Eto na yung karugtong :) haha… sana magenjoy kayo..
Yung nasa right ayan si autumn with her innocent look…
Whynther’s voice
Naihatid ko na si alexia, wrong timing naman kasi tong si arscha eh…
Kung di niya lang kasama si autumn, asa namang puntahan ko siya.
Nagddrive ako ng matanaw ko yung sasakyan nila, may kasamang matanda?
Hindi ko muna sila nilapitan hinintay ko munang makaalis yung matanda..
*BEEP BEEP*
Lumapit naman si arscha sa may bintana
“thank you rye for coming… nasiraan kasi kami eh”
“no prob, sakay na kayo… nagpatawag na ako ng gagawa at kukuha niyang sasakyan niyo… don’t worry kilala namin sila”
“ok, thanks talaga ha..? Autumn! Tara na”
Lumapit naman si autumn…
“teka? Ikaw yung tinawagan niya?”
“oo”
“wala akong ibang maisip tawagan eh”
“hindi ako sasakay”
“ha? Bakit?” tanong ko
“ayoko eh”
“kaw bahala, maiiwan ka diyan madami pa aman daw rapist sa lugar na to, sasakay na ako ah”
Akmang sasakay na si arscha…
“teka! Langya ka, sasakay na nga eh”
“papilit pa”-arscha
“nye nye”
Sumakay na sila, at pinaandar ko na yung sasakyan…
“saan ba kayo?” tanong ko
“pauwi na kami, hatid mo muna ako… una yung bahay ko kesa kay autumn eh”
“ok sige”
After ituro ni arscha yung direction, nakarating din kami sa kanila…
“bye guys, ingat… thanks rye ah… oi autumn… behave”
“bye, good night”
“ang kapal mo”-autumn
At nag drive na ako, magbabangayan pa eh…
“wag mo muna akong ihatid sa amin”
“saan naman kita dadalhin?”
“sa bar, kahit saan”
“ok”
Dinala ko siya sa bar , ayun una niyang sinabi eh…
Panay naman ang shot nito…
“may problema ka ba?” tanong ko sa kanya
“bakit ko naman sasabihin sayo? Eh hindi naman tayo close eh”
“bakit, hindi nga tayo close pero pwede ka naman maging open sa akin, malay mo maging close na din tayo”
“ang kulit mo… ok sige, sasabihin ko sayo per walang makakaalam ah”
“ok sige”
“ganito kasi yun… blah blah blah”
Ano daw? Lasing na kasi kaya hindi na maintindihan magsalita eh
“wag ka mingay ah, shecret lang natin yun”
“para namang may naintindihan ako?”
“ano? May shinasabi ka?”
“wala, sabi ko lasing ka na… iuuwi na kita…”
“ayaw ko pa… ay! Fave song ko yan, tara sayaw tayo”
At hinila na niya ako sa dance floor…
Pinanuod ko lang siya habang sinasabayan niya yung beat ng dirty mix ni Dj Bl3nd
She’s dancing already, a dirty dance to be exact…
She’s teasing me using her sweet touches… hindi pwede to… natutukso ako
Hinila ko siya paalis sa dance floor…
“hey! Ang kj mo, im still dancing”
“ihahatid na kita”
“ayaw”
Babalik pa sana siya kaya lang hinila ko siya at binuhat, yung buhat ni shrek kay fiona noon Remember?
“put me down”
Pero di ako nakikinig sa kanya direderetso lang ako sa sasakyan
“I said put me down”
Tsaka ko siya ibinaba at kinabit yung seatbelt at sumakay na sa sasakyan
At nagdrive papunta sa kanila…
“baba ka na”
“thank you”
Bumaba siya kaya lang nung papasok na siya sa gate nila muntik na siyang matumba… syempre maagap ako kaya nasalo ko siya
Nagkatitigan kami,
*DUG DUG DUG*
at dahil sa titig na yun bumalik lahat sa akin….
*FLASHBACK*
“whynther!”
Napangiti agad ako nung marinig ko yung boses ng tumawag sa akin, alam ko siya na yun
“autumn, good morning”
“good morning din” tugon niya at naupo na sa tabi ko
“heto oh” inabot ko sa kanya yung isang maliit na box
“ano to?”
“buksan mo…”
Binuksan naman niya, at nung nakita niya yung laman
“wow! Ang ganda naman nito”
“h-happy monthsary autumn”
Bigla niya akong niyakap
“ang sweet mo talaga kahit kailan”
“hoy, maya na ang lambingan season couple, sige kayo baka instead na maging spring yang relationship niyo maging fall yan… haha” biro ng isa naming classmate, medyo nahya naman ako sa sinabi niya
“inggit ka? Gumaya ka… haha” malditang sagot naman ni autumn
“hahaha, joke lang autumn, kaw di ka na mabiro”
“tse”
“sabay tayo mamaya ah…”
At tumitig siya sa akin… yung mata niya ang pinakamaganda sa lahat….
*END OF FLASHBACK*
Ung mga mata niya hindi pa din nagbabago, masarap pa din silang titigan…
Naputol naman ang pagtitig ko sa kanya nung umiwas siya ng tingin
“k-kaya ko na to, umuwi ka na… bye”
“ok sige, ingat ka”
Hinintay ko siyang makapasok sa kanila bago ako umalis…
Bakit kaya ganun yung naramdaman ko sa kanya… di kaya? Imposible… galit ako sa kanya, hindi pwede yung idea sa utak ko na mahal ko pa din siya…imposible
Yhiee! Ano nga kaya yung nararamdaman ni whynther? Haha.. mahal pa nga ba niya o baka namiss niya lang yung mga mata ni autumn… hahaha
Abangan… :)
BINABASA MO ANG
HEARTBREAKER
RomanceHELLO! haha.. namiss ko kayo.. now.. here's my new story... hope you like it... at take note! dont read it kung hindi kayo "open minded" may mga ilang BS kasi eh... baka hindi niyo kayanin... inuunahan ko na kayo ah... kaya nga PG13 to eh.. ok? baw...