Dali-daling iniba ang usapan.
"Bakit mo ba ako tinatawag?" tanong ko saka tumingin sa hawak niyang damit. Tinuro ko iyon. "Dahil ba diyan? Uh.. Bagay naman sayo." bigla namang napataas ang kilay niya at hinagis sakin ang damit.
Hala?
"Shunga! Tinatanong ko sa'yo kanina if you like that one. Yan nalang suotin mo pagpunta nating Subic para parehas tayo." sabi niya at saka nagpakita ng isa pang floral dress na iba naman ang kulay.
"Masyadong girly. Ayoko." hinagis ko sa rack yung damit.
Pro-protesta pa sana siya nang parehas kaming natigilan."Dali na kasi.. just try this one. Please?" napalingon ako dahil sa pamilyar na boses na narinig ko.
At di nga ko nagkakamali, si Miracle nga at Brent. Kita ko sila pero hindi nila ko napapansin. Naramdaman ko naman ang hawak ni Yana sa kamay ko.
"Tara C, kain tayo. Nagugutom ako." sabi niya at saka nilingon ang dalawa sa may bandang likuran ko.
Alam ko ang gusto niyang mangyari. Umiwas sa dalawa. At yun naman talaga ang gusto kong gawin. Nilingon ko sila ulit at saka hinarap si Yana.
"Tara."
---
"Oh? Nakatulala ka na naman?" Napalingon ako nang biglang magsalita si Allen. Ngayon na pala ang punta naming Subic. Di ko dama.
"Uh... huh?" Sagot ko at saka binalik ang tingin ko sa kung saan ako nakatingin kanina. Bigla naman akong nakaramdam ng mga kamay na tumakip sa mata ko.
"Please C. Wag mo na silang tingnan." Sambit ni Allen.
"H-hindi naman eh." Pagsisinungaling ko. "T-tanggalin mo na ang mga kamay mo. Masakit sa mata." Dagdag ko pa. Narinig ko naman siyang bumuntong hininga.
Maya-maya pa ay tinanggal niya na ang mga kamay niya at saka pinaharap ako sa kaniya. Ngumiti siya sakin.
"Sabihin mo lang kung di mo na kaya." I tilted my head.
"You're weird." Sabi ko na may pagtataka sa tono.
"Am I?" He chuckled.
"Okay ka lang ba?" Sabi ko saka pinitik ang noo niya.
"I'm okay. Ano ba. Besides, tanggap ko na." Sabi niya saka nilingon sila Brent. "Sana ikaw rin." Napanguso ako ng bigla niyang guluhin ang buhok ko at biglang umalis.
"Hoy! Matapos mong guluhin ang buhok ko, lalayasan mo ko?! Hoy Allen!" At ayun, naghabulan kami hanggang makarating sa van.
Hingal na hingal habang tawa kami ng tawa. Baliw na lalaki to. Tsk tsk.
"Oh bro, anyare sa inyong dalawa?" Tanong ni Alliahna pagkapasok na pagkapasok nI la sa van. Bale, nasa driver's seat si Allen, ako naman sa tabi niya. At the rest ng barkada sa likod.
"Wala. Wala." Sagot ni Allen habang tawa ng tawa.
"Tss. Baliw na kayo." Nginitian ko lang si Alliahna habang umiiling iling siya.
"Hoy Allen, wag mong sabihin na ikaw ang magd-drive?" Sabi ko habang tinuturo siya.
"Masama?" Sagot naman niya. I burst out laughing. Naalala ko lang kasi, takot siya sa heights. Eh pano na? Mataas ang daan papuntang Subic?
"Hoy hoy hoy. Anong tinatawa tawa mo diyan?" Nakataas kilay niyang tanong.
"Ikaw magd-drive? Eh takot ka sa matataas?" Walang humpay parin ako sa pagtawa.
"M-mataas ba dun?" Namutla siya bigla. Hinawakan ko naman ang kamay niya habang nagpipigil ng tawa para macheer up siya.
"Kaya yan! Aja!"
*BLAG!*
"Hoy Brent! Masira naman yung pinto!" Tumingin naman ako sa likuran at nakita ko si Brent na maitim ang aura. Bakit kaya?
Nakatingin ako sa kaniya. Tumingin siya sakin, I just smiled at him.
Nakaramdam naman ako ng pisil sa kamay ko. Nakahawak pa pala ako sa kamay ni Allen.
Kita ko sa mata ni Allen ang pagiging concern niya. Kaya imbis na pag alalahanin pa siya. Nginitian ko nalang siya ng malapad. Ngiting hindi peke.
"Kaya mo yan Allen! Kalalaki mong tao, takot ka sa matataas?" Pang-aasar ko.
"Oo na. Oo na." Sabi niya saka pinisil ang pisngi ko.
Napatigil naman ako. Ngumiti lang siya at saka inayos ang side-mirror.
Bakit parang.. parang iba siya?
Sa sobrang awkward ng pakiramdam ko, inilobo ko nalang ang mga pisngi ko while sighing at saka pinangpaypay ng pasimple ang kamay ko.
Weird...
"Alright! Let's go!" Sigaw ni Cha.
Ibinaling ako nalang ang atensyon ko sa kantang tumutugtog sa tenga ko. Tama. Itulog ko nalang muna 'to.
BINABASA MO ANG
I'm His Wendy
RomanceHe's my Peterpan. But Me? For him? I am not his Wendy. I love him. But, I'm willing to be his Tinkerbell just to find his happiness, His Wendy. But I wish, I really wish that I'm His Wendy. [Slow update]