---DAY 7 pt. 3

80 6 7
  • Dedicated kay Paul Christian Baclayon Camomot
                                    

DAY 7 pt. 3

[Nimfa's POV]

"Ate sige na naman oh! Kahit waitress o dishwasher o kahit ano pa pong gusto niyong ipatrabaho sa akin ok lang po."

"Naku iha. Wala kaming mabibigay na trabaho sa iyo. Pasensya na."

"Ate! (Sigh)"

Hay buhay! Kanina pa ko naghahanap ng trabaho, wala pa ring tumatanggap sa akin. Sino ba kasing umimbento nitong pera at kailangan ko pa itong problemahin. Naku!

Napaupo na lang ako sa bangko sa labas ng isang sari-sari store.

Napabuntong-hininga na naman ako. Tumingin ako sa paligid at napa-hay na naman ulit. Kahit konti man lang, makatulong sana ako kay mama sa gastusin. Kung hindi sana NANGYARI yun.

Maya-maya pa ay tumunog ang telepono ko. Agad ko naman itong sinagot.

"He-"

"Anak, di ba sinabi ko na sa'yong di mo na kailangan maghanap ng trabaho. Kaya ko na to."

"Si Josephine siguro nagsabi sa inyo ma noh? Ma, pagbigyan nyo na ko. Eh ayoko kasing nakatunganga lang sa bahay eh. Pakiramdam ko tuloy wala akong silbi. Hayaan nyo na akong makatulong sa inyo kahit konti man lang."

"Nimfa, may silbi ka. Binabantayan mo naman si Isay sa bahay. At tsaka, wag mong intindihin ang gastusin natin nak. Kinakaya ko naman ang pagiging DH eh. Kung magtatrabaho ka, sino namang mag-aalaga sa kapatid mo? Hay. O sige na. Umuwi ka na. Hanggang dito na lang ako. Mahal kasi ang overseas call. Ikumusta mo na lang ako sa kapatid mo. Mahal ko kayo."

"Sige ma. Bye."

Dating nurse si mama pero dahil kailangan namin ng pera para sa therapy ng kapatid ko, kinailangan niyang makipagsapalaran sa ibang bansa. Hindi naman kasi kalakihan ang sweldo ni mama nung nurse pa siya dito sa Pinas kaya naisipan niyang mag-abroad. Ang tatay ko naman... Ewan ko ba kung ano nang nangyari sa kumag na yun. Ilang taon na ang nakalipas, nalaman na lang namin na pangalawang pamilya niya kami, na kabit lang ang mama ko. Kaya nagdesisyon si mama na kami na lang ang lumayo kaysa humantong pa sa gulo ang lahat. Tama na nga tong madramang life story ko. Unang POV ko pa nga lang masyado na kayong maraming nalalaman XD

Bago ako tumayo sa kinauupuan ko ay naisipan ko munang tawagan ang sumbungera kong kaibigan.

"Mars! Napatawag ka? May emergency ba? Oh kamusta ang job hunting?"

"Wag mo nga akong makamusta-kamusta dyan! Bat mo ko sinumbong kay mama?"

Tumayo na ako.

"Sorry mars. ;p Bigla na lang kasing nagtext kasi ang mother dear mo sa akin. Kasi nga, di ka raw sumasagot sa mga text niya. Eh nadulas ako. Yun! Nasabi ko na wala ka dito sa bahay nyo. Na naghahanap ka ng trabaho."

"Hay nako. Wala na tayong magagawa diyan. O sya, sya. Uuwi na ko."

Binaba ko na ang tawag.

(Kumalab ang sikmura)

Shoot. Nagugutom na ko. Eh kasi di pa ko kumakain ng tanghalian eh. Tapos maghahapunan na rin. Dadaan na lang siguro ako sa palengke para mamili ng lulutiin.

(Kumalab ulit)

Naku! Heheh...

"ATE NIMFA!"

Bago pa ako makahakbang, may narinig akong isang pamilyar na boses. Isang boses na hindi ko gustong marinig. Isang boses na gusto ko nang kalimutan.

LOVE AND A MONTH --- (Needs Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon