Part 37

18.7K 788 122
                                    


"NARINIG mo ba lahat ng sinabi ko? Gayuma nga! Ginayuma kita, Pierre," giit ni Amari. "Hindi ka ba nagtataka na bigla kang bumait sa akin, na bigla kang na-attract sa akin? Ayaw mo sa akin sa una, hindi ba? Si Nicci ang talaga'ng gusto mo."

May ilang segundong patlang bago nagsalita si Pierre. "G-ginayuma mo ako?" litong tanong nito.

"Oo." Guilty ang boses ni Amari. "S-sorry. Hindi ko naman sinasadya. Pero okay na, kasi nakainom ka na ng counter-potion. Mawawala na ang bisa ng gayuma."

Lito pa rin ang kausap. "I—i... I don't understand."

"B-basta! Lahat ng nararamdaman mo sa akin, pati na concern, dahil lang iyon sa gayuma. Gets mo na?"

"P-pero... Amari, lahat ng nararamdaman ko sa iyo, totoo ang lahat ng mga iyon."

"No, no. Confused ka lang sa ngayon. Pero hintayin mong tuluyang tumalab ang antidote, maiintindihan mo ang mga sinasabi ko. Soon, babalik din sa dati ang lahat."

"You know what, I don't care about that potion and antidote shit, I know exactly what I feel for you. Amari, I—"

"Pierre, stop. Please, no more." Tinutop ni Amari ang bibig para pigilan ang pag-alpas ng hikbi. "It's... it's over."

"W-wait... Are you... Are you breaking up with me?"

Napapikit siya sa narinig na bahid ng sakit sa boses ng binata.

"Wait 'til I go home, we will talk, okay?" hanggang sa sabi ni Pierre nang hindi na nagsalita si Amari.

"Goodbye, Pierre."

Hindi lang ang boses niya ang nabasag nang mga sandaling iyon.



SUNOD na bisita sa ospital ang parents ni Pierre, kaaalis lang noon ni Isaac nang dumating ang mga ito. Alalang-alala ang mag-asawa kay Amari at sa kapatid niya.

"Anak, pag may kailangan ka, nandito lang kami palagi," sabi sa kanya ni Lucky nang makalabas mula sa kuwarto ni Nicci. And she hugged her for the nth time.

Gustong maiyak ni Amari. Mula pa sa taong hindi niya kadugo ang warmth at concern na inaasahan niya mula sa ina.

Inaasahan? No, never. Hindi naman siya umasa talaga na maging doting mother si Lydia sa kanya, sanay na siya doon. Siguro ay na-realize niya lang na unconsciously ay gusto din pala niya iyon nang yakapin siya ni Lucky. Kailangan niya rin pala para sa mga pagkakataong ganito. Wala siyang kalasag ngayon, basag lahat ng katigasan niya.

"And tell your sister it's okay that she couldn't make it to the Bingo and the parade. Jusmio, nakaratay na nga siya sa ospital, iyon pa rin ang iniisip niya." Pumalatak si Lucky. "Gusto pang ibalik ang talent fee niya. Oh, that poor thing."

Pinilit ngumiti ni Amari. "Determinado kasi siyang gumaling, Tita. At bumalik sa trabaho."

"That's good, that's good. Pero dapat mag-focus muna siya sa sarili niya."

Sumabad si Nick. "Naghapunan ka na ba, iha? We can take you somewhere to eat."

Mag-a-alas nueve na pala ng gabi, hindi na niya iyon namalayan.

Lalo lang siyang na-guilty sa paggayuma kay Pierre. Pati mga magulang nito, damay na sa dami ng kabutihang bigay sa kanya.

"O-okay lang po ako, salamat," pagsisinungaling ni Amari.

"Kung ibili ka na lang namin ng pagkain? Kainin mo pag gutom ka na," pamimilit ni Lucky.

Bakit ba sobrang bait ng mag-asawang ito sa kanya? Mahihirapan tuloy siyang mag-adjust na hindi na nakakasalamuha ang mga ito.

Charmed Too Deep (Wattys 2024 Grand Prize winner)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon