CHAPTER 23: Bestfriend Zoned

78 4 1
                                    

STACEY

Tahimik kong nilalaro ang mga daliri ko habang palibot libot ang tingin sa paligid. Katabi ko nga pala si Brent na isa ding hindi nagsasalita. Pasimple ko syang sinulyapan gamit ang aking mga mata. Okay naman sya. Nakangiti pa.

"Aren't we going to start?" Basag ni Cha sa tahimik na atmospera. Sa totoo lang, hindi ako komportable na si Brent ang kapares ko. Baka mamaya kasi bigla nalang sumugod si Miracle tapos biglang hilain ang buhok ko. Mahal ko pa ang buhok ko no.

Pinalakpak naman ng isa ni Brent ang mga kamay nya. "Alright. Let's start! Ano bang laro?" Nagagawa nya pang maexcite? Samantalang ako dito sobrang kaba na. Una, dahil sa kanya. Matagal tagal ko din syang iniwasan no. Pangalawa, ang talim parin ng tingin sakin ni Miracle. Mukha ngang pinapatay nya na ako sa isip nya eh.

"Brent." Lingon ko sa kanya.

"Palit nalang kami ni Miracle. Mukhang mas magiging komportable pag ganun." Paliwanag ko. Sya namang nawala ang ngiti nya at biglang kumunot ang noo.

"You don't want to be with me?"

Natigilan ako. Kasi naman bakit iba ang pagkaka-interpret ko doon?!

Umayos ako at saka umiling. "Hindi naman sa ganun. Kasi si Miracle..." nilingon ko ang direksyon ni Miracle at nakitang kong agad na nag-iwas ng tingin, napalingon din si Brent sa kanya.

"Kailangan nyang maging comfortable sa mga kaibigan natin. Let her." Sabi nya at ngumiti.

"Hindi sa ga---" hindi ko na natuloy ang sasabihin ko nang makita kong nawala ulit ang ngiti niya at medyo yumuko.

"Fine. If it's that what you want."

"Brent kasi---"

"I really don't understand why you became like that suddenly. I mean, bakit ba parang iwas na iwas ka sakin? Dahil ba sa girlfriend ko?" Buti nalang at medyo malayo kaming magkakaibigan. Kaya siguro nakakapag usap pa kami ng ganito.

"Bestfriends naman tayo diba?" Bigla akong nakaramdam ng paninikip ng dibdib.

Bestfriend...

Tama. Bestfriend lang naman kasi talaga ako. Bakit ba ako nag eexpect ng higit pa doon? Imposible namang mangyari yun dahil andyan na nga si Miracle sa buhay niya.

"O-oo naman. B-bestfriends tayo. Saglit ha. B-banyo muna ako." Hindi na ako nag-antay ng sagot at dali-dali na akong tumakbo. Unang beses kong naranasan to. Ang sakit ma-friend zoned. Sobra.

-------

"C?" Are you there?" I cleared my throat at saka pinunasan ang mga luha ko. Seriously? Bakit ba ako umiiyak? Eh kasalanan ko naman. Nag-assume lang naman ako. Kahit na wala naman talagang dapat i-assume.

"Andito ako Yana. Sorry mukhang hindi ako makakasali. Ang sama ng lagay ng tyan ko. Pasensya na." Palusot ko habang nagpipigil sa paghikbi.

"Sigurado ka?" Rinig kong tanong ni Yana na nasa labas ng banyo.

"Oo. Maglaro na kayo. Pagkatapos ko dito siguro magpapahinga nalang muna ako ulit." Sumasakit na ang ulo ko. Brent bakit ba ginugulo mo utak ko?

"Sige. Take meds after ha."

"Okay." At naramdaman kong umalis na sya. Saka naman ulit ako humikbi. Ayoko na. Ang sakit na ng mata ko.

Maya-may nakarinig na naman ako ng katok galing sa pinto.

"C?" Boses ni Allen yun.

"Allen please, gusto ko munang mapag-isa."

"May nangyari ba?" Nangyari? Feeling ko lang naman nasampal ako ni katotohanan.

"Wala. Ano... masakit lang ang ulo ko. Ayoko muna ng may kausap." Natahimik... umalis na kaya siya? Baka nga. Sana pala hindi ko nalang sya pinaalis. Kailangan ko ng makaka-usap na makaka-intindi sakin. Aish. Ang gulo ko.

Ilang minuto pa ang pinalampas ko bago ako tuluyang magdesisyon na lumabas ng banyo. Tama. Tigilan ko na to. Wala naman akong mapapala eh. Sakit lang ang inaabot ko.

Binuksan ko na ang pinto at humakbang palabas nang bigla akong may nasagi. Tumungo ako at biglang napakunot ang noo nang makita ko si Allen na nakayuko. Naka-upo sya sa sahig at nakasandal sa pader. Nakayuko rin habang ang noo nya ay nakaubob sa mga braso nya na nakapatong sa mga tuhod niya. Tinapik ko naman ang ulo niya kaya napatingala siya.

"Anong ginagawa mo diyan?" Tanong ko.

"Just checking if you're okay." Prente niyang sagot.

"Hindi ka umalis?"

"Not until I'll make sure na okay ka lang talaga---" ang weird talaga ng kinikilos nito.

"Teka..." mabilis siyang tumayo at hinawakan ang baba ko saka inilapit ang mukha niya. Napaatras naman ako.

"Umiyak ka na naman?" Nabigla ako. Akala ko kung ano. Teka, halata ba masyado?

"Hindi ah!" Pagdedeny ko at saka iniwas ang tingin.

"Weh?"

"Oo nga. Hindi talaga!" Dali-dali akong naglakad papalayo kaya naman hindi ko napansin na basa pala ang sahig.

Nadulas ako.

"C!" Ipinikit ko nalang ang mata ko at inantay ang pagbagsak ko. Wala narin naman akong magagawa, di na ako makakapagbalanse.

Pero...

Di yata ako bumagsak?

Naramdaman kong may kamay na nakahawak sa mga braso ko at may naririnig akong malalim na paghinga. Idinilat ko unti-unti ang mga mata ko. Ang ceiling ang una kong nakita. Ibig sabihin, nakahiga o natumba ako. Pero bakit di ko naramdaman ang malakas na pagbagsak ko?

Hanggang sa narealize ko... may mga kamay sa braso ko. Dali dali akong napatayo. Hala... si Allen!

"Allen?! Okay ka lang?!" Natataranta kong tanong habang chinicheck siya. Di siya sumasagot. Sa halip, pinakita niya sa akin ang nasasaktan na reaksyon. Malakas ang pagbagsak. Narinig ko yun. Pero akala ko sakin.

He groaned.

Sheet. Kinakabahan ako.

"B-braso ko..." mahina niyang sabi.

Napasuklay ako ng buhok ko. Ano ba tong katangahan ko?

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Dec 10, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

I'm His WendyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon