Entry # 43

3.3K 44 5
                                    

new entry... ulit :) hahah

sana magustuhan niyo.. 

================================================================

Alexia’s Voice

Tatlong buwan na ang nakalipas mula nung huli kong nakita sina Autumn at Rye na magkasama… medyo hindi na ako nasasaktan…

Sa ngayon regular singer ako sa isang bar na pagmamay-ari ng kaibigan ni Andrei…masaya naman sa trabaho ko at ayos din naman ang sahod, tuwing nakanta ako laging nakabantay si Andrei, ay hindi pala bantay nanunuod pala… hahaha

Paano niya nadiscover na marunong ako kumanta, hay! Long story… haha, basta may sakit siya noon kaya kinantahan ko siya para makatulog siya, tas ayun paggising sabi niya sa akin naghahanap ng singer yung bar ng kaibigan niya, kaya naman si ako apply… at ng dahil sa kapit ako ang natanggap, ahahah joke lang…

Special ang gabing to kasi anniversary ng bar, kaya si ako todo paganda…

*Knock Knock*

“pasok” oh diba bongga may dressing room ako

“magstart na tayo in 5 minutes, maganda ka na, ok na yan… hahaha”

“ewan ko sayo, ready na ako”

“tara labas ka na, para makita mo na din yung dami ng tao”

“ok”

Red ang hair ko today pero washable namn yan hindi permanent… then nakskirt ako na silver at polka dots na blazer na may black na tube, something like that, tignan niyo na nga lang sa side, hirap idescribe eh… Nagpunta kami sa bar counter, grabe ang daming tao, punong puno…

“hey”

Nilingon ko yung pinanggalingan ng boses

“Drei!”

Niyakap ko siya at ganun din naman siya

“ang ganda mo ngayon ah?”

“hahaha, maganda lang yung make-up na pinagamit sa akin kaya ganun”

“weh? haha”

“ahaha, eh di wag ka maniwala”

“hahaha, oo na naniniwala na… galingan mo ah…”

“ikaw din ah”

Hindi ko ba nasabing kakanta din si Andrei ngayon… haha siya yung male version/korean version ng kakantahin ko… request daw kasi yun ng kapatid ng may-ari ng bar… kaya yun… maganda boses nito… haha proud?

“ladies and gentleman, lets welcome on stage Alexia!”

Ayan na! pumunta na ako sa stage at nagwave, nagpapalakpakan naman ang mga tao, nakikita ko silang lahat mula dito sa stage, yung iba mga regular customer namin yung iba naman mga dayo lang gusto lang ata iavail yung freebies namin, hahaha

Nagpalingon lingon ako para hanapin yung pwesto ni andrei… nang mahagip ng mata ko yung dalawang pares ng mata na nakatitig sa akin na parang nagtatanong, hindi ko pinansin yung mga tingin niya nagpatuloy ako sa paghanap kay Andrei at nung nakita ko na siya nasa likod siya ni Rye…

Bakit ngayon pa? asar!

Nagwave sa akin si Andrei nagsmile ako sa kanya at nagwave din… para namang nagulat si Rye nagsmile siya sa akin ng awkward tapos nagwave ng unti… feeling niya siya kinawayan ko? Assuming…

“start na po tayo, tulad ng dati maghahanap ako ng mga mata na pwedeng titigan ah, para feel ko ang pagkanta” pero may napili na ako…

Tinitigan ko si Rye bago ako nagstrum ng gitara…

HEARTBREAKERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon