Part 27

20.6K 990 155
                                    


Guys, the next update after this ay iyon muna ang last. Magha-hiatus muna ang story na ito dito sa Wattpad while I sell the advance softcopy. Kasabay ng last update ay ipo-post ko po ang kumpletong info about ordering. Basta sa ngayon, ang gusto ko lang munang iparating ay ang presyo ng soft copy ay P550.00 (five hundred and fifty pesos), puwede pa pag-ipunan. ;)  Don't worry, tatapusin ko rin ang story dito sa Wattpad, pero siyempre dapat matiyaga lang kayong maghintay sa update. Sa mga bibili naman ng advance softcopy, complete story na po iyon at may bonus parts na hindi mababasa dito sa Wattpad. Please note na softcopy po iyon na PDF file, at hindi physical book. At galing iyon sa raw manuscript ko, hindi pa po dumaan iyon sa kamay ng professional editor, pero ang edited e-book o electronic-book ay ipapasa din sa inyo once available na siya. Again, hindi po ito paperback o papel na libro. Softcopy po ito, o tinatawag ding e-book. Sana po maliwanag. Feel free to ask questions din po. Thank you so much! :) ~ ML



NAGTATAKA si Pierre nang isang tanghali ay dinayo siya ng ina sa kanyang opisina sa headquarter ng Cabron Poultry na nasa isang building sa downtown.

"Bakit mo ako kinukunutan ng noo?" agad namang sita sa kanya ni Lucky sabay upo sa harapan ng mesa niya.

"Wala kasi kayong dalang pagkain. Usually pag nagpupunta kayo dito, may mga dala kayo," dahilan ni Pierre.

"'Di yayain kitang mag-lunch sa labas."

"Mom, why are you here?" diskumpiyadong tanong niya. "You're up to something, kahapon ay tumawag kayo tapos wala naman kayong itatanong o sasabihin talaga."

"Fine, fine. May nafi-feel lang kasi akong parang meron kang hindi sinasabi sa akin," anang ina. "You know you can always talk to us, tell us anything. Kakampi mo kami palagi, anak. We're always here for you."

Muling kumunot ang noo ni Pierre. "I'm not sure what you're talking about."

"Kelan mo sasabihin sa amin na magkaka-baby ka na?"

Muntik na siyang mahulog mula sa swivel chair. "What the actual fuck?"

"Language, Jose Pedro! Buntis si Amari, hindi ba? Ilang weeks na?"

Nanlaki ang mga mata ni Pierre. "Sino'ng nagsabi sa inyo? Paano n'yo naman naisip iyan— Mommy, hindi buntis si Amari!"

"Anong hindi? Bakit may pahaplos-haplos at pahalik-halik ka pa sa tiyan niya noong nasa bahay kayo?"

Natapik niya ang noo. "Naglalambing lang ako sa kanya. Masakit daw ang tiyan niya nang time na iyon, menstrual cramps."

Ang ina naman ang pinanlakihan ng mga mata. "Menstrual cramps?"

"Opo. Mommy, nahahawa na kayo doon sa kaibigan n'yo," nakasimangot na sabi ni Pierre.

Tumawa si Lucky. "Naghihintay nga ng update kahapon kung ilang weeks na raw tiyan ni Amari. Hindi ba talaga buntis?"

"Hindi nga po. We're using protection."

"Ay, sayang!" Si Lucky naman ang sumimangot. "Akala ko magkakaapo na ako. Hay, naku! Tumitingin na nga ako ng baby clothes, 'no? Ang Tatay mo, excited din. Nagtatalo na nga kami kung ano ang ipapangalan sa bata. Hinihintay na lang namin na mag-announce ka sa amin, kaso ilang araw na ang lumipas."

"Mom, for real? Apurado naman kayo."

"What, I want a little Pierre soon, or a baby girl would be nice. Or hell, give me twins, or triplets! Ang bilis ninyong lumaki at naging independent ni Vince, hindi ko na-enjoy masyado ang pag-aalaga sa inyo. Malakas pa ako, I can help you look after your kids. Make as many as you want."

Charmed Too Deep (Wattys 2024 Grand Prize winner)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon