Entry #22

3.9K 43 2
                                    

sorry late update.. galing po kasi ako ng date... wahaha.. pasensya, lumandi pa ang inyong lingkod eh :) hahaha... sorry 

pagtyagaan niyo na tong update ko ah.. haha 

eto lang ang nakayanan ng masabaw kong brain... :) haha

yung nasa right si rye yan... an cutelet no? cute plus makulit yan :)

----------------------------------------------------------------------------------------

Alexia's Voice

Maya maya pa naramdaman kong may lumapit sa akin at tinanggal yung takip sa bibig ko…

Hindi naman ako makagalaw kasi nanlalambot na ako sa takot…

“kuya…*sob* maawa naman kayo sa akin *sob* may pangarap pa ako *sob* please….”

Bakit hindi sila nagsasalita?

Baka hindi nila ako maintindihan… baka mga foreigner to… wait nga…

“hello? Are you there? Brother? sister? Dude? Yow, I don’t  have money, *sob* please let me go… *sob*”

“pfft! hahahaha”

Hala bakit siya natawa? may nakakatawa ba sa sinabi ko?

“very funny alexia… hahaha”

Teka? Kilala niya ako?

“hahahaha… nakakatawa ka grabe”

t-teka parang kilala ko yung boses ah…

“third?”

“hahah… totoo ba yun alexia na may HIV ka? Hahah”

“wahhh! Sean?’

“the best escape line that I ever heard… haha”

“kyle?”

Ano ba to… ano bang balak nila sa akin..?

“guys, tanggalin niyo na yung saklob niya sa mukha, mukha na siyang bibitayin eh, haha”

“ruther?”

“sure”-kyle

Mga walang hiya kanina pa ako banggit ng banggit ng pangalan nila ayaw man lang ako sagutin….

Maya maya pa tinanggal na yung nakasaklob sa mukha ko, at hindi nga ako nagkamali yung apat na ulupong nga…

“ano bang balak niyo sa akin?” sigaw ko sa kanila

“kakausapin ka namin”-ruther

“mga bwiset kayo! Sasama naman ako ng ayos eh! Bakit kailangan may kidnap eklaboo pa kayong nalalaman?!”

“para may thrill”-kyle

“thrill?! Nasiyahan ba kayo mga bwiset kayo!”

“alexia calm down”-sean

“how can I do that sean?! Eh halos matrauma na ako sa ginawa niyo sa akin eh! Tapos sasabihin niyo na kaya niyo ginawa yun para may thrill! Bwiset! Uuwi na ako!”

Tumayo ako at naglakad papunta sa pinto bubuksan ko na sana ng biglang…

*BLAG*

Aray ko… yung pwet ko

“alexia!”

Waaaahhh! Rye!

“ouch”

Mga hayop ong apat na to, hindi man lang ako tinulungan?

“halika itatayo kita”

Lumapit naman si rye sa akin at tinulungan akong tumayo…

“andito na pala kayo?” tanong niya sa mga kasama niya

“kanina pa…”-kyle

“sayang rye di mo napanuod yung mga speech ni alexia kanina… hahaha… laughtrip! hahah”-sean

“vinideo ko kaya… haha”-third

Mga hayop talaga, walang mga puso at organs… T.T

“so ano yung paguusapan?” tanong ko

“maupo ka muna alexia”-ruther

Inalalayan naman ako ni rye hanggang sa makarating kami sa sofa, inupo niya ako doon at umupo din naman siya sa tabi ko…

“nakaupo na ako… so ano na?”

“ok, simulan na natin”-ruther

“ok”

“makinig ka lang ah”-kyle

“oo na, dalian niyo na”

“ok, ganito yun… nandito kangayon kasi dapat mong malama yung mga dapat mong gawin. Alam mo naman na siguro na magpapanggap kang gf ni rye right?”-ruther

“yup”

“alam mo ba kung bakit? Syempre hindi pa diba?”

Eh di ikaw na sumagot sa tanong mo… hmpf >.<

“wag na tayong magpaligoy ligoy pa, magpapanggap kang gf ni rye para matulungan siyang makaganti sa babaeng nanakit sa kanya noon… eto oh tignan mo to…”

Inabot nila sa akin yung envelope at nung buksan ko picture ng nerd na lalaki ang nakita ko… tinignan ko sila, para iexplain nila sa akin to

“yang hawak mo, ayan si rye before… kaialangan niyang makaganti sa ex niya na nakapagpabago ng buhay niya”

“teka? Bakit mo siya gagantihan? Eh maganda nga yung nadulot niya sayo eh”

“kasi sinaktan siya nung babaeng yun, ikaw yung magiging way para magantihan niya yung babae”

“teka? Ano gagawin ko?”

“his ex gf is the type of person na ayaw ng nawawala ang atensyon ng ibang tao, pero bago ka pumasok sa eksena, kailngan mapaibig muna ni rye yung babae, bilang rye hindi whynther, tsaka ka papasok… kumbaga aagawin mo sa kanya si whynther… at pag umiyak na siya at nasaktan na, then ayun na yung end ng trabaho mo…”

“ha? Mananakit ako ng babae? Hindi ko ata kaya yun”

“hindi ka na pwedeng umatras alexia, pumirma ka na sa contract, whether you like it or like you don’t have a choice, you need to it”-sean

“p-pero?”

“wala ng pero pero, gagawin mo yun… and one more thing.. bawala mainlove sa isat isa… ok? Kundi babayaran kami ng taong maiinlove… ok ba?”-ruther

“pwede magisip?”

“sige lang… ok lang naman… magisip ka”

“uuwi na ako ah”

“ok”-sean

“hatid na kita”

“ok sige”

Lumabas na kami ng bahay ng kung sino man, di ko alam kung kaninong bahay to eh…

Hindi ako nagsasalita ganun din naman si rye, tahimik lang kaming sumakay sa sasakyan niya…

Pagdating namin sa tapat ng building namin… bumaba ako ng sasakyan sumunod naman si rye

“parang di ko kaya manakit ng damdamin ng babae, kasi babae din ako eh… ayoko naman na may masaktan ako… mabigat sa kunsensya eh”

“p-pero”

Pumasok na ako sa loob ng building at dumiretso ng elevator…

Kasunod ko pa din si rye, ng hindi inaasahang pag pasok ko ng elevator…

Ay naku… biglang kumulo ang dugo ko…

May babae sa loob… nakataas pa ang kilay sa akin… arggghh!

-----------------------------------------------------------------------------------------

sino naman kaya yung babae? hahaha... at bakit biglang naginit ang ulo ni alexia? hahaha

abangan :)

HEARTBREAKERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon