---DAY 6 pt. 2

179 10 15
                                    

DAY 6 pt. 2

[Amber's POV]

Weekend ngayon. Saturday to be exact. And kailangan kong pumasok sa part-time job ko. Yup, that's right! May part-time job ako every weekend sa isang flower shop dito sa amin. Cashier lang ako doon. Maliit lang ang sweldo kasi nga every weekend lang ako pumapasok. Pero mabuti na rin yon. Kahit papano ay nakakatulong naman sa mga gastusin ko sa school.

Teka san na ba si tiyang? Naku magnanine na malalate na ko neto.

"Tobby iwan na lang kita dito ha, kailangan ko na talagang pumasok."

Pakiusap ko sa pinsan kong ayaw mag paiwan.

"Ate Amber, wag mo kong iwan huhu, TT_TT... Takot ako mag-isa eh."

Pagpupumilit ni Tobby.

"Malaki ka na. Big boy ka na nga eh. Di ba nine years old kana? (Tumango si Tobby) O di ba? Ang mga big boy di na yan natatakot mag-isa."

"Weee? Eh bakit ako takot? :P"

Pang-asar na tabatchoy na to oh. Late na ko sa trabaho. (Kamot sa ulo) Bad trip.

"Naku Tobby, malelate na ko. Aalis na talaga ako."

"Ate Amber naman oh! Ehhhhh....(Sabay hila ng braso)"

"Tumigil ka nga Tobby. (Hinihila pa rin ako) Sinabing tigi-"

"WAAAAAAHHHHHHHHH! (Sniff) hee-heee.... WAAAHHH T__T"

Natulak ko si Tobby. Natumba siya. Naku kawawa naman ang pinsan ko.

Agad ko siyang linapitan at pinatayo.

"Okey ka lang? (Patuloy pa rin siya sa pag-iyak) Ui?"

"Bad ka ate (punas sipon) Amber. Tinulak mo koooooo..... Waaahh (tuloy sa pag-iyak)"

Punas siya ng punas sa luha niya gamit ang kanyang kamay. Hinimas-himas ko naman yung likod nya ayaw kasing tumahan eh.

"Tahan na oh. (Pause) Sige na di na ko aalis."

Tumahan siya. He peeked sa nakatakip niyang kamay.

"Talaga ate Amber?"

Tanong niya.

"Oo sige na di na kita iiwang mag-isa."

He uncovered his eyes. Sniffed. Looked at me. Aww ang cute naman ng chubby kong insan.

"Promise? Pinky promise?"

"Oo pinky promise."

Nag-intertwine yung mga kalingkinangan namin tapos nagsmile siya.

"Walang bawian ate Amber ha."

Tumango ako tapos bigla na lang siyang tumawa.

"Hahahaha, iyak lang pala katapat netong si Ate. Bleh, bleh, bleh , bleh, bleh (pakanta) hahaha. Uto-uto :P"

Hmmmmmp >.< Nakakainis. Umiinit na ulo ko sa batang 'to!

"Ahh, arte lang pala yun ha! Pwes makakatikim ka sa kin! @^^^@"

Kumaripas siya ng takbo. Hinabol ko siya. Naghahabulan na kami sa buong bahay. Whew! Kahit mataba 'tong bata na to ang bilis tumakbo di ko mahabol-habol o sadyang tinatamad lang talaga akong humabol. Napaupo na lang ako sa sala habang inaasar niya ako mula sa may pintuan ng kwarto.

"Naku Tobby, humanda ka sa akin mamaya (tumayo ako at naglakad papunta sa pintuan papalabas) Aalis na lang ako bahala ka sa-"

Nakalock. Nakalock ang pinto. Kinandado ng tabatchoy ang pinto. Nakow!

LOVE AND A MONTH --- (Needs Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon