Entry # 41

3.4K 49 13
                                    

so this is it :) 


new entry for today, and it's kinda long, 17 pages siya sa word eh, hindi ko lang alam dito...


ok this is my instruction para sa inyo... (CLICK THE MULTIMEDIA ON THE RIGHT per pag POV lang ni ALEXIA... ok?)


kay alexia lang ang multimedia ah? okie? thanks...

now lets do this, :)


+++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++

Alexia’s Voice

Naglalakad lakad ako ngayon pauwi, galing kasi ako sa puntod ni clong clong para magkwento sa kanya… nang may makasalubong akong dalawang couple, ang saya saya nila kaya biglang pumasok sa isip ko yung mga panahon na magkasama kami ni Rye, yung masaya nagtatawanan, nagkukulitan, at kung anu-ano pa.

Mahigit isang buwan na din pala ang nakalipas mula nung hindi magparamdam sa akin si rye, para siyang bula na bigla na lang nawala,iniiwasan niya kaya ako? Pero bakit naman kaya? Ano bang nagawa ko? Namimiss ko na yung mga tawa niya yung boses niya, yung mga ngiti niya na purong puro yung parang walang bahid nang lungkot… kamusta na kaya siya?

Siguro masaya naman siya ngayon kaya nakakalimutan na niya ako ay mali kinalimutan pala, hays…

Ang hirap pala ng ganito, siguro may iba na siya kasi pag tinitext ko siya hindi siya nagrereply hindi katulad dati, tapos pag tinatawagan ko naman minsan hindi niya sinasagot tapos pag sinagot naman parang laging nagmamadali tapos ang daming dahilan kesyo busy daw siya, may lakad pa siya, pagod siya at gusto ng magpahinga o kaya naman inaantok na siya… sana man lang sinasabi niya sa akin na ayaw na niya akong makausap para naman hindi ako ganito, naghihintay sa araw na mababasa ko yung panagalan niya sa cellphone ko, natawag o kaya naman nagtetext sa akin..

Bakit nga ba ako nagkakaganito? Eh FAKE girlfriend niya nga lang pala ako, at isa pa binabayaran niya ako para maging pekeng girlfriend niya, kaya may karapatan siyang balewalain ako… tama… amo ko nga pala siya…

Habang naglalakad ako ang dami kong nakakasalubong na magkasintahan, naiinggit tuloy ako… anong magagawa natin? Wala eh…

Napadaan ako sa isang restaurant ng may mahagip ang aking mga mata, dalawang pamilyar na mukha isang lalake at isang babae… parang biglang kumirot yung puso ko sa nakikita ko…

Magkatapat silang nakaupo, nakain, magkangitian sila gusto kong tumakbo palayo pero ayaw ng mga paa ko, parang nakadikit sa kalsada hindi makaalis, tumayo ang lalake at inakay ang babaeng magsayaw, silang dalawa lang ang tao sa restaurant… ang saya nilang dalawa, hndi na nakayanan ng puso ko ng halikan ng lalake yung babae parang sinaksak yung puso ko, at dahil sa sobrang sakit tumakbo ako ng tumakbo, hindi ko na ininda yung mga nababangga ko basta gusto ko lang lumayo…

Natagpuan ko na lang ang sarili kong nasa park, pumunta ako sa isang lumang slide at naupo…nang maramdaman kong basa na yung mga pisngi ko…

HEARTBREAKERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon