DAY 3
[Amber’s POV]
“Seriously? Gardening club?”
Tanong ni Gian (oo, that’s right. Nasasabi ko na ang name niya pero di pa rin kami bati noh! >.<) habang nagseset-up ako ng stall namin.
“Seriously, seriously ka dyan! Eh wala namang masama sa gardening club ah. I think pa nga it’s interesting."
“Interesting mo yang mukha mo! Di na ko nagtataka kung bakit ang konti-konti lang ninyo.”
“Hmp. Ewan ko sa’yo.!”
Sabi ko sa kanya nang biglang—
“Ouch!”
Wow sosyal, ouch talaga. Pero huhuhu T_T napukpok ko yung daliri ko.
“Yan kasi di kasi nag-iingat eh.”
Sabi ng ASUNGOT na Gian.
“Di nag-iingat pala ha!”
Sinugod ko siya dala ang martilyo. Tumakbo siya. Hinabol ko. Bwahahaha! Lagot ka sa’kin ngayon. (evil)
“Hoy! Mag-ingat ka nga sa dinadala mo baka makatama ka!”
“Eh, sabi mo di ako nag-iingat eh. Di talaga ako mag-iingat dito! TAAAKKBOOWW!”
Naghahabulan pa rin kami. Tapos bigla na lang siyang huminto at inagaw ang martilyo sa kamay ko. This time nag-aagawan naman kami.
“Ayyiee... Ang sweet nila oh.”
Tukso ni Gabby. 4-A. He’s the PRO of our club.
“Tumahimik ka nga Gabby. Akin na yan ASUNGOT ka!”
Sigaw ko.
Dumating si Monique. 4- B. Siya yung treasurer na nakawala ng pera ng club. Pero ayos naman kami. Di naman namin siya sinisi sa nangyari.
“Anong kaguluhan ang nangyayari dito?”
Nag-aagawan pa rin.
“Titigil ka, o sasabihin ko sa—“
Tinakpan ko ang bibig niya. Alam ko na kung ano ang susunod niyang sasabihin.
“Oo na. Oo na. Titigil na. Tumahimik ka na dyan. Akin na nga yan.”
BINABASA MO ANG
LOVE AND A MONTH --- (Needs Editing)
Подростковая литератураGian has a boring life. Parati siyang nagtatransfer ng school dahil sa work ng father niya. Dahil dito, wala siyang friends, pati nga girlfriend wala siya. Sa paglipat niya sa kanyang bagong school, makita na kaya niya ang babaeng para sa kanya at k...