---DAY 6 pt. 3

127 8 5
                                    

DAY 6 pt. 3

[Gian's POV]

Para akong baliw. Bigla-bigla na lang ngumingiti habang nagdadrive. (Giggle) SIGN OF FRIENDSHIP daw. Siguro by this time, naiinis na yun sa akin kasi bigla ko siyang hinalikan XD. Pero parang nabigla rin ata ako sa ginawa ko. I mean, bat ko ba nagawa yun? Was it a rush of emotions or was it a rush of hormones? Haha...

Hmmm... (Tumingin sa relo) Tutal nasa labas na naman ako, bumili na lang kaya ako ng lulutuin for dinner. Siguradong malelate na naman sa pag-uwi si daddy.

Teka... Di ko pa pala kabisado ang lugar. San bang super market dito. Makapagtanong nga.

Pinark ko muna yung kotse ko sa may parking lot malapit sa plaza.

(Naghahanap ng mapagtatanungan)

Linapitan ko ang isang ale.

"Uhhmmm... Excuse me. San po ba may malapit na super market dito?"

"Super market ba kamo? Eh malayo-layo pa mula rito. Kung nagmamadali ka naman, malapit lang dito yung palengke."

"Ganon ho ba? Eh, pakituro naman po kung san yung palengke?"

"Ahh... Ehh... Mula dito... Ahh... Kumaliwa ka tapos kumanan ka tapos... Ehh... May makikita kang bahay na blue tapos diretso lang sa... kanan, sa kanan? (Kamot sa ulo) Oo sa kanan,  hanggang makarating ka sa... Ahh... kantong may puti, puti ba yun o green, ah basta may poste kang makikita tas dirediretso lang, yun nasa palengke ka na. Ayun! Klaro naman siguro di ba? Sige alis na ako iho. Nakatulong sana ako sa'yo.."

Nakatunganga ako. Wala akong naintindihan sa sinabi niya. Di yata siya sigurado sa mga pinagsasabi niya. Puro na lang ahh at ehh yung sinasabi eh. Hay naku! Makapagtanong na nga lang sa iba.

I searched for another person to ask. Hmmm... Ayun! Siguro ito, matino na tong kausap.

Tinawag ko siya habang papalapit ako sa kanya.

"Miss..."

Hindi yata niya narinig.

"Ah Miss!"

Hindi pa rin eh.

Nasa likod na ako ng babae so I decided na kalabitin siya.

"(Kalabit) Ah mi... (Humarap ang babae)"

It was a moment of silence. We stared at each other for quite a while until I snapped out.

"A-a-ate Nimfa? Ikaw ba yan?"

She was still, in a state of shock. Si Ate Nimfa ba talaga to?

"Ate Nimfa?"

"(Lunok) Si-sino ka? Hindi kita kilala at tsaka hindi ako si Nimfa. Wala akong kilalang ganun."

Lumakad siya palayo. I grabbed her shoulder.

"Teka."

"Bitiwan mo nga ako! Hindi ako yung hinahanap mo."

Pilit nyang inalis ang kamay ko sa balikat nya. At naalis naman ito.

I grabbed her again, this time sa braso.

"Ate Nimfa, teka lang."

She took off my hand.

"Ano ba! Bingi ka ba o sadyang bobo ka lang.  Hindi nga ako yung Nimfa-ng pinagsasabi mo!"

Tanggi nya sabay takbo.

Hinabol ko siya. This is my chance to clear my mind about THOSE THINGS.

LOVE AND A MONTH --- (Needs Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon