Part 6

25.5K 965 198
                                    


HE met Eloise three, or four months ago? Pierre couldn't remember. Napadaan lang daw ito sa Sinagtala. Business trip or something, like the last time. Hindi rin sila nagpalitan ng contact number. Strictly one night stand ang nangyari sa kanila noon, at ngayon ay tipong mauulit yata iyon. Sanay na siya sa hookups in between dating, sanay na rin siyang mga babae kadalasan ang mga lumalapit sa kanya.

Hindi gaya ng una nilang pagkikita, hindi naka-check-in sa hotel sa gabing iyon si Eloise. He decided to take her home.

Natuwa ito nang patulugin niya sa guest room. Nagkape lang ito noong umaga na saka nagpaalam na. May bonus na sex bago sila naghiwalay.

Nang may mapansin si Eloise sa console table sa foyer. "Who's this kid?"

Napamura sa loob-loob si Pierre nang makita ang nasa picture frame. "That was me, I was seven or eight, I think."

"Mukha kang butiki!" Nagpalipat-lipat ang tingin nito sa kanya at sa larawan. "Wala ka bang pinaretoke? You look so different."

"Wala, gumuwapo lang ako noong medyo tumanda na."

Hindi na nagpahatid ang babae kay Pierre, sasakay na lang daw ng tricycle pabalik sa parking lot ng Tipsy Bear kung saan naka-park ang kotse nito mula kagabi. Tumawag siya sa kilala niyang driver upang ipasundo ito dahil walang gaanong dumadaang sasakyan sa tapat ng kanyang bahay.

"Hindi mo ako kailangang samahang maghintay dito."

"May mabagsik kasing aso na gumagala dito," dahilan ni Pierre. "Parang si Cujo."

"Cujo?"

"Iyong aso sa book ni Stephen King—"

"Oh, you're a nerd pala?"

Pierre didn't think he could hear that word again. Hindi na niya matandaan ang huling pagkakataon na may tumawag sa kanya ng ganoon.

"Nerd ba kung mahilig magbasa?"

"Hey, don't take it as an offense. I actually admire that."

"Here's your ride," ani Pierre nang matanaw ang paparating na tricycle.

"Thank you, Pierre. You're so sweet. Swerte ng magiging girlfriend mo."

Papalayo ang tricycle na sinakyan ni Eloise nang dumating doon ang kotse ng ama ni Pierre. Pinapasok niya ito sa gate.

"Sino iyon, bagong girlfriend mo?" agad na tanong ni Nick pagkababa ng kotse.

Nagkamot siya ng batok. "Hindi po."

"Bisita?"

Tumango-tango ang ama nang ngumisi lang si Pierre. Pumasok sila sa side door ng bahay.

"Ingat lang, anak, ha?"

"Huwag po kayong mag-alala, gumagamit ako lagi ng proteksiyon. Gusto n'yo ng kape?"

"Nagkape na ako sa bahay, pero sige." Umupo ito sa harap ng kitchen table. "Dumaan lang ako dito, magkikita kami ng Mommy mo sa mall mamaya pagkatapos kong magpagupit."

Umupo si Pierre sa harapan nito nang maibigay ang tasa ng kape. "Kumusta naman kayo, 'Tay?"

"I'm good. Ikaw, anak, kamusta ka na?"

Napatawa si Pierre. "Bakit ba tayo nagkakamustahan, nagkita lang tayo last week na nag-dinner kami ni Kuya sa bahay."

"Naninibago lang siguro ako na hindi ko kayo nakikita araw-araw."

Ilang buwan na ang nakalipas nang ipinagkatiwala nito sa kanilang

magkapatid ang pagma-manage sa kanilang negosyo. Consultant pa rin naman ito at paminsan-minsan na dumadalaw pa rin sa opisina, mga farm at processing plant ng Cabron Poultry.

Charmed Too Deep (Wattys 2024 Grand Prize winner)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon