pasensya na mga babies kung di nakapagudate kahapon... madami masyadong ginagawa eh :) pero ngayon dalawang parts ang iaupdate ko :) sana magustuhan niyo...
yung nasa right ayan si autumn... with her most awkward smile... ayan na yun... sagad na :) haha
========================================================
Autumn’s Voice
Nandito ako ngayon sa building ng condo na lilipatan ko, gusto ko na kasi maging independent.
Yung nangyari sa akinnung isang araw nung nahimatay ako, dahil lang sa sobrang kalasingan, di kasi talaga ako nainom kaya ganun, pero nothing serious kaya wag na natin ielaborate.
Balik tayo, papunta na ako ngayon sa unit ko, dumiresto ako sa elevator…
Medyo matagal ah…
Hintay….
Hintay…..
*TING* (sFX ng elevator, wag na kumontra)
Sunod sunod lumabas yung mga tao…
Nung naubos na silang lahat sa loob tsaka lang ako nakapasok…
Magsasara na sana yung elevator, ng biglang may humarang na kamay…
Pumasok ang dalawang tao na familiar sa akin… isang babae at lalaki…
Arghh! Tinaasan ko nga ng kilay…
At aba! Ang taray nitong babae na to ah… ginantihan pa ako ng taas ng kilay, asar!
Sino yung lalaki? Well si rye.. remember him?
Teka? Magkasama sila? Kilala ba nila ang isa’t isa?
Kaya pala hindi ko na nakikita tong lalaki na to, kasi may ibang pinagkakaabalahan… teka, bakit ba ganito yung tono ko… hindi ako nagseselos ah…
Oh my gosh! may nakakahiya pa nga pala akong ginawa dito… yung sa bar?
Mamaya na yan… I need to deal with this girl first…
The one and the only aleia camielle…
“look whose here” simula ko…
Tumingin lang silang dalawa sa akin…
Dedma?
“nagpapasok pala sila ng war freak dito?, control your self ah, don’t cause any trouble, maawa ka sa mga residente dito…tsk…tsk…tsk…” tuloy ko
Tinignan niya ako ng masama…
“pwede ba, itikom mo yung bunganga mo, ang baho eh… baka salpakan ko ng sapatos yan”
Palaban pa din siya ah
“excuse me, masyado ata akong maganda para sa term mong bunganga, kasi you know bunganga is used for animals only, tsaka hindi mabaho hininga ko no…”
“pake ko? Tinatanong ko ba kung maganda ka? Akala ko kasi animal ka, wala kasing pinagkaiba eh…”
Bigla naman akong napatingin kay rye, halatang naguguluhan na siya sa nangyayari
“bakit? Bawal magshare? Baka kasi hindi mo alam eh”
“bawal, lalo na hindi tayo friends, dislike”
(A/N: relate ba kayo sa “dislike”? kung may social extras kayo alam niyo yan… sa fb yan mga babies :))
“hanggang ngayon ba naman insecure ka pa din sa ganda ko?”
“HA HA HA! Meron ka ba nun? Saang banda? Bandang kuko? Yung sa patay pa at tatanggalin na lang? HA HA HA”
Ang sarcastic ng tawa ah… bwiset talaga… napipikon na ako… >.<
“bakit di mo tignan para malaman mo”
Tinitigan naman niya yung mukha ko, yung medyo nakakailang na tingin…
“puro ka make-up”
“ayan ang nagpapaganda sa akin eh”
Bigla naman siyang nag-grin
“may suggestion ako…” sabi niya
“ano naman yun?”
“kung make-up ang nagpapaganda sayo, bakit di mo subukang kainin yun baka sakali gumanda ugali mo”
“ang kap-”
“teka nga kanina pa kayo bangayan ng bangayan magkakilala ba kayo?”-rye
Ay naku rye? Nandiyan ka pala? Nakakabobo yung tanong eh…
“hindi ba obvious? Duh?”-alexia
Kahit kailan talaga tong abbae na to, walang GMRC
“yes we kno---”
*TING*
Biglang bumukas yung elevator at dirediretsong lumabas si alexia…
Hindi man lang ako pinatapos magsalita?
“bye autumn” paalam ni rye, ngumiti na lang ako…
Argh! Kahit kailan talaga ang galingniya manginis!
“may araw ka din sa akin alexia camielle!”
Ay! Bukas pa pala yung elevator >///<
At may taong nakatayo sa tapat…
“hehehe… may play kasi ako, nagrerehersal lang” I smiled awkwardly…
Pagbukas ng elevator sa next floor agad agad akong tumakbo sa unit ko…
Nakakahiya, grabe… >////<
=========================================================
tingin niyo bakit ganun na lang ang galit ni autumn at alexia sa isa't isa? haha
abangan niyo sa next update :)
BINABASA MO ANG
HEARTBREAKER
RomansaHELLO! haha.. namiss ko kayo.. now.. here's my new story... hope you like it... at take note! dont read it kung hindi kayo "open minded" may mga ilang BS kasi eh... baka hindi niyo kayanin... inuunahan ko na kayo ah... kaya nga PG13 to eh.. ok? baw...