Part 13 (SPG)

53.9K 1K 110
                                    


"ANO ba'ng nangyayari sa iyo? Kanina pa kita kinakausap, parang absent-minded ka," pukaw ni Vince kay Pierre habang nasa balkon sila ng beach-front cottage sa Escape.

Ang Escape ay isang world-class resort na nasa Norte. Naroroon ngayon ang mga corporate employees ng Cabron Poultry para sa three-day retreat.

"Sino ba'ng tinatanaw mo diyan?" Sinundan ni Vince ang tingin niya.

"W-wala. Wala. I just thought I saw someone I know," ani Pierre na mabilis nagbawi ng tingin.

"A girl?"

Tumalikod si Pierre mula sa beach at sumandal sa balustre. "Yeah, a girl."

"And who is she?"

"Kakilala nga," sagot niya sa tanong ng kapatid saka humalukipkip.

What the hell was happening to him? Noong isang araw sa motocross track ay napansin din ni Barry na hindi siya maka-concentrate. Dalawang beses siyang sumemplang at natumba.

"Must be a very special girl kung para kang namamalikta diyan," tukso ni Vince.

Napaubo si Pierre. "Special? Malabo. She's actually... irritating."

Irritating? Pero ang sama ng tingin niya sa legs ng babae kaninang nagpakamalan niyang kakilala.

"Interesting. Wala pang babaeng nagparamdam ng irritation sa iyo. She must be really special then, whoever she is."

"Hindi nga siya special. Ang kulit mo."

"Kamusta na pala kayo ni Gisela? Nag-uusap pa ba kayo?"

Si Gisela ay isang German-Filipino na ipinakilala ng kanyang Tito Arn noong nagbakasyon silang mag-anak sa Europe. Arn was his gay uncle who married a gay Dutch-German lawyer. Nakatira ang mga ito sa Germany.

"Nah. I don't think long-distance relationships will work for me."

May isang linggo din yatang nag-date sila ni Gisela nang nasa Germany siya. Nagkasundo silang magtawagan at mag-usap online nang pauwi na ang pamilya niya sa Pilipinas, pero hindi rin natupad.

"Sabi naman ni Tito ay ready na magpakasal ni Gisela."

"Kasal? Bakit ako ang sinasabihan mo ng ganyan? Kung kasal pala agad ang gusto, sa iyo dapat inireto si Gisela kasi mas matanda ka sa akin."

Tumawa si Vince. "Homecoming queen daw si Gisela kasi, alam na ng pamilya natin na type mo ang mga beauty queens."

"Sinabi nang nagkakataon lang na ganoong mga babae ang nai-involve sa akin."

"Right."

Sumimangot si Pierre. Hindi na talaga siya natutuwa sa bansag sa kanyang Tirador ng Beauty Queens.

Tumalikod din si Vince mula sa dagat at hinarap si Pierre. "Anyway, sino itong special girl pala? Is it Nicci Forteza? Nagkakilala na ba kayo? Sabi mo, kilala mo ang kapatid niya, hindi ba?" pangungulit pa nito sa kanya.

"No, not Nicci," parang wala sa sariling sagot ni Pierre.

Okay, seriously, what was happening to him? This irritating girl had been occupying his mind for the last few days.

At mas lalo siyang naguluhan nang gabing iyon habang pinapaligaya niya ang sarili dahil ang naiisip niyang kaulayaw ay walang iba kundi si Amari.

Kadalasan kapag nagsasarili si Pierre ay nanonood siya ng porn para pampagana. That or he was imagining wild scenarios like harem, or orgy. Mabilis na lang niyang nailalabas ang init ng katawan kapag ganoon. But tonight was different. Nanonood siya ng porn sa kanyang laptop nang bigla na lang niyang naisip si Amari. He suddenly craved for her long legs, smooth skin, and perfectly-sized boobs.

Charmed Too Deep (Wattys 2024 Grand Prize winner)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon