END

37.2K 894 156
                                    


**Epilogue and bonus parts are only available in the book version. Softcopy is P550, see below for more details.**



IT was an intimate wedding as they had planned, and their honeymoon would be a one-month Asian cruise. Amari was wearing a light ivory plunging V-neck voluminous gown with beads, rhinestones, and crystals hand-sewn all over the corset and long sleeves. On her head was a small tiara that her sister gave her. She felt like a queen that day, ready to rule and conquer her new life with the man she loved.

Tapos na ang matrimony at kasalukuyan silang nagpi-pictorial sa harap ng basilica ng Estrella nang may mapansin si Amari na babaeng nanonood sa kanila. Nakasuot ito ng pink and purple floral midi dress. She was fair-skinned, her hair was dark with large curls, she was very beautiful in a mystical way. Nakangiti itong kumaway nang muli siyang tumingin dito.

"Imogen," nakangiting usal ni Amari.

Nang matapos ang pictorial ay kinawayan niya ang babae at lumapit naman ito.

Sinalubong niya ito. "I'm glad you came," tuwang-tuwang sabi niya dito. "Akala ko, hindi ka a-attend, hindi ka kasi nag-RSVP."

"Ang totoo ay kagabi lang ako nag-decide na magpunta. Dadaan lang sana ako, may importante akong lakad sa ibang town dito sa Sinagtala."

"Ano'ng dadaan lang? Sama ka sa reception. I want you to meet my husband and my family."

Sa isang resort ginanap ang reception na dinaluhan ng mga malalapit nilang kaibigan at kamag-anak. The covered garden looked regal and romantic with all the lights and flowers everywhere.

Bago nagpaalam si Imogen ay may iniwan itong regalo sa mag-asawa. It was a small wooden box that the newlywed couple both held when she handed it to them.

"Ano ito?" excited na tanong ni Amari matapos silang magpasalamat.

"For fertility," nakangiting sagot ni Imogen.

Binuksan ni Amari ang kahon nang makaalis ito. There was a magenta velvet drawstring bag and inside it were colorful crystals. She was guessing by their colors that they were garnet, amethyst, and rose quarts.

"Fertility, huh?" ngingiti-ngiting sabi ni Pierre.

"Naku, hindi pa gagana ito since we're using protection. Saka na muna ang baby, remember?" aniya saka inayos ang kuwelyo ng suot na two piece beige linen suit ng asawa. "Ang guwapo-guwapo talaga ng mister ko," kinikilig niyang sabi sabay pasimpleng haplos sa dibdib nito.

"And, you are absolutely gorgeous, sweetheart," puri naman ni Pierre na sinundan ng mabilis na halik sa bibig.

Inilapit ni Amari ang bibig sa tenga nito. "Gusto na kitang lamutakin. Sana uwian na."

Ang lakas ng halakhak ni Pierre. "C'mon, Mrs. Cabron, let's dance for now."

"Hey, I wanna leave this tiara on my head while we... you know, getting it on," pilyang sabi ni Amari habang papunta sila sa dance floor.

"Whatever you say, love. Tiara looks good on you."

Sinundot niya ito sa tiyan. "Looks like you married a queen after all, Mr. Cabron."

"The fairest of them all," nakangiting ani Pierre bago ito yumukod sa kanya.

Nasa kalagitnaan sila ng waltz nang nakaramdam ng pagkahilo si Amari. Ihinatid siya ni Pierre sa bridal suite ng venue, sinamahan siya ni Nicci sa restroom niyon. Hinawakan nito ang laylayan ng kanyang reception dress. It was a sparkly champagne off the shoulders sheath gown with a side slit.

"I think preggy ka na," excited na sabi ng kapatid habang nire-retouch nito ang makeup niya. Nicci was her Maid of Honor, she looked very lovely in her cinnamon rose high-low asymmetrical gown.

"Anong preggy? Paano naman kaya iyon, e nagpi-pills—" Natigilan si Amari.

Imogen! Could it be?

May bisa na agad ang fertility crystals?

"Wait lang, bibili ako ng pregnancy test!" ani Nicci at bago pa ito napigilan ni Amari ay iniwan siya nito.

Paglabas niya mula sa restroom ay nasilip niyang hinila ni Nicci ang Bestman na si Vince na nasa labas ng bridal suite.

"Are you okay, babe?" nag-aalalang salubong sa kanya ni Pierre. Inakay siya nito palabas ng bridal suite.

"Naimpatso yata ako. Ang sasarap kasi ng mga pagkain."

"Saan pupunta ang dalawang iyon?" saka nagtatakang tanong nito habang tinatanaw ang papalayong Vince at Nicci. Papalabas na ang mga ito sa reception area.

"Ewan ko. Magtatanan siguro."

Hindi nagtagal ay bumalik sa reception sina Vince at Nicci. Hinila ng huli si Amari sa pabalik sa bridal suite at pinilit na umihi kahit nakaihi na siya kanina.

At napuno ng sigaw ni Nicci ang buong restroom nang makita ang result ng test.

Hindi na maipinta ang mukha ni Pierre na naghihintay sa bridal suite. Nagtataka ito, nalilito, nag-aalala.

"What is going on, Maria?" inip na tanong nito sa kanya paglabas niya ng restroom.

Natatawang sumagot si Amari. "I think the crystals just worked. Looks like we're having a baby soon."



THE END




 If interested to buy the printed and ebook/softcopy, kindly message Whimsical Books Ph in Facebook. You can pay thru GCash po and they also offer installment. May epilogue po ang book version, at mga bonus parts na nakasingit all throughout the story, 2 major scenes are in the latest parts near the ending. 

Thank you for reading Charmed Too Deep! Special thanks sa mga bumili ng digital copies at printed books. Until next story! ~ ML


Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.



UPDATE: 

The second book of Charm series is ongoing in Wattpad and my VIP group, To Charm a Playboy. Available na rin sa advance digital copy, and preorder of the printed book is also ongoing. Thank you! 


Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Charmed Too Deep (Wattys 2024 Grand Prize winner)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon