Chapter 18: I'm Sorry, we're both hurt

91 4 2
                                    

YANA

Nasan na ba yun? Kanina pa ko dito ah.

Muli akong napangiti ako nang basahin ko ulit ang message niya.

[Sms fr. Boyfie<3

Meet me at the Lovers Park tommorow. 10am. I have something to tell you.]

Ano kayang sasabihin nun?

I sighed. Wag naman sana yung naiisip ko. Aish. Ang nega ko. Think possitive Yana! Fightiing!

Naka-upo ako sa isang bench at nakayuko habang nilalaro laro ang paa ko sa semento nang may matanaw akong pares ng mga paa sa tapat ko.

"Pasensya na kung napag-antay kita." hihingal-hingal niyang sabi habang ako naman ay dali-daling tumingala at binigyan siya ng isang matamis na ngiti. Isang matamis na ngiti na may halong kaba.

Ayoko ng pakiramdam na 'to. Naninikip ang dibdib ko. Hindi ko alam kung bakit. Tiningnan ko siya habang umuupo sa tabi ko.

Hindi siya nagsasalita at diretsong nakatingin lang sa kawalan.

"Uh.. Francis? Ano nga pala yung s-sabihin mo sakin?" tanong ko. Pero imbis na sagutin ang tanong ko ay tumingin lang siya sa akin at nagtanong.

"Kamusta yung binigay ko sa'yo?" Naisip ko naman yung Teddy Panda na binigay niya sakin kaya ngumiti ako.

"Ah.. Si Franna?" nakangiti kong sabi sa kaniya. "Okay lang naman."

"Franna?" tanong niya at tumango naman ako.

"Yup. Franna. Francis at Alliahna, I combined the name. Pangit ba?" tanong ko sa kaniya. Umiling naman siya.

"No, it's cute." pagkatapos niyang sabihin yun, he let out a sigh. I tilt my head on him with a worried expression.

"M-may problema ba?"

"Alliahna..."

Pagbanggit palang ng pangalan ko, naluluha na ako. Oo na ang OA ko pero anong magagawa ko? Mahal ko siya eh at alam kong hindi niya naman ako mahal kaya palaging may pangamba dito sa puso ko. Inantay ko ang susunod niyang sasabihin pero nanatili siyang tahimik na nakatingin sakin.

Ang mga mensahe ng mata niya. Nasasaktan ako sa ekspresiyon niya pero kailangan kong itatak na mali ang iniisip ko. Maling mali.

"I... I..." nanatili akong nakatingin sa kaniya at ewan ko ba, anytime, bubuhos na ang luha ko. Ramdam ko. Ramdam na ramdam ko.

"I'm sorry..." with that, my tears fell. Two words, but too painful meaning. Hindi ako tanga, alam ko ang sitwasyon namin.

"I really can't forget her. Bawat kilos mo, it reminds me of her." patuloy sa pagtulo ang mga luha ko. Hindi ko alam ang ire-react ko. Masyadong mabilis, masyadong biglaan. Nanginginig man ang mga labi ko ay pinilit kong magsalita.

"Francis, m-maaga pa. Give me some time para patunayan sa'yo na kaya mo siyang kalimutan. P-please, Im begging you. Wag ngayon please..." naluluha kong sabi. He then cupped my cheeks.

"Yana please, intindihin mo ako. Ayoko nang gamitin ka. Masasaktan ka lang."

I slapped him.

"Then hindi mo na sana sinimulan! Kung sa simula pa lang alam mo na, na hindi mo kaya at alam mong masasaktan ako, sana hindi mo na sinimulan! Oo ang tanga ko, ang tanga tanga ko Francis! Alam mo kung bakit? Kasi nagpadala ako sa nararamdaman ko sa'yo! Alam mo ba kung gaano kasakit ang nararamdaman ko?! Francis! Umasa ako! Ginawa ko ang lahat! Ni minsan hindi sumagi sa isip ko na hindi mo siya kayang kalimutan. Pero ikaw? Hindi ko man lang ba naisip ang effort ko?! Ikaw ang naki-usap! Pumayag lang ako kasi nga MAHAL KITA! Pero ano?!" napahagulhol ako sa iyak habang sinusuntok ang dibdib niya, pero alam ko namang wala akong lakas. Walang epekto sa kaniya yun.

He hugged me. "I'm sorry, I'm really sorry. I didn't mean to hurt you."

"L-let me go!" I said. Galit ako, hindi sa kaniya, kundi sa sarili ko.

Bakit ba kasi kaakibat ng pagmamahal ang pagiging tanga?

Kumalas ako sa pagkakayakap sa kaniya saka tumakbo palayo.
Ang sakit. Ang sakit sakit. Ano bang kulang sakin? Ano ba ang bagay na hindi ko magawa? Kulang pa ba ang efforts ko?

-

FRANCIS

Mas maganda nang galit siya sakin. Ayoko nang umasa siya at masaktan dahil sa kagaguhan ko.

Nakakainis naman kasi. Peste, bakit ba hindi ako maka move-on? Tsk. Ang bakla mang pakinggan pero minahal ko talaga si Stacey. Pinilit ko ang sarili ko pero hindi ko kaya eh.

Ang mga kilos ni Yana, it reminds me of Stacey all the time! Bakit ba kasi ang gago ko? Bakit kasi sumagi sa isip ko ang kalokohang gamitin si Yana sa pagmo-move on ko?

I'm really sorry Yana. I'm really sorry...

I'm His WendyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon