DAY 7 pt. 1
[Gian's POV]
SPLASH!
I lifted my head and faced the mirror. Tapos pinunasan ko ng towel ang basa kong mukha.
Ang raming nangyari kahapon. It was a tiring day for me. Now, all i need to think and do is to enjoy, enjoy, enjoy and ENJOY. Palitan lahat ng bad vibes at gawin itong good vibes. Dapat maaliwalas ang aura ko ngayon. Kalimutan muna ang problema at subukang ngumiti at tumawa 'cause today will be a great day for me.
I took a bath, nagbighis at lumabas ng room. Then i went directly to the kitchen.
I stepped in to get some coffee. Dad was preparing breakfast at the other side of the kitchen. Ang tahimik ng atmosphere. It was obvious na awkward kami dahil sa nangyari kahapon.
"May lakad ka ba ngayon?"
I started as i was pouring coffee into my cup.
"Wala naman."
Yun ang tangi niyang sagot.
Tumahimik na lang ulit ang paligid. He set the table for breakfast at naupo na rin ako. Sumunod siya and he broke the silence.
"I'm sorry."
I took a glance at him while sipping my hot coffee.
"I'm sorry for what i've said yesterday. I was out of my mind siguro dahil na rin sa sobrang stress. Gian, gusto kong makabawi sa'yo. Di ba sabi ko kahapon na i'll make it up to you. So what about i'll make it up to you today? How's that?"
He continued.
Pinatong ko yung kape sa table at napabuntong-hininga ako.
"Time out muna tayo dyan dad. Ayokong umasa. Baka mamaya may emergency na naman. Tsaka I already have something ahead for this day. Palamig muna tayo ng mga ulo. Wala pa ako sa mood ngayon eh."
I drank the rest of the coffee tapos tumayo na papaalis.
"If nagtatampo ka dahil aalis ulit tayo by the end of the month, sige gagawan ko yan ng paraan. I'll try if we can extend our stay here pero Gian, let's fix some things first."
Nakatalikod na ako.
"Di mo pa rin ako nakukuha dad eh. Mabuti pa usap na lang tayo mamaya pag malinaw na yang pag-iisip mo at malamig na tong ulo ko."
Kinuha ko muna yung phone at wallet ko sa bedroom tapos umalis na ako.
Hina talaga ni daddy tagal makagets. Matino naman yung usapan namin kanina pero nagtatampo pa rin ako eh. Palilipasin ko muna itong sama ng loob na nararamdaman ko at tsaka na ko makikipag-usap ng maayos sa kanya.
Nasa labas na ako ng hotel at nagsimula na akong maglakad papunta kina Amber. Di ko muna dadalhin yung sasakyan ko. Gusto ko lang manglakad o sumakay ng jeep o tricycle na kasama siya.
Nakarating na ko sa plaza at bigla na lang may tumakbong babae papunta sa akin. She hugged me tight at nagpa-ikot-ikot kami sa kinatatayuan namin. Ang bilis ng mga pangyayari kaya hindi ko siya namukhaan. Teka sino ba to?
Pumawala yung babae at hayun! Si Erica lang pala. Haha lakas talaga makatsansing neto oh.
"Hi Papa Gian! :) Pakiss nga. Hehe..."
Nung paaksyon na siyang kumiss linayo ko ang mukha niya gamit ang isa kong kamay.
"Nakakarami ka na ah! Dumadalas na yang pananantsing mo. Haha"
"Ay nanotice mo? Gusto mo araw-arawin ko? XD"
Pagbibiro naman niyang tugon. Tumawa kami ng malakas at sumabay na siyang maglakad sa akin.
BINABASA MO ANG
LOVE AND A MONTH --- (Needs Editing)
Підліткова літератураGian has a boring life. Parati siyang nagtatransfer ng school dahil sa work ng father niya. Dahil dito, wala siyang friends, pati nga girlfriend wala siya. Sa paglipat niya sa kanyang bagong school, makita na kaya niya ang babaeng para sa kanya at k...