Six weeks ago...
BALIK-probinsiya ang drama ni Amari pagkatapos ng ilang taong paninirahan sa Manila. In fairness, nae-enjoy niya naman ang pagiging assistant manager sa Tipsy Bear, isang club sa bayan ng Estrella. Dalawang linggo na rin pala siya doon.
"How is it going?" pangangamusta ng owner at manager na si Isaac sa kanya nang lumapit ito sa kinaroroonan niyang bar counter.
Oo na, aamin na siya. Ang lalaking ito talaga ang malaking dahilan kung bakit niya ini-enjoy ang pagtatrabaho sa Tipsy Bear. Mula nang makilala niya si Isaac sa job interview ay hindi na ito mawaglit-waglit sa isipan niya. Never pa siyang nagkagusto nang ganito katindi sa isang lalaki. Paano ba naman, hindi lang ubod ng guwapo kundi mabait pa si Isaac. Bibihira na lang ang ganoong combination sa mundo ngayon. Halos mga kilala niyang guwapo ay hindi mababait, babaero pa ang mga lintek. Ang mga kilala niya namang mababait ay, well, hindi nabiyayaan ng gandang-lalaki. Ang kanyang mabait na Kuya Alexis ay medyo guwapo naman, in fairness. Pero ang iba ay chaka na nga, chaka pa ang ugali. At heto talaga ang matindi sa panahon ngayon, kung sino pa ang pangit ay siya pa ang taksil. The audacity!
"Okay naman," sagot ni Amari habang nagmi-mix ng mai tai. "Look, I get to have free drinks," nakangising sabi pa niya.
"Mukhang nasanay ka na rin sa night life."
"Hindi mo na ako nakikitang naghihikab sa ganitong oras?" natatawang sabi niya. Mag-a-alas dos na naman noon ng madaling araw.
Tumawa din si Isaac. "Ang bilis mong naka-move on kay Jollibee."
Supervisor dati si Amari sa isang branch ng Jollibee sa Quezon City. Nakita niya lang sa isang shared post sa Facebook ang announcement ng Tipsy Bear sa pag-hire ng assistant manager at nakatuwaan niyang mag-apply dahil nasa Sinagtala siya noon. Akalain ba niyang siya ang mapipili?
"'You want something? Igagawa kita," alok niya sa kanyang boss.
Umiling ito. "Nah, I'm good. Uuwi na ako, nilapitan lang kita para magpaalam. Bahala ka na dito, ha?"
"Okay. Drive safe."
"Just remember, kung hindi man makarating iyong sundo mo, gamitin mo lang iyong kuwarto ko sa taas. You are welcome to sleep in my bed anytime if it's alright with you. Don't worry, malinis iyon. Hindi naman nagagamit palagi."
Ay, gusto niya yatang makiliti sa last part na sinabi nito. Pinapatulog siya talaga sa kama nito? Iisipin niya sanang nagmamagandang-loob lang si Isaac ngunit may dalawa silang staff na nagbibiro sa kanya na hindi daw ganoon kabait ang kanilang boss sa ibang empleyado, lalo na sa pinalitan niyang assistant manager na isa ring babae. So Isaac was being extra nice to her? Gusto niya yatang magpagulong-gulong sa kilig.
"Thanks. On time naman iyong sundo kong tricycle so far."
Sa second floor ng Tipsy Bear ay naroroon ang opisina at ang silid na tinutukoy ni Isaac. Minsan ay natutulog daw ito doon, lalo kung nakainom.
"Just call me if you want something, okay? You can talk to me anytime."
"Okay."
At hindi yata siya nakahinga nang tapikin ni Isaac ang balikat niya. Paano na ba ito? Nafu-fall na yata siya sa kanyang boss.
NASA downtown si Amari ngayon at maggo-grocery, naglalakad siya sa sidewalk habang kausap sa wireless earbuds ang kanyang Kuya Alexis.
"Mag-uwi ka na ng kahit ilang lalaki, basta huwag mo susunugin ang bahay ko," nakakalokang bilin nito sa kanya.
Seaman ang nakakatandang kapatid at may bagong-patayong bahay sa Estrella, doon kasalukuyang nakatira si Amari.
"Wish ko lang may maiuwi talaga ako, 'no?" nakasimangot niyang sabi.
"Hindi mo ba talaga kailangan ng pang-grocery?"
"May pera naman ako, Kuya."
"Alam ko. Pero pag may kailangan ka, magsabi ka lang sa akin, ha?"
Namatay ang kanilang ama noong kaka-graduate lang ng magkakambal na sina Amari at Nicci sa college. Nasa dagat na noon si Alexis at ito ang sumuporta sa kanila habang naghahanap ng trabaho. Hindi nila kailanman naranasan ang maghirap, thankfully. Kapitan ng barko ang kanilang ama noon at madaming naipundar at ipon. Kaso, medyo bulagsak sa pera ang kanilang ina. Sosyalerang walang trabaho si Lydia, gusto ay branded palagi ang mga gamit. At hingian nito ngayon ng pangluho si Alexis.
