Entry#3.3

6.9K 84 4
                                    

eto na yung kasunod :)

haha... i'm so happy... 120+ na yung reads ng story... wala pang one week na nakapost... *clap clap* salamat sa inyong lahat ah...

(tingin sa right ayan yung dress na nabili niya)

---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Naalalayan ko si sena kaya hindi siya natumba, yung nabangga niya lang ang natumba…

“hala ate… sorry po…”

“hindi ok lang, kasalanan ko din naman eh, masyado akong nagmamadali… hindi ako natingin sa dinadaanan ko”

“kuya tulungan mo siya”

Agad naman akong lumapit sa babae para alalayan siya

“miss kaya mong tumayo?”

“hindi masyado”

“halika aalalayan kita” inabot ko yung dalawang kamay ko para hawakan niya sa pagtayo

“ah… hindi na… kaya ko naman eh”

akmang tatayo

“aah-aray!”

Biglang siyang napaupo ulit

“sabi ko naman sayo eh…”

Tumalikod ako sa kanya

“sena alalayan mo siya’

Tapos lumuhod ako, para ipasan siya

“sakay na miss”

“hala! Wag na nakakahiya naman”

“sige na ate, sumakay ka na sa likod ni kuya…”

“oo nga… halika na… masamang pinupwersa yan, sige ka… baka makalakas ka”

“ha? G-ganun? Waaah… sige na nga ayoko makalas eh”

Pfft! Ang gullible naman niya, pero cute ah… haha sumampa na siya sa likod, at naglakad na kami papunta sa dress shop.

“may dadaanan lang kami ah… ihahatid ka naman namin, saglit lang to.. ok lang ba miss?”

“ahh.. oo naman… sige lang”

Pagpasok namin sa loob binaba ko na siya, naglakad siya papunta sa isang sulok ng shop, kahit pilay pilay lumapit naman si sena sa sales lady ng shop…

“What!? Nabili na?! kanina nandito lang yun ah?”

“bakit sena?”

“kuya rye… wala na yung dress wala na akong isusuot para bukas”

“baka may iba pa diyan, calam down”

Panay naman ang atungal ng isang to…

“try this oh”

Napatingin kami sa babaeng nagsalita, yung nabangga pala ni sena… she’s holding a gold dress… mahirap idescribe di naman ako babae eh

“wow! Ang ganda naman niyan! Bakit hindi ko nakita yan kaniana?”

“you can try that ma’am on our fitting room”

Lumapit siya sa babae, inabot naman nito ang dress sa kanya

“sige sige”

Masayang pumasok ng fitting room si sena, ngingitian ko sana yung babae, kaya lang nailang ako, may sad expression kasing nagregister sa mukha niya… kaya nagiwas na lang ako ng tingin… maya maya pa

“anong tingin mo kuya?”

Napatigin ako kay sena,  mukang mas lalo siyang pumuti sa suot niya…

“bagay sayo” sabi nung babae

Napatingin kami ni sena sa kanya… masaya na yung mukha niya ah

“t-talaga ate? Eh sayo kuya?”

“ha? Ah tama siya, bagay nga sayo”

“talaga? Ok miss I’ll take it na po”

“ok ma’am”

After namin bayaran yung dress ni sena, lumabas na kami ng shop… syempre pasan ko pa din yung babae… hanggang makalabas kami ng mall…

“saan ka nga pala nauwi miss?”

“ah eh… hindi pa kasi ako uuwi… may raket pa ako ngayon eh.. kailangan ko na pala umalis”

“ahh ganun ba? O sige, isasakay ka na lang namin sa taxi ah? By the way masakit pa ba? Sorry kanina ah”

“ahh.. ok sige thank you…ahh.. hindi na… ok na ako, w-wala yun”

Pumara na ng taxi si sena, dahan dahan kong nilapag sa loob ng taxi yung babae.

“ahm kuya, sasabay na ako kay ate ah… wala kasi akong driver ngayon, eh ayoko naman makaistorbo sayo…”

“ganun ba? Sige, ingat kayo”

Sumakay na si sena sa taxi… nagwave na ako sa kanila, nung di na sila matanaw ng mata ko, pumasok na ako sa loob ng mall, para kunin yung sasakyan ko sa parking area.

Hindi ko nga pala natanong yung pangalan nung babae… anu ba yan… nawala sa isip ko,.. argh.. theres always next time naman eh…

*NEXT ENTRY

------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

hmm.. sino nga kaya yung babae na nabunggo nila? kilala niyo ba? hahaha... abangan niyo siya sa next entry... sa entry #4

kita kits tayo dun :)

Dating gawi :)

HEARTBREAKERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon