DAY 4
[JK's POV]
THUD!THUD!THUD!
Tunog ng bawat steps ko. Hinihingal na ko. Kanina pa ako nagjojog eh. Naikot ko na ata ang buong subdivision sa kakatakbo.
I stopped. Placed my hands on my waist at yumuko. Still breathing heavily. Nakakapagod! Whew! Tumingala ako at pinunasan ko ang pawis ko. Basang basa yung bimpo. Pinikit ko ang mga mata ko tapos dumilat ako. May nakita akong isang babae. Nakacross arms siya. Teka, si Jek-jek ba yan?
"HOY JK! 7:30 na!"
Kapatid ko nga. Sa sigaw pa lang alam ko nang siya yun.
Tinignan ko ang watch ko. Shoot, 7:30 na nga. Dali-dali akong lumapit sa kanya. Binatukan ko siya :P
"Ouch! Ang sakit nun ha!"
Nanlisik ang mga mata niya.
"Di ba sabi ko sa'yo, tawagin mo ko pag 6:30 na?"
"I tried to! Pero di ko keri hanapin ka noh! Ang huge kaya ng subdivision. Keya, nagprepare na lang ako for school."
"Uy Jek! Ayusin mo yang pananalita mo. Dikit ka kasi ng dikit sa Ericang yan. Tignan mo, naiimpluwensyahan ka na."
"Kuya naman eh! Gora na tayo... And stop calling me that name it's so jologs. Eww! Call me by my real name nga, Jean Klodette. It's sossier than that Jek-jek somethin na yan."
"Sossy sossy ka dyan. Lakad na. Baka umalis pa si paps wala pa tayong masakyan. "
"Hmp >.<"
Naglakad na kami ni Jek-Jek papunta sa bahay.
By the way, ako si JK, ang gwapong jock ng FMA :D. Yun naman ang bunsong kapatid ko si Jek-jek. Parang clone ni Erica kaso nga lang mas masungit. May ate pa ako, nasa city siya, kumukuha ng masteral degree. Umuuwi siya dito every weekends. Masasabi kong may kaya ang family namin. Mams ko nasa abroad, mataas ang position sa isang bangko doon. Paps ko naman may-ari ng isang fast food chain dito. Masaya naman pamilya namin kahit malayo si mams sa amin. She always makes sure na nakakauwi siya once a year. Si paps naman palaging nagseset aside ng time para sa family. Umuuwi siya every evening to have dinner with us. Pag andito naman si mams nagleleave siya sa trabaho para makapagbakasyon kami. Ganun kafamily-oriented ang parents ko.
Nakarating na kami sa bahay. Pumasok kami. Umuna na si Jek-Jek sa dining room tapos pumunta naman ako sa room ko. Nagshower and then nagbihis. Later, bumaba ako at pumunta na rin sa dining room.
"JK umupo ka na at kumain. Aalis na tayo mamaya."
Paps told me.
I pulled a chair beside my sister and sat down. I started dunking bacons in my mouth.
"San Pascual for 2 points! (Subo) Woohoo! The crowd started to cheer!"
"Kuya, don't play with the food."
"I'm not playing!"
Sabi ko ng may laman ang bibig.
"JK..."
Linunok ko ang food.
"Opo paps."
Binaba ni paps ang dyaryo na binabasa niya. He got his cup and drank his coffee.
"Sya nga pala, how are doing with Amber?"
"Paps!"
I moaned.
"What!? I'm just asking..."
"Naku paps, kebs si ate Amber. Loser kasi etong si Kuya eh."
"Talaga lang ha, eh ikaw?"
BINABASA MO ANG
LOVE AND A MONTH --- (Needs Editing)
JugendliteraturGian has a boring life. Parati siyang nagtatransfer ng school dahil sa work ng father niya. Dahil dito, wala siyang friends, pati nga girlfriend wala siya. Sa paglipat niya sa kanyang bagong school, makita na kaya niya ang babaeng para sa kanya at k...