"Okay naman ako, don't worry."
"Alam ko ang iniisip mo. Ilang beses ko ba kailangang sabihin na hindi ka kailanman naging pabigat sa akin? Okay lang na humingi ka sa akin paminsan-minsan."
Napangiti siya sa narinig. Alam niya naman ang iniisip ng kanyang Kuya tungkol sa kanya pero natutuwa pa rin siyang sinasabihan ng ganoon. Mula nang magkatrabaho siya ay sinuportahan na niya ang kanyang sarili. Ayaw na ayaw niyang umasa sa kanyang nakakatandang kapatid. Hindi siya responsibilidad nito.
"Let me guess, may hiningi na naman si Mama sa iyo kaya nakokonsensiya kang hindi mo ako nabibigyan, ano?" pabirong sabi ni Amari.
Narinig niyang tumawa si Alexis na sinundan ng buntonghininga. "Kailangan daw niya ng bagong bag. Umuungot nga ng Louis Vuitton, e pucha, muntik akong nag-seizure sa sinabi niyang presyo."
"Hala, si Mama talaga! Ambisyosang magka-LV bag, palibhasa exposed na kasi sa buhay-showbiz," Napailing siya. "Michael Kors nga iyong dating bag niya, mahigit fifteen thousand pesos din iyon, ah. Magkano'ng binigay mo?"
"Binigyan ko ng beinte mil. Titingin daw siya ng Coach. O, gusto mo rin ng bagong bag?"
"Okay na ako sa Kate Spade ko."
"Kelan pa iyan, iyan yata iyong pinabili ko sa iyo noong birthday mo two years ago."
"Matibay naman, Kuya. Tatagal pa ito."
"O, sige. Usap na lang tayo uli sa susunod, matutulog na ako."
Hindi na nakasagot si Amari sa kanyang Kuya dahil may lalaking may bigote na bigla na lang bumangga sa kanya sabay hablot ng kanyang shoulder bag.
Snatcher!
Humabol si Amari.
"Snatcher! Magnanakaw! Ibalik mo ang bag ko, gago ka!" tili niya habang tumatakbo pahabol sa lalaking naka-blue na t-shirt at black na jogging pants. Pilit niyang inaalala ang mukha nito pero ang natatandaan niya lang ay ang bigote na parang patay na higad.
Mabilis siyang tumakbo kaso medyo madaming tao sa sidewalk malapit sa mall, hindi niya maaabutan ang snatcher.
Nagsisigaw uli siya. "Tulungan n'yo ako! Iyong lalaking iyan, snatcher!" aniya sabay turo sa papalayong salarin.
May dalawang lalaking sumaklolo sa kanya, dinamba ang magnanakaw, tumba ito sa sidewalk. Hihingal-hingal na nakalapit si Amari.
"Asan na ang bag ko?" sigaw niya sa lalaking nakadapa at naka-lock ang mga kamay sa likod, hawak ng sumaklolo sa kanya. Ang isa pang sumaklolo ay nakaapak ang paa sa puwit ng magnanakaw.
"W-what the hell? Ano'ng bag?" sabi ng salarin.
Ugh! Naipasa na siguro sa kasabwat nito ang kanyang bag.
Tinadyakan niya ito sa tagiliran.
"Maang-maangan ka pa? Guwapo ka pa naman pero tamad kang magbanat ng buto. Masama ang magnakaw!"
"Anong magna—... Hindi ako magnanakaw!" matigas na tanggi nito.
Umurong siya ng isang hakbang nang mapansing nakatingala ang lalaki sa kanya. Kitang-kita nito marahil pati na ang singit niya mula sa kanyang maikling damit.
"Huwag mo akong bosohan, manyak ka pa pala!" asik niya dito.
"Miss, kinakausap mo ako sa ganitong posisyon— You know what, pakawalan n'yo ako o idedemanda ko kayong lahat," banta naman nito.
"Ay, shit." Natutop ni Amari ang bibig nang pakatitigan niya ang mukha ng lalaki. "Wait lang, mga kuya," nakangiwing sabi niya sa mga sumaklolo. "H-hindi pala siya ang snatcher, wala siyang pangit na bigote. Saka hindi siya naka-jogger pala." At guwapo.
BINABASA MO ANG
Charmed Too Deep (Wattys 2024 Grand Prize winner)
RomanceWattys 2024 Grand Prize winner Goal: Gayumahin ang lalaking crush na crush mo. Plot twist: May ibang nakiinom sa drinks na hinaluan mo ng gayuma.