Entry # 46

3.5K 39 7
                                    

waaahhh! inspired ako ngayon pero yung update ko di ko sure :) hahahah

sana magustuhan niyo... salamat

+++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++

Andrei’s Voice

After ng dinner namin ni Alexia hindi na siya masyadong makausap ng ayos… laging tulala, wala sa sarili, tapos ang lungkot ng mga mata…

Nawala na yung dating Alexia na laging nakangiti, yung matunog na halakhak niya, pinaghirapan ko pa namang ibalik yun, tapos sa isang iglap mawawala…

I wonder kung anong pinagusapan nila sa c.r nung heartbreaker na yun…

*FLASHBACK*

Tumayo ako sa kinauupuan ko para sundan si Alexia sa C.R, paf dating ko sa cr naabutan ko yung eksena na nakatakip yung bibig ni alexia at magkatitigan silang dalawa.

Ng biglang hilahin siya papasok nung lalake sa loob ng cr ng girls agad naman akong sumunod at nakinig sa may pintuan… pero wala akong maintindihan sa sinasabi nila, masyadong mahina, at nageecho pa sa loob ng c.r… nang marinig ko yung yabag ng paa na papalapit sa pinto tumakbo agad ako pabalik sa upuan namin ni alexia.

“ok ka lang?” tanong ko

“h-ha? Oo naman… bakit mo naitanong?”

“wala naman, tara na ihahatid na kita”

“ok” ngumiti siya ng pilit sa akin

Habang nasa byahe kami, tahimik lang siya at nakatingin sa labas, parang may iniisip… at sobrang lalim ng iniisip.

“huy… ok ka lang ba talaga?”

“h-ha? Oo nga… b-bakit ba?”

“wala naman”

“ok”

Hindi na ulit siya umimik hanggang sa makarating kami sa condo nila, tahimik pa din siya.

“sige, bye Alexia…”

“ahm, Drei.. puntahan mo ako dito bukas ng umga.. ha?”

“sure, pasok ka na…”

“alis ka muna”

“pumasok ka muna, makikita mo pa naman yung mukha ko bukas kaya wag mo munang pagsawaan ngayon, hahaha”

“adik, sige na papasok na ako” tumalikod siya at naglakad papasok ng building.

Pinaharururot ko naman yung sasakyan ko para makarating na agad sa bahay ko…

*END OF FLASHBACK*

Ngayon eto ako, nagaayos para mapuntahan na si Alexia sa kanila… bakit kaya? Hmmm

***

Alexia’s Voice

Maaga akong gumising dahil pinapunta ko nga si drei dito, bakit? Wala lang… papasama lang sana ako para naman may makausap ako…

Lumabas na ako ng unit namin ng biglang may humawak sa knob ng pinto at kinladkad ako sa loob.

“Rye? Ano bang ginagawa mo?!”

“Alexia… please makinig ka naman sa akin”

“wala akong oras para makinig sayo, aalis ako ngayon”

“Alexia… please? Ngayon lang”

“2 minutes”

“ha?”

HEARTBREAKERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon