Entry # 48

3.6K 41 6
                                    

so this is it.. new update.. hope you like it guys...

bawi na lang si ako sa mga susunod na update... okie?

salamat.. :)

++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++

Whynther’s Voice

Lumabas ako ng building ng condo nina alexia pero di muna ako umalis agad sumakay lang ako sa sasakyan ko at yumuko sa manibela…

Inangat ko yung mukha ko at tumingin sa rear view mirror ng sasakyan ko at parang tangang kinausap yung sarili ko.

“Ang tanga mo Rye… tanga ka” hinampas ko ng ilang ulit yung manibela… “bakit mo siya tinanong ng ganun? Ayan tuloy nakuha mo hinahanap mo… ang tanga mo…”

Yumuko ulit ako… at naramdaman ko na lang ang mainit na likido na nagmumula sa mata ko…

“bakit ako nasasakatan ng ganito? Bakit ang sakit sakit?”

Nasa gitna ako ng pagddrama ng makita kong lumabas sina alexia at yung kuya ni autumn, nakangiti na si alexia…

Sumakay sila sa sasakyan nung lalake, at pinaharurot nila yung sasakyan, sinundan ko lang sila… hanggang makarating sila sa park, nagpark ako malapit sa kanila pero hindi naman nila ako makikita.

Pinanuod ko lang sila mula sa malayo, yung pagbabike ni alexia at pagsskate nung lalake, masayang masaya siya… pero parang kumirot yung puso ko ng hawakan ng lalake yung kamay ni alexia para hindi matumba sa skateboard niya, nakangiti si alexia sa lalake ang tamis ng ngiti niya ganung ngiti din yung nakikita ko noon nung magkasama pa kami.

“bakit ba ngayon ko naiisip to” bulong ko sa sarili ko at huminga ako ng malalim.

Sinusndan ko lang sila ng tingin sa lahat ng gagawin nila… nalabas din ako ng sasakyan minsan pag di ko sila matanaw.

Nakain sila ngayon masayang masaya si alexia… rinig ko yung mga tawa niya mula sa kinatatayuan ko…

Nang matapos sila kumain naglakad lakad sila kaya naman ako panay lang ang sunod.

Naupo sila sa bench, nagtago ako malapit sa kanila… naguusap lang sila pero di ko marinig yung pinaguusapan nila.

Nagulat na lang ako ng biglang halikan nung lalake si alexia…

Lalabas sana ako sa pinagtataguan ko para lapitan at hilaahin yung collar ng lalake pero napaurong ako ng makita kong nagrespond si alexia sa mga halik niya…

Hindi ko napigilan ang mga luhang kumawala sa mga mata ko, parang sinaksak yung puso ko sa nakikita ko… hindi ako makaalis sa kinatatayuan ko.

Yung paraan ng pagrespond ni alexia, ganun din yung pagrespond niya sa mga halik ko dati sa kanya.

Umalis na ako sa park at nagdrive pauwi…

Siguro nga sila na… pero hindi ako papayag na mawala siya sa akin kailangan ko ng tapusin tong kay autumn…

Paguwi ko dumiretso agad ako sa kwarto at nagisip kung paano tatapusin yung kay autumn…

Hanggang sa makatulugan ko na ang pagiisip.

***

Alexia’s Voice

Maaga akong gumising para maaga din makapag ayos, excited na ako umuwi sa amin…

Nakapagpaalam na din ako kay claud kagabi, malungkot siya kasi iiwan ko siya pero lamang ang kasiyahan niya kasi nagsing na daw ako sa kahibangan ko…

HEARTBREAKERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon