Part 3

27.6K 1K 156
                                    


GULAT na sumulyap kay Amari si Pierre. "H-ha?"

"Itigil mo ang kotse, bababa na ako," sabi niya rito. 

"What, why? Wala pa tayo sa barangay Asuncion," nagtatakang tanong ng lalaki.

"B-basta, para na!" Humawak si Amari sa handle ng car door.

Itinigil ni Pierre ang sasakyan sa tabi ng kalsada.

"Gago ka, anong balak mo sa akin? Hindi ito ang daan patungo sa barangay namin!" sigaw ni Amari saka dali-daling bumaba ng kotse.

"Hey!" sigaw din nito sa kanya, humabol.

"Lumayo ka sa akin, manyak!"

Naghanap siya ng maibabato mula sa daan pero puro lupa lang iyon. Tatakbo na lang siya.

"What the hell are you talking about? Shortcut ito, hindi lang masyadong dinadaanan ng mga motorista dahil hindi pa sementado ang kalsada."

Napatigil si Amari.

"Hindi ka tagarito, ano?" hula ni Pierre.

Kahit napahiya ay taas-noo niya pa ring liningon ito. "E, bakit kasi wala ka man lang pasabi na dadaan tayo sa shortcut?"

"Akala ko alam mo ang daan na ito. Bakit ba lagi mo na lang akong pinagbibintangan? Una, magnanakaw, tapos ngayon manyak naman? Actually, you called me manyak twice already! Mukha ba akong may halang na kaluluwa?"

Humalukipkip si Amari. "M-malay ko ba? Nag-iingat lang ako, 'no? Mahirap na."

"Iniisip mong gagawan kita ng masama kaya tayo dumaan dito?"

"Nahuli kitang tumingin sa legs ko!" Inikutan niya ito ng mga mata.

"You have nice legs, of course I'm gonna look. That doesn't mean babastusin na kita. For the record, Miss, hindi kita type."

"Hindi rin kita type!"

"Good. The feeling's mutual then. So, paano? Iwanan na kita dito?"

"Teka lang!" mabilis na pigil ni Amari bago pa ito makatalikod. "H-hindi ko alam ang daan pauwi. Tama ka, hindi ako tagarito, taga-Mabinay talaga ako, kelan lang ako lumipat dito sa Estrella."

Walang imik si Pierre na pinagbuksan siya ng passenger seat.

"Ibang klase," she heard him muttered before he started the car. "Baka may taumbayan na namang naghihintay mambugbog sa akin pagdating natin sa inyo?"

"Wala."

"May itak ang tatay mo?"

"Wala na akong tatay."

Hindi mapakali si Amari sa kanyang upuan, paano ay ang uhaw na kanina pa niya nararamdaman ay parang nadoble. Literal nang natutuyuan siya ng lalamunan. Kung bakit hindi siya nakabili ng tubig sa street vendor.

"Are you okay?" sita ni Pierre.

Tumango lang siya, pero hindi niya napigilan ang mapahawak sa lalamunan. Hindi rin niya naiwasang muling mapatingin sa water bottle na nakalagay sa cup holder ng kotse.

"Gusto mo ng tubig?" hula ng lalaki. Iniangat nito ang water bottle. "Here, have some."

"Ayoko nga niyan," nakangiwing tanggi ni Amari.

"Wala akong sakit. May Kleenex sa glovebox, punasan mo ang rim kung gusto mo."

"Ayoko pa rin."

"Walang roofie iyan. Tigilan mo na iyang pagdududa mo sa akin, hindi ako masamang tao."

Charmed Too Deep (Wattys 2024 Grand Prize winner)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon