Part 7

23.2K 901 69
                                    


PAGBALIK ni Amari sa trabaho ay halos marindi siya sa mga tanong ng staff ng Tipsy Bear tungkol sa kanyang kapatid. Nagulat pa ang mga ito nang sabihin niyang kambal sila ni Nicci. Dalawang gabi nang topic nila si Nicci, at higit sa lahat, hangang-hanga dito si Isaac at tinanong pa siya kung kailan daw ito uuwi ng Sinagtala para maimbitahan sa Tipsy Bear.

Hayun na naman. The story of her life. Ang gusto niyang lalaki, na posibleng may gusto din sa kanya, ay nanganganib nang malipat ang pagkagusto sa kanyang kakambal.

What's new, pussycat?

Dapat ay sanay na sa ganoon si Amari, pero sa mga sandaling iyon ay gusto niyang mag-walling. Huwag naman pati si Isaac, utang-na-loob. Kunin na ni Nicci ang lahat ng lalaki mula sa kanya, pati na crush nilang dalawa na si Chris Evans, buong-puso siyang magpaparaya. But not Isaac. Please lang. Seryoso, parang gusto niya talaga'ng umiyak na sa ngayon pa lang.

"Hey, I saw you on TV. You looked nice in there, halos hindi kita nakilala. Kakambal mo pala si Nicci Forteza?"

Hindi itinago ni Amari ang pag-ikot ng mga mata sa nagsalitang iyon. She put up her tough mask and faced him.

"What can I get you, Pierre?"

"I'd like a Manhattan, please." Umupo ito sa stool, nakangiti sa kanya. "Bakit hindi kayo magkamukha?"

Doon na umusok ang ilong ni Amari. Pabagsak niyang ibinaba ang baso sa ibabaw ng counter.

"Bakit, lahat ba ng magkakambal ay required na magkamukha? 'You ever heard of fraternal twins?"

Kung tutuusin ay hindi naman siya chaka, malayo din siya sa pagiging plain-looking. She was five feet, four inches tall; okay din naman ang hubog ng katawan niya. At higit sa lahat ay may ganda din siyang taglay, kaso ay hindi nagsusumigaw kagaya ni Nicci, hindi star material kumbaga, hindi eye candy. Saka kapag itinatabi na siya dito ay nagmumukha siyang alalay lang nito. Nicci was five feet, ten inches tall; she had perfect curves, perfect long wavy hair, and a perfect toned, creamy skin. Everything about Nicci was perfect, she was like a goddess.

"Whoa, whoa. I was just trying to start a conversation." Nagtaas ng mga kamay si Pierre. "Single pa ba siya?"

Inismiran niya ito. "Mayaman ka ba?"

"Bakit ganyan ang sagot mo?"

"Dahil alam ko na kung saan patungo ang tanong na ganyan, Pedro. Oo, single pa si Nicci. And if you wanna pursue her through me then I have to see all your records. Kung mayaman ka ba, hindi kriminal, malinis ang tax records, walang STD, and so on."

Nginiwian siya nito. "Ganyan kahigpit?"

"Aba'y dapat lang, celebrity at Miss Universe Philippines ang kapatid ko, 'no? Ayoko ngang mapunta siya sa basta-bastang lalaki diyan."

"Required talagang mayaman?"

"Siyempre. At teka nga pala, ikaw, single ka pa ba? Kelan lang iyong may babaeng halos mabuntis mo na sa dance floor, ah?"

Tumawa si Pierre. "We're just..." Parang nag-isip ito saglit. "Friends."

Tinaasan ito ng kilay ni Amari. "Friends with benefits?"

"I'm single. Pakilala mo naman ako sa kapatid mo."

"Hindi ko alam kung kelan siya magagawi dito."

Ibinigay ni Amari ang order ni Pierre saka umakyat na siya sa opisina. Tatlong oras na ang nakalipas at hindi niya iyon namalayan, sinadya niya kasing manatili doon para makaiwas sa topic na Nicci Forteza. Kaninang umakyat doon si Jensen ay tinatanong na naman siya, kasama pa nito ang bouncer nilang si Rad.

Charmed Too Deep (Wattys 2024 Grand Prize winner)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon