MUKHANG mabilis ang epekto ng antidote kay Isaac dahil dalawang araw pa lamang ay nakita na iyon ni Amari.
"Look, whatever I have done wrong these past days, I apologize."
Nakabuntot ito sa kanya habang umaakyat siya sa hagdanan patungo sa kanilang opisina.
"I was just... I dunno, something weird happened to me, I feel like I haven't been my normal self if that makes any sense. Hindi ko alam kung paano ito ipapaliwanag, Amari."
Pinilit niyang tumawa. "Naiintindihan ko, don't worry. We all get that way sometimes."
"It was really weird, the way I was acting, and pining for you. Ngayon ko lang na-realize. Sorry—"
"Huwag ka nang mag-apology, wala ka namang masamang ginawa sa akin."
"Please don't quit work. I need you here, badly. I will give you a substantial salary raise just to keep you."
Noon na genuine na napatawa si Amari. "Hindi ako magku-quit, ang hirap kaya maghanap ng work ngayon. Pero hindi ko rin tatanggihan ang salary raise. Magkano?"
Ngumiti na si Isaac, mukhang nabunutan ng tinik sa lalamunan.
Tumigil sila sa hallway. Naalala ni Amari, doon sila unang naghalikan ni Pierre, right on that spot. Ngayon ay nahalikan na yata ng impakto ang lahat ng parte ng katawan niya, literal na mula ulo hanggang paa.
"Twenty percent okay?" offer ni Isaac.
"Sounds good to me. Thank you!" tuwang-tuwang sabi ni Amari, nagkukuwenta na sa isip.
"Kung anuman ang mayroon sa inyo ni Pierre ay masaya ako," pagkuwa'y sabi ni Isaac na mahihimigan ng panghihinayang. "I am sorry kung medyo apprehensive ako dati, wala naman akong karapatang mangialam."
Ngumiti lamang si Amari. Not too long ago, handa siyang makidigma para sa pagsinta ng lalaking ito. But one mistake had changed everything. Ang nakapagtataka, wala siyang maramdamang lungkot ngayon. And, hey, nagka-salary increase pa siya nang 'di-oras!
"I wish you both the best. Pierre is a good guy, I can assure you that. Now I feel bad I got jealous of my friend."
"A-ahm, we're just... ano, ah..."
Paano niya ipapaliwanag kay Isaac ang relasyong mayroon sila ni Pierre? Kung matatawag ngang relasyon iyon. Ginagamit lang naman nila ang isa't-isa para maglabas ng init ng katawan.
"Thank you, Isaac," sabi na lamang ni Amari.
Isang oras bago siya umuwi ay may natanggap siyang text mula kay Pierre. Susunduin daw siya nito.
Amari: Alam mo, mawawalan ng trabaho si Paeng sa akin sa ginagawa mo.
Pierre: Magkano ba sweldo niya sa iyo? Dodoblehin ko para ako na lang maging service mo.
Amari: Ako na'ng bahala kay Paeng. Siya pa rin naman ang naghahatid sa akin.
Pierre: Ako na rin ang maghahatid sa iyo.
Amari: Ay, huwag! Abuso na masyado.
Pierre: Willing akong paabuso, basta ikaw.
ANG ngiti ni Pierre ay kasing-liwanag ng sikat ng araw kahit pasado alas-dos na noon ng madaling araw. Ngiting mas umaliwalas nang papalapit dito si Amari at ipinagbukas siya ng pinto ng kotse. May naghihintay sa kanyang isang malaking paper bag ng Victoria's Secret sa passenger's seat na naglalaman ng mga bath and body products, kumpleto hanggang sa body oil, may scented candle pang kasama.
BINABASA MO ANG
Charmed Too Deep (Wattys 2024 Grand Prize winner)
Storie d'amoreWattys 2024 Grand Prize winner Goal: Gayumahin ang lalaking crush na crush mo. Plot twist: May ibang nakiinom sa drinks na hinaluan mo ng gayuma.