Part 14

33.2K 893 96
                                    

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


Hey, everyone! So sorry for the long delay. At gaya ng sinabi ko dati, heto na po ang new title and cover ng Gayuma. Bakit ko pinalitan? Honestly, hindi ko na masyadong bet ang Gayuma, it sounded too magical and parang fantasy kasi ang dating, hindi sexy. Haha! And also, I am planning to write spin-offs of this so parang magiging Gayuma series na siya, ganern. 

I am planning to self-publish this story sometime this year. Please follow my Facebook page for future info. Just search TheMandieLee on Facebook. Also, my book Seduce Me Now, Marry Me Later is still available in paperback and ebook. If you want to purchase, kindly message me. Thank you so much! 


*****



KAUSAP ni Amari sa messenger ang seller ng Grandma's Cauldron habang nasa opisina siya. Sinabi niya dito ang dilemma.

Seller: Pero interesado ba siya sa iyo bago mo siya nagayuma? tanong ng seller.

Amari: Naku, hindi! Magkaaway nga kami. Kaya nagtataka ako bakit parang ang init ng tingin niya sa akin kanina. O, baka guni-guni ko lang? Baka lasing siya.

Seller: O baka naman may atraksiyon na talaga siya sa iyo dati pa.

Tuksong nagbalik sa alaala ni Amari iyong eksenang inamoy ni Pierre ang pabangong bigay nito sa kanya. How he talked so softly to her, how he gazed at her lips. Gusto ba siya nitong halikan noong mga sandaling iyon? At iyong gusto siya nitong isayaw, iyong paghalik nito sa kamay niya. May ibang kahulugan ba ang mga iyon?

And her wild dream, of course! Baka pagpaparamdam iyon ni Pierre na nagnanasa nga ito sa kanya?

Amari: Pero imposible!!!

Oo, tatlong exclamation points talaga iyon para intense.

Seller: Sinabi ko na sa iyong hindi iyon tatalab sa lalaking walang interes sa iyo.

Nganga si Amari. So ibig sabihin niyon ay may interes nga sa kanya ang impaktong iyon? Akala ba niya si Nicci ang gusto nito? Ang lutong pa nga ng pagkakasabi nito noon na hindi siya nito type.

Amari: Iyang 'interes' na sinasabi mo, puwedeng hindi iyong klase ng interes na romantic?

Kung may interes man sa kanya si Pierre, malabong romantic interest iyon. Baka nawiwili lang ito sa kanya kaya trip na trip siyang asarin.

Seller: Oo. Gaya ng sabi ko sa iyo sa una, puwedeng mag-umpisa sa ibang bagay ang lahat. Siya iyong lalaking napanaginipan mo, tama? Sigurado ka bang hindi siya ang totoong gusto mo?

Gustong mag-ala-biktima si Amari sa horror movies at magsisigaw nang pagkalakas-lakas.

Amari: Yes, siya ang lalaking napanaginipan ko. And no, hindi siya ang gusto ko. Anyway, may pangontra ba kayo sa gayuma? Like kung gusto ko nang mawala ang bisa niyon sa pinagbigyan ko? Antidote, ganoon.

Charmed Too Deep (Wattys 2024 Grand Prize winner)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon