Entry # 47

3.6K 44 7
                                    

hindi masyadong mahaba tong update na to :) pero sana magustuhan niyo pa din :)

salamat :)

hanggang ganyan lang po yung nakayanan ng powers ko eh :) hahah, bawi na lang ako sa next update... :)

++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++

Alexia’s Voice

Dahil sa sobrang tuwa ko ng malaman na buhay si Clong Clong at nasa harapan ko siya ngayon di ko napigilan yung sarili ko na tadtarin siya ng halik sa mukha niya ng aksidenteng humarap siya at nasapul yung labi niya…

Dahil sa gulat ko hindi agad ako nakagalaw…

He cut the kiss first…

“nagenjoy ka sa labi ko? haha”

Para namang biglang naginit yung mukha ko…

“a-ang kapal mo ah… tumayo ka na nga diyan ilabas mo na yung mga gamit ko”

“t-teka? Diba bukas pa kita ihahatid kasi kailangan mo pang magpaalam sa bestfriend mo?”

“ay oo nga pala, sorry naman” nawawala ako sa sarili ko ampf.

“tara” at hinila niya ako palabas ng kwarto

“huy! Teka, saan mo ako dadalhin?”

“basta”

Hanggang sa makalabas na kami ng building at sinakay niya ako sa sasakyan niya… kidnap ba to? Sisigaw na ba ako? Hahaha

“hoy, saan tayo pupunta?”

“ahm, di ko din alam eh… hahaha saan mo ba gusto?”

“hahaha, tara sa park”

“ok… may alam akong magandang park…”

“tara na doon, haha”

At pinaharurot na niya yung sasakyan niya… hindi nagtagal nakarating na kami sa park na sinasabi niya… maganda nga yung park…

Maraming puno tapos parang itsurang cherry blossoms yung mga bulaklak pero hindi sila pink orange sila… hahaha

Ang dami ding benches at ang daming nagbabike…

“gusto ko magbike” bulong ko sa sarili ko habang nakatingin dun sa dalawang nagbabike.

“tara? Rent tayo… haha”

Bigla namang nagliwanag yung mukha ko sa narinig ko

HEARTBREAKERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon