---DAY 1 pt. 1

508 24 18
                                    

DAY 1 pt. 1

[Gian's POV]

KRRRIIINGGGGGGGG!!!

Kakarating ko lang sa school. Magsastart na ata ang classes. Hindi ko pa alam kung saang room ako papasok. Wait, check ko dito... Wala. Dun kaya? Wala pa rin. Hmm... San kaya?

First day ko ngayon dito sa Francisco Muñoz Academy kaya hindi ko pa kabisado ang lugar, well, obvious naman diba. Actually, two months ago pa nagstart ang classes which means transferee ako. By the way, this is my 8th time transfering school dahil sa work ng daddy ko and alam nyo, IT SUCKS. Sawang-sawa na' ko kakalipat ng school pero ano ba ang magagawa ko, anak lang ako. I don't have any power against my dad. Siya talaga ang nasusunod. I guess that's life. Hayyy =.=

Maybe that's the one. Mabilis akong naglakad papunta sa room nang —

"Aray! Mag-ingat ka nga sa dinadaanan mo. TANGA."

Sigaw ng babaeng nakabangga ko. At tinawag pa talaga akong tanga ha...

"Miss, baka ikaw yung tatanga-tanga dyan. Kita mo namang nagmamadali ang tao eh, sana ikaw na lang yung umiwas."

"Kapal mo rin noh? Bakit ikaw ba ang may-ari ng hallway na to? At bakit ka ba nagmamadali eh 8:30 pa magsastart ang klase."

"(Giggle) Tanga ka nga. 8:30 na kaya."

"Ha? Eh bakit hindi ko narinig yung bell?"

"Aba ewan ko sa'yo."

Tumingin siya sa relo niya. Pinipigilan kong tumawa. Nakakatawa kasi yung expression sa face niya. Kumulubot yung mukha niya sa panic tapos nashock siya pagkakita niya sa oras sa relo niya. Nakakatawa talaga XD

"Naku! 8:30 na nga."

Sa sobrang panic, nakalimutan na ata niya kung san siya papunta.Tumakbo siya sa kaliwa tapos bumalik pakanan. XD Hindi ko na talaga kayang pigilan ang tawa ko. Humagikhik ako ng malakas. Lalo ata siyang napikon sa pagtawa ko at binangga ako sabay sabi ng...

"May araw ka rin sa akin ASUNGOT ka!"

"Hihintayin ko yon!"

I shouted back. What a funny girl. I hope mameet ko pa siya some other time. (Smiling)

Oo nga pala hahanapin ko pa ang room ko. Papaalis na ako nang may nakita ako sa floor. Teka, ano to? Pinulot ko ang bagay na nakita ko. SUSI? Nahulog nya ata to pagtakbo nya. (Smiling again) Ang tanga-tanga talaga. Maitago nga. I'm sure hahanapin niya to. Hayyy, mahanap na nga ang class ko.

[Amber's POV]

Ano ba yan! Late na ko. By this time tapos na ang homeroom so malamang English na. English... ENGLISH! O.O Patay. Sana wala pa ang teacher namin. Kasalanan ito ng lalakeng yun! May araw rin siya sa akin. HMP! >.<

Nakakahingal nang tumakbo. Haaa... haaaa... Nakikita ko na. Room 4 - A ... Ayan na... Malapit na... This is it... YES! (binuksan ang pinto)

"Miss Ambrosya Dominggo! YOU... ARE... LATE!"

Syet, andito na pala si Mrs. Morales. Ang Terror Teacher ng FMA (Francisco Muñoz Academy). Masungit, strikta at ang lakas mangminus. x_x

"Ahhh... Mham... Soho.... Sorry (hinihingal pa rin). Nakalimutan ko po kasing one hour late pala yung wall clock ko. Hindi ko pa po napapaayos eh pero mam promise ko next time na hindi na po ako magpapa ...AY BUTIKI!"

Nagulat ako sa sigaw ni Mrs. Morales. Tinatawan na ko ng mga kaklase ko. Nakakahiya.

Narinig ni Mrs. Morales ang mga tawanan at tumingin sya sa mga classmates ko. Sit straight kaagad sila lahat. Terror nga tong teacher na to.

"That's not a valid excuse Ms. Dominggo. At dahil dyan you'll get a double minus."

"Pero—"

"Wala nang pero-pero Ms. Dominggo kung ayaw mong triplehin ko pa ang minus mo!"

"Yes mam, uupo na po" T_T

"Good."

Ampf! Kung wala lang akong pinapangalagaang scholarship, matagal ko nang sinabunutan ang walang awang teacher na ito. Nakuuuuu! Hay, wala naman akong magawa kaya uupo na lang ako. Kung hindi lang talaga sa ASUNGOT na yun, di sana ako late ngayon.

TOK! TOK! TOK!

Parang kakaiba ang nararamdaman ko ah. Sino kaya ang kumatok?

"I'll leave the class for a while to check who's outside. Prepare your books, we're going to use it for our activity today. BEHAVE OK?"

"Yes mam." (lahat)

Lumabas si Mrs. Morales. Nagsimula nang umingay ang room. Parang nakawala sa mga hawla nila ang mga kaklase ko. Hay salamat. Makakahinga na rin kami ng maluwag. FRESH AIR! Hmmmmmm....

"Hoy best, oks ka lang?"

Tanong ng bestfriend kong si Erica.

"Ok lang best. Parang hindi na kayo nasanay kay Mrs. Morales, since the beginning of time ganyan na talaga yan. Good for me, pang-unang beses ko pa yon."

"You better watch out best ha! Baka mag-enjoy na yang teacher na yan kakaminus sa'yo tapos madanger pa yang scholarship mo, graduating pa naman tayo."

Nagsmile ako kay Erica. Of course di ko papabayaang mawala ang scholarship ko. Ito lang kasi ang tanging paraan upang maiahon ko sa hirap ang pamilya ko. Di ko yata kayang mawalan ng scholarship. Madedepress talaga ako.

Bumukas ang pinto at pumasok na si Mrs. Morales. Silent mode ulit ang class.

"Halika iho, pumasok ka."

May new student? Sino kaya to?

Pumasok na ang new student sa room. Matangkad siya, maputi at gwa... Teka? Di ba siya yung ASUNGOT kanina?

"Class, meet your new classmate, Mr. Gian Villafuerte."

SIYA NGA!

"I expect all of you to be friendly with him. Is that understood?"

My classmates started murmuring. Ang iingay ng mga girls sa kanan. Kilig na kilig sa ASUNGOT na to. Yung mga boys naman interesado atang isali siya sa kanikanilang mga team. Nakakainis. Pinag-uusapan siya ng lahat.

"Uy best gwapo siya ha. Type ko siya."

" Hehe... >.<... sa inyo na sya wala akong interes sa ASUNGOT na yan."

"Parang iritang-irita ka sa new student ah. Nagmeet na ba kayo?"

I just ignored Erica. Ayokong pag-usapan ang lalakeng yon.

Lalo pang umingay ang klase. Hindi nila namalayang galit na pala si Mrs. Morales.

"SIIIIIIIILLLLLLEEEEEEEEEEEENCE!"

Gulat, sirado bibig at nakatingin kay Mrs. Morales ang buong klase.

"All of you will get a minus in behaviour. Kanina pa ako nagtatanong dito walang sumasagot. I said gusto ko lahat kayo maging friendly kay Mr. Villafuerte. IS THAT UNDERSTOOD CLASS?"

"YES MAM" (lahat)

Grabe talaga ang powers ng teacher na to.

Hmm.... Kaya pala kakaiba ang feeling ko kanina. Magiging new classmate ko pala ang ASUNGOT na lalakeng ito. Well I guess, MAY MASAMANG MANGAYAYARI SA ARAW NA ITO...

LOVE AND A MONTH --- (Needs Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon