Part 2

31.6K 965 227
                                    


DALI-DALING ibinangon ng dalawang lalaki ang napagbintangan ni Amari na magnanakaw.  Matangkad ito, malapad ang balikat at dibdib. May facial hair na mukhang alaga sa tamang ahit. At guwapo talaga.

"Sorry, brod," sabi ng isa sabay pagpag sa likod at balikat ng napagbintangan.

Hinarap naman siya ng isa, mukhang inis. "Miss, sa susunod, siguraduhin mong tamang tao ang ituturo mo. Ipapahamak mo pa kami," anito saka humingi din ng paumanhin sa kanyang napagbintangan.

"Mukha ba akong snatcher?" galit na kastigo kay Amari ng ex-suspect nang makadiretso ng tayo. "Itong guwapo kong ito, magnanakaw ako?" sabi pa nito na talagang inilapit ang mukha sa kanya nang may isang dangkal.

Umismid siya, nainis din nang slight, nakalimutan nang mag-sorry dahil nauna siyang tinarayan ng lalaki. Although masisisi ba naman niya ito?

"Excuse me!" Nameywang si Amari. "Bakit, may required bang pagmumukha ang magnanakaw? Hindi porke guwapo ka ay exempted ka nang maging kriminal. And for the record, hindi ka po masyadong guwapo. Feelingerong 'to."

Pero may point ang gago. Mga kriminal na nakikita niya sa news ay mostly mga chaka nga. May mga good-looking naman minsan, pero malayong angat ang bilang ng mga chaka talaga.

Nakasimangot itong tiningnan siya pataas-pababa. "Paano kung sabihin kong kung magnanakaw man ako ay hindi kita bibiktimahin dahil mukha kang walang pera?"

Umusok ang nostrils ni Amari. May attitude din talaga!

"Wow. Choosy na magnanakaw lang ang peg? And for the record uli, may pera ako, at branded ang bag kong inagaw— Ay, shit, ang bag ko pala!"

Hysterical siyang luminga-linga. Of course, naglaho na iyong legit na snatcher. Wala na ang kanyang Kate Spade bag at ang matching wallet niyon, pati na ang tinitipid niyang travel size Flowerbomb perfume, Bath and Body Works hand cream, Urban Decay lipstick, at MAC face powder.

"Hindi na iyon mahahabol, Miss. Magpa-blotter ka na lang," anang isa pang lalaki na tila nahihiyang tumingin sa ex-supect. Ito iyong nakaapak kanina sa puwet ni guwapong napagkamalan.

"Tara sa presinto nang maipa-blotter din kita," sabi sa kanya ni antipatikong ex-suspect.

"Mag-sorry ka na lang, Miss," sabad ng lalaking dumamba kanina sa dito.

"Sorry," sincere niya namang sabi. "Magkakulay kasi kayo ng shirt nu'ng naghablot ng bag ko, kulay black din iyong pants niya."

"Dahil lang sa mga suot ko, pinagbintangan mo na ako?"

"E, nataranta kasi ako. Sorry na nga. Buti nga hindi ikaw ang nanakawan," nakasimangot na sabi dito ni Amari. Sa isip ay nagkukuwenta siya ng presyo ng lahat ng nawala sa kanya.

"Buti hindi ikaw ang nawalan ng dignidad," ganti naman ng lalaki. Humawak ito sa tagiliran. "Nabali yata ang isang tadyang ko sa tadyak mo."

"Luh. Ang weak mo naman, ang hina ng sipa ko," umiikot ang mga matang sabi niya. "Pasalamat ka nga, hindi pagmumukha mo ang sinipa ko. Erased na sana ang ipinagmamalaki mong kakarampot na gandang-lalaki mo."

Sumama nga sa presinto ang lalaki. In fairness, pinasakay siya nito sa kotse nito at pinagbuksan pa ng passenger seat. O kung pagmamay-ari nga nito ang kulay asul na Toyota SUV, baka driver lang pala ang loko. Sequoia iyong nabasa niyang model sa likod niyon, alam niya mahal iyon. At mukhang bagong-bago pa.

Sa loob ng kotse ay frantic siyang nag-report sa hotline ng kanyang bangko upang ipa-block ang gamit niyang debit card na kasama ng mga nawala. Buti na lang at nasa bulsa niya ang kanyang Samsung smartphone, ewan na lang kung hindi siya nagngangawa ngayon kung pati iyon ay natangay. Pero jusko, kailangan niyang magpa-renew ng mga nawalang ID niya pala.

Charmed Too Deep (Wattys 2024 Grand Prize winner)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon