Chapter 15: Enchanted Date

87 4 0
                                    

STACEY

Okay. Saturday ngayon, at tulad ng napag-usapan, we were going to Enchanted kingdom. Sana mag-enjoy ako.

"Hey guys! I'm so excited na! Hop in the van na! Daliiiiii!" Grabe tong si Yana. Nung isang araw pa yan excited. Ba naman, ngayon daw yung second date nila ni Francis, kasi yung first date daw eh yung sinet up ko sila.

So ayun, bumiyahe kami papuntang Enchanted. Si Allen ang nagdrive. Nasabi ko na ba na mas matanda sila ni Yana at Allen ng one year samin ni Cha? Oh ngayon, alam niyo na.

Nasa tabi ako ng driver's seat, sabi ni Yana yun eh. Date ko nga daw kasi yung twin niya. Iniisip ko tuloy... Kamusta kaya yung date ni Brent with Miracle? Siguro enjoy na enjoy sila.

"Hoy! Ano ba! Wag ka ngang sumiksik dito. Ang luwag luwag ng pwesto dyan oh!"

"Ano ka ba? Ganyan mo ba itrato ang date mo? Sige ka, tatalon ako palabas ng van na to!"

"Edi tumalon ka! Who cares?!"

Sino pa nga ba ang laging bangayan ng bangayan? Edi ang Milk and Coffee couple. Haha, sa huli si Alex padin ang date ni Cha. Hahaha.

"Ano ba yan Unnie, ang ingay niyo." Sabi ni Sam na naalimpungatan ata, nakatulog kasi habang bumabiyahe kami. Yung kasama niya nga tulog din eh. Sino pa ba? Edi si Stephen. I wonder kung nagka-aminan na yang dalawang yan. Mukhang okay na naman sila eh.

And si Yana at Francis? ayun, Lovey-dovey. Naka-share sa earphones.

2hours yata yung biyahe namin and finally, nakarating na kami.

"Ikaw lang ata ang hindi excited sa barkada ah." Allen tapped my shoulder. Kami nalang kasi ang natira sa van, wala pa kasi akong balak bumaba. Well, nae-excite naman ako kasi first time ko to. Yeah, first time. My parents didn't allow me to go on places like this when I was a kid. Pero parang may pumipigil talaga sakin eh. Yun namang mga kasama namin, pagbaba na pagbaba ng sasakyan nagmamadaling makapasok. Haaaay, parang mga bata.

"Wala lang ako sa mood." Sabi ko kay Allen saka niyaya siya na bumaba na.

===

BRENT

This was the happiest thing happened in my life! I'm officially courting her, and this day is our first date ever.

"I'm so excited to meet your friends na. Sana mameet ko na sila." Masayang sabi ni Stacey (Miracle).

Oo nga pala, ngayong araw nga din pala mamamasyal sila C at ang barkada. Tamang-tama ang timing.

"Mamaya, you're going to meet them." I said while smiling on her.

"Really? Great!" She clapped her hands. Ginulo ko naman ang buhok niya, ang cute niya kasi.

Naglakad lakad kami at nakita ko ang ice cream parlor.

"Want some ice cream?" Alok ko then she nodded.

Pumasok na kami sa ice cream parlor saka umorder ng ice cream.

"Anong flavor gusto mo?" I asked her while still looking at the flavors list.

"Strawberry please." Napatingin ako bigla sa kaniya habang siya ay busy sa pagkutingting sa cellphone niya.

"Strawberry?" Tanong ko, baka kasi nabingi lang ako o na-missheard ko lang. Tumingala siya sakin at nagbigay ng 'clueless expression'.

"Yup. Why?"

"Di ba ayaw mo sa stawberry?" Dahan dahan siyang ngumiti.

"Ano ka ba! People change. Tsaka bata pa tayo noon no! Tapos na-realize ko na masarap naman pala talaga ang strawberry, iba lang siguro ang panglasa ko when we were young." She said.

I'm His WendyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon