Preorder of the printed book is up, guys! Available pa rin ang digital copy (raw/unedited). More details are below. Thank you so much! ~ ML
DAHIL maagang nagsara ang Tipsy Bear ay nagkaroon ng pagkakataon si Amari na magluto pagkauwi niya. Gumawa siya ng baked macaroni, iyong tirang ground pork ay ihinalo niya sa braised Chinese eggplant. Itinodo na niya. Nagluto din siya ng pork humba, stir-fry veggies with white chicken meat, at liver steak. Pagkatapos niyon ay wala pang tatlong oras ang tulog niya, pinilit niyang gumising at mabilis na nag-shower saka lumabas ng bahay. Tulog pa noon sina Lydia at Nicci.
Nagdadalawang-isip si Amari kung bubuksan niya mismo ang gate sa bahay ni Pierre o magdo-doorbell muna siya. Tanda na niya ang pass code ng gate, at natutuwa siyang sobrang welcome siya sa bahay nito. Magkagayunpaman ay inaatake pa rin siya ng hiya sa biglaang pagdayo doon nang walang pasabi. Paano kung tulog pa pala ito?
Muntik siyang napalundag nang may matanaw siyang isang malaking asong itim na naglalakad sa kalsada. Hayun na yata iyong Cujo, iyong asong kinuwento sa kanya ni Pierre na pagala-gala daw doon. It was bigger than she thought. Scarier, too.
Nakita siya ng aso at tumahol, mukhang tatakbo yata patungo sa kanya. Noon na siya mabilis na tumipa sa digital lock, kandamali-mali pa siya dahil sa takot sa aso. Pumasok siya agad nang bumukas ang gate at habang naglalakad sa driveway ay nakita niya si Pierre na nagtatakang sumalubong sa kanya. Wala itong suot na shirt, naka-jersey shorts lang at sneakers. Parang galing sa exercise.
"Bakit ang aga mo? Natulog ka pa ba?" worried nitong tanong.
"Ikaw nga e gising na."
"Natulog ako nang maaga kagabi bago kita sinundo. Are you okay?"
Either halatadong maligalig siya o very transparent na talaga siya pagdating kay Pierre.
"Okay lang ako, sorry hindi ako nagpasabi na magpunta dito."
"Sinabi ko na sa iyo, magpunta ka lang dito kahit kelan mo gusto. Tumira ka pa dito."
Lumingon si Amari sa gate. "Nakita ko pala si Cujo. Ang laki niya, nakakatakot. Baka kaya aswang iyon?"
Inakay siya ni Pierre papasok ng bahay. "Kung ano-ano pinapaniwalaan mo. It's just an astray dog. Wala pa naman akong nabalitaang kinagat niya."
"Hindi ka naniniwala sa mga aswang o maligno?"
"Hindi."
"Pero naniniwala ka sa mga anghel?"
"Sort of."
"Hindi ba mahilig ka sa fantasy at horror books? How about magic, or, or... potions? Naniniwala ka ba?"
"Hindi totoo ang mga 'yan. Fascinated lang ako sa fictional stories nila."
"Paano kung totoo talaga? Iyong gayuma na effective—"
"Maria, kumain ka na ba? I'll make you breakfast."
Pumeke si Amari ng tawa. "Hindi ako gutom, naumay na ako sa kakatikim ng mga niluto ko kanina. Teka pala, may mga ingredients pa ba tayo for baking?"
Naglakad siya papunta sa kusina, sumunod naman si Pierre.
"We're low on sugar and eggs, ako na bibili mamaya. Matulog ka kaya muna?"
Pinigilan siya ni Pierre nang bubuksan sana niya ang refrigerator.
"Hey, did you hear me?" banayad na sabi nito. "Sabi ko, matulog ka muna. C'mon, babe," ika nito at hinila siya palayo mula doon.
"'Andami ko niluto kanina sa bahay, nakakapagod," hindi na niya mapigilang iangal.
BINABASA MO ANG
Charmed Too Deep (Wattys 2024 Grand Prize winner)
RomanceWattys 2024 Grand Prize winner Goal: Gayumahin ang lalaking crush na crush mo. Plot twist: May ibang nakiinom sa drinks na hinaluan mo ng gayuma.